72 Các câu trả lời
for me po Kung kilan mo po pakiramdam na ready na Yung katawan mo po. may iba kasi kahit 1 week na Hindi parin makagalaw. if Hindi po kaya wag po pilitin . pwede naman po hugas lang private area. punas2 ng maligam2. mahirap na baka po mabinat. nung naligo ako nilagyan ng dahon ng kalamansi o dahon ata ng suwa Yun. 😅 Basta may mga dahon2 Yun. asawa ko kasi gumawa. Ang sarap sa pakiramdam. lalo na Yung amoy ng dahon ng kalamansi
right before you give birth basta kaya mona tumayo. Ako noon sabi ob ko maligo pag kaya na.Kinabukas naligo ako running water sa opsital tapos bago kami lumabas ligo ulit.. pag uwi sa bahay everyday ligo malagkit kasi gatas.. breastfeed.Walang masama maligo according sa ob make sure lng na umaga or tanghali ka maliligo at patuyuin buhok maige.
Mommy you can take a shower after you give birth, just don't take a BATH where you soak yourself in a tub. That is a no no and you'll have to wait a few days before you can do that because of your wounds. Be careful in washing around your wound, if it is through CS or vaginal birth, just be gentle in the way you clena yourself.
For me mas sinusunod ko pamahiin ng matatanda..15days to 1month walang ligo.. tpos panghugas mo maligamgam na water na may dahon ng bayabas..tpos suob parang steam bath sarap sa pakiramdam labas lahat ng lamig sa katawan.. after nun hilot 😊 wala nmn mawawala kung susundin 😉...
right after birth! Doctor na mismo nag-sabi, HYGIENE ang unahin. Kakapitan ka ng bacteria, kawawa si baby! Ate ko nung nanganak, sinabihan agad na maligo ng doctor and sa hospital kailangan pag nag round na ang doctor kailangan malinis na lahat.
as per hospital rules kung normal delivery ay pwede ng maligo the following day. since CS ako, my OB said na after 12 days daw ako maligo pero pwede ko pa-shampoo ang hair ko and kailangan laging maglinis ng katawan to prevent the spread of germs and bacteria.
Pagkauwi mo po sa bahay galing hospital or clinic pwede na po maligo. Normal man po or CS.. para po mawash out ung dumi ng panganganak mo. Sa CS po. Takpan ng plastic ung sugat pag maliligo para hindi po mabasa sya.
Right after birth kung kaya na. Si baby, super sensitive pa, kailangan malinis ang hahawak sa kanya. Not to mention na may covid pa ngayon, kailangan mas maingat especially mahina pa katawan ni mommy and baby after birth.
sabi ng ob ko pwede lang maligo kahit bago lang panganak .meron kasi ung iba is tradition na after 2-3days ng panganak mo saka lang maliligo para dika mabinat ganun.pero its ok naman basta maligamgam ang pa ligo
Pagka uwe from hospital gora na ko pag ligo lol. Summer ako nanganak jusko di keri ang di maliligo. If may kapisan na mejo old school mejo challenging kasi parang gusto 10 days pa so diskartihan nalang po momsh
Fellah