Ang nanay ko
Most common problem natin ay yung mga in-laws natin pero sa part ko, sa nanay ko ako mismo nahihirapan. I'm an adopted child. Since bata pa lang ako, alam ko na yun. Yung adopted father ko, namatay when I was 2 pa lang so lumaki ako ng walang tatay. Di naman naging problem yun sakin kasi i don't feel incomplete naman. Yung adopted mother ko, tough sya. Very strong personality. Pero i know, defence mechanism nya lang yun. Nakkwento nya kasi na dati daw, ibang iba ang trato ni inang(mama nya) sa kanya. Di sya favorite ganon. Tapos yung tita ko, favorite. Parang naging issue nya yun kasi kahit hanggang ngayon, nababanggit nya pa din yun. Successful din si mommy, graduate sya ng BS Chem tapos ngayon, nag bbusiness sya then may mga apartment. Masasabi talaga na stable sya kahit maaga sya nabyuda. Di sya hands-on samin ni kuya (adopted din). Kasi busy sya mag business habang lumalaki pa lang kami. So, si kuya ko lumaki sya na mahina. Parang walang sariling desisyon, ganon. Basta parang weak sya. Nag asawa sya by 19. Ako naman, bata pa lang independent na. Kaya ko sarili ko at ako na nag aasikaso sa sarili ko kahit bata pa lang ako although may katulong kami sa bahay. Masasabi din na maldita ako in a way kasi di ako nagpapaapi. Total opposite kami ni kuya. Si kuya, tahimik lang oo lang ng oo susunod lang yun. Ako, pumapalag. Kaya mas pinapaboran si kuya. Konting hingi, bigay. Ako di ako sanay humingi at nagpapatulong. Ewan ko ba, ganon na ako lumaki. Nakagraduate ako ng educ at nakapasa na ng LET bago ako nagdecide na mag settle. Ngayon, may asawa na ako at buntis na din. Nandito kami sa puder nya. Kasi wala akong choice. Wala kaming sapat na pera para bumukod. Talagang nilunok ko nlng pride ko e. At times, iniisip ko bakit ba ako nagpakasal agad hahahaha eh pero gusto ko naman na talaga mag settle at di naman ako papayag na mag anak lang ng walang kasal. Sympre di maiiwasan na may masabi sya. Kasi madami talaga syang nasasabe. Yung early months ng pagbubuntis ko, lagi ako umiiyak kasi ineexpect ko na nanay ko sya eh dapat may support man lang kahit emotional support ganon. Pero wala. Nandito kami sa bahay nya pero parang hangin lang kami. Nagtatago pa sya ng pagkain. Nakakaloka! Parang di makatao yun. Diba, malaman mo buntis anak mo tapos gipit, the least you can do is suportahan sya kahit wala na financial eh, emotional man lang. Kaso nakakasama ng loob mga ginagawa nya. Then chinichismis nya pa kami sa mga friends nya sa church. Kaya ako, lumayo din tlga ako sa kanila kasi sympre diba iba na yung tingin nila samin. Kasi yung husband ko, ofw yun bago kami ikasal. Eh, naubos pera pangkasal at nagbigay din sya sa family nya. Dapat kasi aalis din sya ulit kaso nabuntis ako at ayaw na nya umalis so dito na sya naghanap ng work. Eh sympre, di naman mahire agad diba. Mga 2 months pa bago sya nahire. So gipit tlga. Yung time na naglilihi ako, may mga dumadalaw dito sakin tapos nagdadala ng foods. Thank God for friends like them huhu. Nabedrest kasi ako at pinag resign ako ng doktor sa work ko bilang teacher dahil stressful daw yun masyado sakin. So stay at home lang tlga ako. Dahil nga strong personality nanay ko, di sya naniniwala na di ko kaya magwork. Well, kaya ko naman pero delikado sa bata kasi dinudugo ako nun e. Tsaka doktor na din nagsabi. Pero kht bed rest ako, kumikilos pa din ako dito sa bahay, naglalaba ako ganon. Pero buti naawa yung kasambahay namin, sabi nya sya na daw maglaba ng damit namin ng asawa ko. Buti pa sya, char! So ayun nga.. one time nagkkwentuhan kami ng mga bisita about sa paglilihi. Kasi yung ibang friends ko, naging maselan tlga pagbubuntis nila. Ako, di naman masyado bukod sa bedrest lang ako. Pero sa mga pagkain, amoy, wala naman masyado. Ayaw ko lang kako ng chicken joy eh fave ko dti yun. Bigla sumingit nanay ko. Sabi nya di daw totoo yung paglilihi nasa isip lang daw namin yon. Sa isip isip ko, di kasi nya naranasan diba. Di sya nagbuntis kaya di nya alam. Naiinis ako sa ugali nya sa totoo lang pero tinitiis ko na lang kasi bahay nya to e. Tsaka naiintindihan ko din pinanggagalingan nya. Siguro di nya nafeel na mahal sya ni inang kaya nagmananifest ngayon. Nakakaawa din kasi madami sya pera pero prang di naman sya masaya talaga. Lagi kasi nya kinocompare yung naging buhay nya sa naging buhay ni tita(fave ni inang). Kahit pag nag-uusap kami nung kasambahay namin, kahit si kuya, ang sinasabi lang nila intindihin ko na lang si mommy. Eh ano pa nga ba, diba. Alam din nila ugali ni mommy e. Lagi ako sinasabihan ng asawa ko na, pag lumabas na si baby, wag maging ganon yung environment. Na wag ako tumulad kay mommy. Ayoko naman talaga.