ilang araw pa lang ako sa bahay ng pamilya ng partner ko pero nahohomesick na ako agad. Ang hirap lalo na kailangang makisama sa bahay eh ako tahimik lang ako na tao at di sanay sa maraming tao. Sanay ako na tahimik lang pligid ko. Wala ako mapagsabihan kasi nakakahiya rin kung sasabihin ko sa partner ko. Hindi rin ako pwedeng bumalik samin kasi hindi talaga pwede ang mga buntis dun sa sobrang balasubas ng mga tao. Nahihirapan lang ako. Gusto ko lang ishare nararamdaman ko. Gustuhin man namin bumukod kaso bread winner yung partner ko dito sa kanila. Nahihiya ako na nakokonsensya. Di ko na alam gagawin ko.
Anonymous