Advise please.
If may friend kang naging "kabit", ano'ng mapapayo mo sa kanya?
dont bash me mumsh .. naranasan kong maging kabit 😢 2x parehong di ko alam na may pamilya sila .. un una taga olonggapo yun isa taga qc .. kaya pala ayaw nila akong ipapakilala noon sa parents nila .. doon gumuho ang mundo ko nun nalaman kong may mga asawa sila .. nilayuan ko kaagad sila pero mahal ko siya .. hanggang sa dumating na sa point na sinugod ako nun asawa .. doon ako nagising sa katotohanan na may sinisira na akong pamilya at sobra kong kinamuhian ang sarili ko 😢 dahil ginawa ko sa pamilya nila.. para ko na din ginawa sa nanay ko dahil noon nag karoon din ng kabit ang tatay ko .. 😢 and totoo ang karma kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo sya rin babalik sayo 😢 naranasan ko ang kinakatakutan ko .. nagkaroon ng kabit ng ex ko kaya nag hiwalay na kami .. ps: PINAG SISISihan ko po ang mga panahon na pumatol. ako sa may asawa pero hndi ko naman alam na may pamilya na sila .. 😢 nasaktan din ako at nangangakong hndi na un mauulit lalo na at babae ang anak ko.😢
Đọc thêmI have a friend na naging ganyan for almost 3 years or so.. I told her before na tigilan na nya since mas pinili nung guy yung ex gf na nabuntis kesa sa kanya na current gf na nabuntis din. Knowing na alam nung guy yung sitwasyon, mas pinili nung guy na saktan sya at sundin ang magulang na pakasalan ang ex.. After 4 to 5 years na pagpapakatanga, nahuli nya si guy may kinakalantari pang iba, may asawa na, ginawa ng kabit yung kaibigan ko, umisa pa.. Kaya sabi ko atlast nagising din sya.. Thank God. Ngayon, annulled na yung guy sa asawa nya and my friend is currently married to her childhood friend with one kiddo.. 😊
Đọc thêmI have a friend na kabit. Pero okay naman yung status nila, legal sila sa family ng BF nya. Kasi may plan na talaga mag annul yung BF nya and wife. Until now naka process pa kaya hindi pa sila hiwalay sa papel kaya sa mata ng iba, kabit padin yung friend ko. Pero kung alam lang nila yung story, hindi mo na maiisip na kabit sya. Sana hindi ko ma experience yun, mabait at masipag yung husband ko, and very family oriented sya. So sana hindi kami umabot sa ganong problema lalo nat mag kaka baby na kami. 9yrs kami mag BF/GF and wala pang 1 year kaming kasal, binigyan na kami ni Lord ng baby. 💗
Đọc thêmNung time na crush niya pa lang sinabihan ko na siya na wag patulan dahil may asawa at may mga anak, oo naman siya pero di ko alam nagkakausap at nagkikita na pala. nung nalaman na lang namin na jowa na pinagalitan at nag advice kami syempre, kaso di din naman nakikinig hinayaan na lang namin. di sa pangungunsinti pero kung ayaw makinig wala naman kami magagawa matanda na yon, pag nag dadrama samin hinahayaan na lang namin sinasampal namin ng realidad na deserve nya yon. pero wala din, dalawa na anak nila ngayon. 🥴
Đọc thêmpaparinig ko sakanya podcast ng Victory Fort for the whole Feb 2020 and 2019. mga Febibig series. and reremind ko siya na she deserves God's best and that mahal ko siya and ang kasiyahan biya ay kasiyahan ko pero concerned ako kasi kung masaya siyang naninira siya ng buhay ng madaming tao (mag asawa at mga anak), nasasaktan ako for her. encourage ko din siyang magjoin sa Victory Group (Bible study group) ng mga singles na puro babae (Zoom nga lang ngayon kasi walang facw to face muna) 💖
Đọc thêmmapapagalitan ko talaga si friend! stop mo yan!kaya mo pa pigilan yan wag ka magpalunod kung ayaw mong makasakit at makasira ng ibang pamilya.hindi nakaka Proud maging kabit kaya tigilan mo na. meron din na para sayo. mag pray ka na malabanan mo yan. pero sempre kung bulag na sia sa love eh malamang hindi sia makinig sakin pero atleast bilang kaibigan dapat iparealize saknya kung ano yung mali at ipag pray din sia.
Đọc thêmadvice mo friend mo sis na wag na niya ituloy lalo na pag kasal yung lalaki at may anak na, kasi malaki ang impact nang ganyan sa bata base on my experience sa daddy ko noon, anak ang mag susuffer mapapatanong ang bata if enough ba sila ng mommy niya para ipagpakit sila sa iba, at sa part ng wife if may pagkukulang ba siya , habang maaga pa pigilan mo na lalo na kung alam naman niya na pamilyado yung jojowain niya
Đọc thêmadvice your friend, hindi masayang maging kabit. everytime na magkasama kayo you should think na pagtapos ng oras mo with him babalik sya sa original nya. Maliban na lang kung hiwalay na talaga sila sa buhay. pero kabit ka pa din matatawag kung di pa separated sa papel. alam mo naman ang mga mapanghusgang tao. dapat malawak tibayan mo damdamin mo in the future. (patagongExKabit 😔)
Đọc thêmMAG BAGO KA HABANG MAAGA PA WAG MO NANG PALALAIN ANG SITWASYON AT WAG MONG HAYAANG MAY IBANG MASAKTAN DAHIL LANG SA IYONG PANG SARILING KASIYAHAN LAMANG, BIBIGYAN KADIN NI GOD NANG MAS DESERVE ANG PAG MAMAHAL MO❤️ KAYA STOP MUNA ANG KALOKOHAN NAYAN MAHALIN MO NALANG MUNA ANG IYONG SARILI NG SA GANUN MAPABUTI PA ANG TINGIN SAYO NG NAKARARAMI KEEP SAFE ANG GODBLESS😇
Đọc thêmfriend, mag isip isip ka masarap maging asawa wag ka naman maging kabit. ang daming judgemental ngayon ang dami daming lait matatanggap mo. kahit sabihin mong masaya kayo kung nakasira ka ng pamilya, masama na tingin sayo. wala ata akong narinig na may mabuting nasabi sa mga kabit. be wise sa pagpili ng lalake, wag yung may pamilya na 😘😘
Đọc thêm
Rakistang Pogi ng Lipa City