Parang naka relate ako dito.. sa asawa ko naman mas madami pa siya time asikasuhin ung mga kalapati niya at mas gusto pa kasama ung bayaw niya.. naintindihan ko naman na sobrang kasundo niya yon, parang magbestfriend pro halos buong araw sila magkasama, ni hindi niya mahawakan kahit sang oras man lng ung anak niya, wala pang 15mins babalik niya sakin, di man nga ako makaligo ng maaus kung hindi kukunin ng nanay ko si baby, mas nakakapaglaro pa nga ng ML ng isang buong oras eh, pakiwari ko ba na feeling niya yata tapos na responsibilidad niya samin nung makalabas kami ng ospital, lagi naman niya sinasabi na mahal niya kami lalo na si baby pero di ko maramdaman.. ung pinakanaginit ulo ko is nung minsan nagpapatimpla ako ng gatas kasi hawak ko si baby at umiiyak na dahil nagugutom, ang sabi eh sandali lang nakasalang siya sa ML baka daw ma report siya, eh matagal matapos ung isang laro kaya tuloy nagtatatalak talaga ako, wala ako pakialam kahit naririnig ng ibang tao.. dun ko nafeel na parang di pa nagsink in sa kanya n may anak na siya kaya ngreverse psychology ako sa kanya.. pag lumalapit samin ni baby at gusto kargahin anak niya sinasabihan ko baka meron siyang nakasalang na laro baka mareport siya pag diniya inatupag, o di kaya sinasabihan ko baka nagugutom na mga kalapati niya unahin niya muna un, diko binibigay si baby sa kanya, ni hindi ko pinapatabi matulog samin mag ina, pag tinanung niya kung kumain naku sasabihin ko mamaya n lang pag tulog na iyong bata, pakiramdam ko talaga magisa lang ako.. naging cold na din ako sa kanya, di ko na tinatanung kung kumain na ba siya, kasi matanda na siya kaya niya na un, pag nagsavi siya na gutom siya, sinasabihan ko lng may pagkain sa table, hainan mo nalang sarili mo alangan iwan ko ang bata.. mejo nakaramdam cguro kasi kahit panu nagbago naman or cguro napagsabihan ng mga kapatid.. kung anu man mangyari samin, kaya ko naman buhayin anak ko, maaus pa naman cguro kami pero at this point, wala naku pakialam sa kanya, kay baby lng atensiyon ko.. babalik pa naman cguro ung dating concern ko sa kanya pero nd siya ang priority ko, anak ko na.. sorry napahaba, hirap ng walang mapagsabihan, natatakot kasi ako majudge ng nga tao sa paligid ko, ung parang didisregard lang nila sinasabi mo, sasabihin na post partum lng yan, mawawala din yan nararamdaman mo..
Đọc thêm