49 Các câu trả lời

VIP Member

Wag mo muna ituloy ang wedding niyo sis. Bago ka mgpakasal sa kanya, isipin mo muna ng isipin kung kakayanin mu ba na ganyan plage ang treatment nia sayo.. Ngayon pa nga lng na hindi pa kayo kasal gnyn n xa sau, what more p kpg kasal na kau. Kung mhal ka tlga nia kht anu pa ang ginagawa nia, kht nsaan p xa ititigil nia yun, llo na at buntis ka pa.. Dpt nga inaalagaan ka nia at nde pnpsma ang loob dhl masama s buntis ang nsma ang loob.. Think again and again sis before you make a decision.

Sis!! Please don't do it. Spare yourself from that stressful situation. Believe me when I say pag dumating yung baby niyo baka ikaw lang mag alaga kay baby without any help tapos your dealing with the pain pa from giving birth tapos di mo maaasahan yung asawa ko. Nako po. Gamer din asawa ko and to be honest halos lahat ng gawa in sa bahay from baby to household chores ako lang din gumagawa. Nakakapagod sis. The fact na dalawa kayong mag asawa but it seems like you're just alone. Mahirap.

VIP Member

Normal sa boys ang mag games etc. Pero adik na sa games yang fiance mo. Pag inlove talaga nakakabulag. My advice sis is to breakup with him. Hindi biro ang mundo ng pagaasawa. Worse case scenario pa nyan baka kung kelan kasal na kayo mas tumindi pa sya. Biruin mo buntis ka sasabihan ka ng nagiinarte. It just clearly means wala syang pake sa inyo ni baby bsta maglalaro sya. I know mahirap maging single mom but my mom did it. Mas gumaan pa buhay nya ngayon.

VIP Member

Postponed nalang po muna. Kausapin mo sya na ayaw mo na ituloy kasal. Baka kasi napipilitan kalang magpakasal gawa ng baby mo. Pero mas isipin mo paano pag naging mag asawa na kayo, paano ka niya itrato? Eh ngayon pa nga lang ganyan na ginagawa sayo. Baka sakaling pag kinancel mo, marealized nya lahat ng kakulangan niya. Basta maging open lang po sa partner mo, wag ka mag papa under masyado. Kasi pagsisisihan mo sa huli pag di ka nag vvoice out..

Nako ako nag natakot para sayo sorry sis ako nyan di ko itutuloy ang kasal, ang kasal eh panghabang buhay at para sa taong papahalagahan ka mamahalin ka . Dapat nga asikaso ka nya kasi buntis ka at dapat breaktime nya tatawag man lang sayo at para kamustahin ka huhu Ngayon palang na di kayo kasal toxic na sa buhay sis alis ka na di sya karapat dapat sayo hingi ka nalang ng sustento ara sa baby mo kapag ayaw nya pwede mo man yan ipa baranggay.

Mommy grabe naman po sya parang wala syang pakialam sainyo ng baby mo. Para sakin mommy pag isipan mo ng mabuti at kung gusto mo ng advice ko, mommy wag na ituloy kasi ngayon palang po hindi ka na nya maalagaan ng maayos at matrato ng tama. Pano pa pag kasal na kayo? Mahihirapan ka lang po mommy. Pwede nyo rin po pag usapan yan para po sa personal nyong desisyon sa buhay. Always pray and good luck. God bless po mommy

VIP Member

Take a break muna kayo pag isipan nyong mabuti kung dapat nyo pa ba ituloy. Nakapag alala dahil pag nanganak ka hindi malayo magkaron ka ng post partum depression and napaka hirap makipag deal sa ganung condition. If I were you aalis muna ko para mag isip lalo na para sa kapakanan ko at ng magiging anak ko. If he really loves you dapat he knows his priority. Wag ka masyado papastress mommy God bless

Hndi pa kayo kasal. May time ka pa mag isip at magback out. Ang kahihiyan, lilipas din yan, pero ung masettle ka sa lalaking ganyan ang pag-uugali stress lng aabutin mo dyan. Pag-usapan nyo, bigyan mo ultimatum. Malay mo magbago. Pero para sakin, hndi na. Hahaha it's your choice. Mas masarap masettle sa taong kaya kang bigyan ng PEACE OF MIND. lalo na't manganganak ka. Mahirap yun ang makakalaban mo ay PPD

Yes totoo yan sis. Iluluha nya muna lahat bago magka-chance na magbago yan. Hay nako kainis mga ganyang lalake.

Hindi pa kayo kasal ganyan na sya,. Pano nalang pag kasal na tapos hindi na sya nag bago? Knowing mag kakaanak pa kayo? Mas madali umalis sa relasyon pag hindi nakatali.. Isipin mo na lang ung mga susunod na araw... Taga payo lang kame in the end of the day ikaw pa rin ang mag dedesisyon,. Be practical po.. Be smart,. Pairalin ang utak.. Wag po puro puso.. Mas makakatulong sayo yan..

VIP Member

Think it through mamshie.. minsan kasi iniisip ntin paano magging anak natin pag wala ang tatay pero minsan mas may damage sa bata kung mgksama nga kayo pero di maayos pagsasama niu. Nakita ko nga post sa fb na ikaw mppli mo ang mgging asawa mo pero ang baby mo di mappili ang tatay nia

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan