If you are pregnant or malapit ka nang manganak, pero hindi ka pa qualified to avail of Philhealth maternity benefit, kasi late ka na sa pagbayad at lagpas ka na sa payment deadline, puede ka pang maka-avail of Philhealth maternity coverage under the Women About to Give Birth Program.
Ang gawin mo lang is to pay your Philhealth contributions for one year (2,400 pesos).
Pero bago ka magbayad, punta ka muna sa lying-in clinic or hospital where you will give birth and ask if you can avail of the Women About to Give Birth program. Ito ay para sure na alam nila itong program at para maka-avail ka ng Philhealth.
Required din na magpa-prenatal check-up ka sa clinic o hospital kung saan ka manganganak at kung saan mo gagamitin ang Women About to Give Birth program.
At least 4 prenatal checkups nga yong nakasulat sa Philhealth Circular, pero itong count na ito ay flexible naman, depende sa kung ilang buwan nang pregnant ang member.
Itong program na ito ay isang beses mo lang magamit. Kapag nagamit mo na, hindi mo na uli puedeng magamit sa susunod mong panganganak.
Ang kelangan ay sundin mo na yong mga payment deadlines ng Philhealth.
Lil Val