Aswang

Hi, I just want to share my story happened last night. I'm currently 33 weeks pregnant, nakahiga na ako katabi si hubby, una natutuwa pa kami sa likot ni baby sa tiyan kasi ika nila pag malikot nga daw, means healthy baby. Then I was about to sleep na kasi anong oras na and yung asawa ko natutulog na rin. (Kahit malikot si baby sa tiyan nagagawa kong maktulog hehe) then ayun nga, nag babalak na ko matulog, biglang nanigas yung tiyan ko then tuloy lang sya sa pag likot, nung una di ko sya pinansin kasi normal ko naman sya g nararamdaman tuwing gabi. Pero may nag iba na sa pakiramdam ko, unti unti nananakit na puson ko na parang natatae din sa sakit ng balakang ko, (usually nararamdaman ko ung ganon sakit kapag may menstruation ako, kasi kasunod ng pain na un is biglang bulwak ng dugo) then ayun kagabi ko sya naramdamn ulit, feel ko anytime my lalabas sakin, ginising ko ung asawa ko kasi di ko na matiis yung sakit, as in piniga ko na ung kamay nya kasi di ko na kaya yung sakit, tinanong nya ko kung nag lelabor na ba ako sabi ko hindi, kasi ayoko, masyado pang maaga kahit ang totoo parang ganon na nga kasi may gusto lumabas sakin. Then nilagyan nya ko unan sa sa pwet ko banda para umangat kaso wa epek namimilipit pa rin ako sa sakit, pinag papawisan na ko ng malamig. ayoko png manganak kasi di ko p kabuwanan at wala kami ngayon sa lugar ko (taga malabon kasi ako then nag biyahe kami dito sa bulacan kasi namatay yung lola ko last wed lang, kakalibing nya lang kahapon lang din ng tanghali). Yes kahit naka lockdown gumwa kmi ng praan makabiyahe lang dito kasi gusto kong msilayan ung lola ko kahit huling sandali kaya ayun, stranded kami dito. Back to my story: Ginising na ng asawa ko ung mama ko kasi di nya na din alam gagawin nya kasi na iiyak na ko sa sakit, pag kagising ni mama, hinaplasan nya ko agad ng langis galing sa bag ng lola ko tas sumilip sya sa bintana tas ewan ko may minumura sya sa bintana (nakaopen ung bintana then sa gilid ng bahay ng tita ko maraming puno) tas binigyan nya ko asin kainin ko daw konti lang naman, tas nag hagis sya ng asin sa labas, and nag lagay bawang sa bintana. Sabi nya inaaswang daw ako, tapos bumalik sya sakin kinakausap nya si baby sa tiyan. Then after ng ginawa ni mama, unti unting nwala yung sakit, pati ung paninigas, nag lilikot sya pero ung normal na likot na ulit ganon. buti nalang nalang nwala kasi akala ko manganganak na talaga ako. Thanks Lord at anjan si mama. P.s wala pa kong gamit ni baby masyado, baru-baruan palang tas naiwan pa sa malabon, this coming april sana kami mamimili kaso nag lockdown, di ko alam pano na huhu. :(

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Baka nastress ka lang dahil nagbyahe ka or pagod ka. Or kabag lang din. Sorry ha d kasi ako naniniwala sa aswang mamsh. Kung my chance pacheck up ka.

5y trước

Gusto ko rin mag pacheck up kaso nasa malabon pa yung OB ko :( stuck up kami dito sa bulacan

Thành viên VIP

Mas better moms kung magpa chek ka din sa ob for safety ng baby . mo kasi sabi mo my bumulwak n dugo sau db to make sure ok c baby

5y trước

Hinid mamsh, ung pakiramdam ko lang parang may bubulwak pero wala nman ganon