ANO KAYANG TUMATAKBO SA ISIP NYA? NAKOKONSENSYA KAYA SIYA?

So, may ikekwento lang ako mga moms. Pakibasa hanggang dulo. So, ako at yung ka work ko pareho kaming nabuntis halos sabay lang actually. Ako nabuntis ako ng ex ko habang sya di nya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Feeling namin that time di pa kami ready since di pa stable mga life namin at kakastart lang namin magkaroon ng work na maganda. 21 sya ako naman 24 na. We decided na wag ituloy yung dinadala namin. Since madami syang connection at kilala. Around our first 2 months na pagiging pregnant, nag pahilot kami for 5 days at may ininom na gamot for 21 days. Di ko alam kung saan nya nakuha yung mga yun. Uminom din siya ng shoktong habang ako di ko kinaya yung lasa. Isinusuka ko. Throughout that process, tulala lang ako sa mga nangyayari. Nag hahalo parin yung 50% itutuloy ko ba 50% wag na lang kaya. Halos di ako nakatulog nun. Di nakasimba. I even asked God nga na kunin na lang nya to kase di pa ko ready. Yun yung nakakahiyang part na ginawa at idinasal ko kay Lord. Mag 3 months na nun yung tyan ko at wala paring nangyayari. I decided na sabihin na sa superior ko na buntis ako. Medyo mabigat din kase yung work namin. Nag decide rin ako na ituloy yung pagbubuntis ko kase in the first place sobrang mali yung ginagawa namin, pero nag woworry ako na baka nadurog at may kapansanan sya pag labas nya. Madaming pumasok sa isip ko nun, na kawawa at bata pero decided na ko na ituloy at kung ano man nag magiging effect nun kay baby au aakukuin ko since kasalanan ko naman. Nag start na ko nung mag prenatal check up. And simula nung narinig ko yung heartbeat nya doon ako natauhan. Napamura ko actually sa mga pinaggagawa ko. Ngayon 33 weeks na si baby at sobrang healthy. Ipinagdadasal ko na lang kay Lord na maging maayos kami pag labas nya. About naman doon sa ka work ko, simula nung nalaman nya na itutuloy ko yung pagbubuntis ko parang nagalit sya sakin. Sinabi ko naman sa kanya na di ko kaya. Di na kaya ng konsesya ko. Halos napabayaan ko na nga work ko sa ginawa namin. Yung sa kanya kase na laglag baby nya, since lagi syang nagpapahilot, iniinom ng gamot at alak kaya nalaglag kagad. Ipi-flush na lang nya sa toilet bowl at di manlang tinirikan ng kandila. Sobrang galit sya sakin nung nalaman nya naitutuloy ko na yung pagbubuntis ko at nakita nya na excited ako. lagi nya pa kong pinariringgan na di daw healthy si baby, Good luck daw sakin at kung ano ano pa. Nag bibigay pa nga sya ng advice na ma CCS daw ako? which is not true kase sabi ng ob ko maganda daw posisyon ni baby. Cephalic Posterior. Madami syang advice sakin na kung ano ano. Di ko na pinakinggan kase di na ko nag titiwala sa kanya. Pinagtataka ko lang bakit parang wala lang sa kanya? Halos mabaliw ako nun sa ginawa namin. Sya nakakapag salita pa tungkol sa pagpapalaglag. Tungkol sa baby at paghahanap nya ng bagong boyfriend. Nakakatakot na baka pag nabuntis ulit sya gawin nya ulit yun. Throughout ng pag bubuntis ko na totoxic-an ako sa kanya. Lalo na sa mga ka work ko since alam nila na magiging single parent ako. Parang ako pa yung mas jinudge kase nabuntis ako ng walang tatay si baby. Although di nila alam yung nangyari saming dalawa ng kawork ko. May ilang nakakaalam, kagaya ng superior ko at ilang tao sa division namin pero bakit parang mas tinolerate nila yung ginagawa ni ate girl? May konsensya kaya siya? Sila? Hayyy nakakapagod mag isip. Malapit na akong manganak actually pero siya parin iniisip ko. Baka kase nakokonsensya ako para sa kanya since kami dalawa at magkasama habang ginagawa yun? Kase huli na para mapigilan sya??

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mommy nakukunsensya ka kasi isa ka ng ina. Alam mong may bata syang pinatay na di man lang pinayagan masilayan ang mundo. Natural yun pero wag mo istressen sarili mo. Para sakin maganda ng wala ung bata sa knya at kinuha agad ni god. Dun palang sa nagalit sya sayo dahil tinuloy mo. Sign na un na di sya magiging mabuting ina sa magiging anak nya since dipa sya handa. Hindi lang impyerno ang may demonyo kundi masa paligid lang natin sila isa na yang kaworkmate mo. Hayaan muna kung ijudge ka nila alm mo sa sarili mo na wala mang ama yang anak mo pinanindigan mo pading maging ina. Unlike sa kawork mo matawag lang na dalaga..

Đọc thêm
5y trước

Yes po. Thankful ako kase kumapit si baby at sobrang healthy nya. Di ako nag kaproblema throughout my pregnancy. Naidadaan talaga dasal.🙏🏼🙏🏼 Sana lang yung ka work ko eh magtino na. Kase parang wala lang aa kanya eh.

Up