Stress lang ba ako?

Hi I just want to vent out. I feel guilty right now na nasabe ko sa anak ko na mas gusto ko pang umalis kesa dito sa bahay. My daughter is 6yo and I also have a son who is 2yo. I am working mom since pandemic hindi everyday ang pasok ko. At sa everyday ko sa bahay napapagod ako mentally. Yung buong araw ko wala ako pahinga sa pagaalaga at pagsasaway. May yaya naman pero mas marameng gingawa sa loob ng bahay kesa magalaga. Living with inlaws din ako. Pakiramdam ko wala akong katulong ako lang magisa. Although ngbabantay naman yung byenan ko sa hapon pero madalas kasi sila umalis pag wala ako work kaya ako maghapon. I feel helpless!!! Sa maghapon ko nakakapago yung pakiramdam na wala kang katulong parang ikaw lang sa lahat. Sobrang stress na ko at napapagod. Kahit gustohin kong magpahinga hindi kaya, pakiramdam ko wala din ngaalala para saken. Pakiramdam ko magisa lang ako. I feel guilty na nasabe ko sa anak ko yun pero pagod lang talaga ako at ayoko sila hawakan dahil nung 1 time napalo ko yung bunso ko. Hindi ko mapigilan para akong sasabog. Pag nahimasmasan naman ako narerealized ko na bakit ko ba yun ginagwa. Mahal ko mga anak ko at hanggat maari ayoko sila saktan at alam ko di ko mean na sabihin sa kanila yun, sobrang napapagod lang talaga ako. By the way yung asawa ko wala syang work pero may business sya Parang wala din ako maasahan na tulong, parang hindi ako naiintindihan kung bakit ko nasabe yun sinabihan pa ko na mas gusto ko pa daw kasama ang ibang tao kesa sa kanila. Sabe ko naman walang nakakaintindi saken. Ano ba gagawin ko? Baka kung ano pa magawa ko sa susunod di ko mapigilan sarili ko. 😭

1 Các câu trả lời

VIP Member

Been on your shoes mommy. Go thing ikaw may yaya ka at may time na nakakaalis ka ng bahay dahil sa work mo. Kumbaga, mah time ka para malayo sa bahay at sa stress sa bahay. In my case full time ako sa bahay at wala din akong maasahan. Never nakakalabas at ang time ko lang para magMe time ay pagtulog si baby. What i am doing, pagstressed ako... lumalayo ako kay baby. Hinahayaan ko sya umiyak kesa masasaktan ko sya. You can always say sorry naman kase yung nasabe mo nasabe mo out of pagod lang. talk to your children. Say sorry. Explain to them na napapagod lang si mommy pero it doesn’t mean na di mo na sila mahal. Di talaga tayo maintindihan madalas ng mga tao kase feeling nila andali lang ng ginagawa naten. Pero ang mahirap kase ung depression, yung anxiety na feeling naten helpless tayo. I always pray and ask for guidance. Mahirap mag-isa talaga. Ramdam na ramdam kita. Pero kakayanin naten to para sa mga baby naten. Hugs 🤗

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan