Nananakit na asawa

Ilang beses na po nag attempt ung asawa ko na saktan ako physically pero di naman po ka grabe. Ung tipong dumadapo lang po ung kamay niya sa braso ko. Aminado po kase ako na di rin ako nagpapatalo minsan sa asawa ko may pagka madaldal din po ako bilang babae. Sapat na po bang dahilan un para saktan ako ng asawa ko? Sa pagiging madaldal ko minsan? Ung asawa ko po sobra kung magalit. Pag nag aaway kami binubulyawan ako palage at minumura ako. Pa advice po sana mga mima. 🥹

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. Kung ang mindset niyo magasawa dapat “hindi magpatalo sa isa’t-isa” ending pareho kayong talo at ang magsa-suffer ay ang relationship at pamilya niyo. Hindi maja-justify ang pananakit pero hindi pwede na porket tama ka hindi ka na titigil ng kakabunganga (no offense). Kung alam niyo sa isa’t isa na may mga pangit kayong ugali kapag nai-stress or nagagalit, pagusapan niyo at hanapan ng solution. Intindihin niyo ang isa’t isa para matuto kayo magadjust at maiwasan ang paglala ng problema. Normal sa mag-asawa ang misunderstanding at pagaaway, pero hindi na normal yung pinapalala to the point na magkakasakitan verbally at physically. Tsaka iwasan rin yung paghahanap ng kakampi sa labas, mula sa kaibigan or pamilya. Dapat kayong dalawa ang magkakampi may understanding or misunderstanding man. Yun lang po.

Đọc thêm

ang mag asawa bigayan. if high ung isa, magpakumbaba naman yung isa. if mainit isa dapat mahinahon yung isa. Hindi pwede both high at g na g sa awayan. kawawa mga bata. dapat isa sa inyo nanguunawa sa isat isa. Ang solusyon dyan mag usap kayo ng mahinahon. Unahan muna sabihin na mag usap kayo ng di nagsisigawan at nagppisikalan. Need nyo magbago ng ugali, accept yung mga pagkakamali at solusyunan problema bilang partners at hindi enemies.

Đọc thêm

Walang enough reason para manakit ng tao, mapa babae or lalake. But, since aware ka naman sa ugali mo better to change yourself. Mag simula kang baguhin sarili mo, lalo at kung alam mong ayan nakaka trigger sa galit ng asawa mo. Eventually mababago din ng asawa mo ang ugali niya.

Baka sobra ka din kasi mi bungangera. Yan pinaka hate ng lalaki ang asawang bungangera. Hindi na rin makapagtimpi ang asawa mo. Umpisahan mo baguhin sa sarili mo, pag mag aaway kayo, mag usap kayo ng maayos hindi yung bulyawan.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5232849)

Hindi po normal ang pananakit maliit man or malaki. Wag nyo po tolerate ginagawa ng husband nyo..Kausapin nyo sya na hindi kayo okay sa ganun. What if may anak kayo at ganun po gawin payag po ba kauo?

Hindi po sapat na dahilan yun para pagbuhatan ka ng kamay. Yan ang non negotiable sakin.