33 Các câu trả lời

10days akong di pinaligo ng Nanay ko. Tas pinanligo sakin nun yung pinakuluang dahon ng kamias. Pero yunng ob ko, after ko manganak pwedeng pwede na maligo. Sinunod ko nalang nanay ko, baka magtampo e. Hahaha

1week bago naligo tapos pinakuluan na dahon ng kalamansi kamias suha sabay pahilot sa naghihilot sa bagong panganak para bumalik ang dating katawan sarap sa pakiramdam pag nahilot na..

15 days tapos pinigsa ako ng sunod sunod sa kili kili. 😭 sa first baby ko yun. kaya ngayon sa second baby ko baka 1 week na lang kasi baka pigsahin nanaman ako dahil sa init! haha

Yung ate ko nga po kahit CS naligo agad. Warm water po.. We should keep ourselves clean for our little one. Sensitive po sila at mahina pa immune system sa mga germs. ☺️

Bute nga dn at waterproof ung plaster n nlgay ng OB ko, mgnda dun d p nya pnplnis everyday. kktnggal lng ng knina ng plaster, ok nmn, tuyo n ung sugat. Mukng d nmn nga dn kelangn n warm water since s hospital nga wlng warm water nung nlgo ako 😂

VIP Member

ako 3 days lang. Hot water tapos umuupo ako sa usok ng bayabas bago maligo. Sobra init kasi nun May panget sa pkiramdam pag d k maliligo

Ako po after 10 days. Sabi kasi ng mommy ko at ng mga matatanda hehe. And after ng 10 days, hindi padin daw pwede maligo ng araw araw

Ako po 7days tapos mga dahondahon maligamgam na tubig tapos bawal mtulog mghapon pgkaligo kc mhahanginan dw ang ulo it means maloloka

naalala ko po nung normal ako 4 days naligo na po ako at yung asawa ko pinabili ng mga herbal plants tpos pinakuluan un pinanligo ko

VIP Member

Ako momsh kinabukasan pinaligo na ako ng ob ko, normal delivery. Depende siguro yun kung may komplikasyon pagkapanganak mo.

9 days tapos nung naligo na ko w/ dahon ng bayabas.. mother ko pa nga nagpaligo sakin ☺️ ❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan