37 Các câu trả lời
35 weeks na ako now, lagi akong naiihi, struggle pa namn kapag tulog ka na tapos mararamdaman mo yung urge na umihi,, ang hirap bumangon... Nakaka 2-3 times akong bumabangon sa gabi para umihi,, pero mas madalas sa umaga kasi tinatry ko uminom ng madaming tubig
normal lang yan sis. kailangan din ng katawan natin madaming tubig kasi tumataas temperature ng buntis kaya mabilis mainitan. at makakatulong din yan sayo kapag manganganak ka na para hindi masakit kasi matubig ka.
Hehehe same po pag lalo na turning 8mons kana mas lalo na ang pala ihi mo at pala inom kaka ihi lng gusto mo uminom mayat maya ka tayo ng tayo kahit kahimbingan maggising ka talaga sa pag ihi..
Not to being nega,pero try mo sya sabihin sa OB mo sis,isa din po kasi sa signs ng diabetic or mataas ang sugar yung ganyan po. (Based on my experience po) 🤗
Yes po normal lang po yan. Maliban sa effect ng increased water intake sa paglaki po ni baby pagkakaron ngnpressure sa bladder kaya nagkakaron ng urge na umihi.
Ganyan din po ako nung first tri ko. Mabuti po sa baby ung paginom ng maraming tubig. Ung sa tulog po ganun po talaga iihi at iihi ka po talaga momsh
Ganun po talaga mamsh. Mas lalala pa yan pag lumaki na tummy mo. Gawin mo na lang po inom ka water before and after mo umihi para di ka matuyuan.
hehe same sis. stay hydrated para na rin kay baby need nia dn po kc ng water kaya laging uhaw.. mas mganda po ihi ng ihi para iwas uti na din
Sa ganyan ako nagka UTI pag tulog kasi ako minsan kahit ihing ihi na ako di ako nagigising kaya pagdating ng umaga sobrang sakit ng puson ko.
Aku den sis ganyan ung papikit kana tapos bigla ka maiihi tapos ung lalamunan mu parang ubos uhaw na uhaw kaya panay inum aku tubig