Most Awaited Day ❤

I just want to share my experience , week after my unforgettable child birth. July 3, 2021 (38weeks and 3days) Nagising ako ng 1:45 ng madaling araw . Pakiramdam ko basa ang underwear ko. Pagtayo ko , bigla na lamang may lumabas na madaming tubig sa akin. Hindi ko siya makontrol kaya ginising ko kaagad ang husband ko . Ginising agad ni husband ang biyenan ko at sinabing pumutok na panubigan ko. Ang pinagtataka ko, wala man lang nasakit sa akin. Nagpunta agad kami sa lying in . Pagdating sa lying in, chineck agad nila ako, pag IE sa akin, 1cm pa lang daw. Nagworry na agad ako, kasi pumutok na panubigan ko, tas wala man lang sign of labour, tas 1cm pa lang??? May nilagay na gamot ang midwife sa pwerta ko. Then monitor daw ako hanggang mag umaga. After 30 mins, nakakaramdam na ako ng kaunting sakit sa puson at balakang. Pero yung sakit, pasulpot sulpot lang at very light lang yung sakit. Pagsapit ng 8 ng umaga, chineck nila heart beat ni baby, okay naman, then IE ulit, 2cm pa lang daw.... Ang bagal daw ng pagbaba ni baby. Ang kinakatakot nila baka maigahan ng tubig. May nilagay ulit silang gamot sa pwerta ko. Then observe at monitor ulit nila ako.. Noong mga oras na iyun, panay na ang dasal namin, na sana makaraos na ako, na okay lang si baby, na sana maglabour na ako... 12 noon, chineck na ulit ako ng midwife, 3cm pa lang.. Grabe 2am pa pumutok panubigan ko, tas 12 na ng tanghali 3cm palang ako.. Tinapat na kami ng midwife, need ko na daw itransfer sa hospital, at ang worry niya, baka mapaano si baby at ako. Iniisip ko pa lang na maCCS ako, naiiyak na ako. Iniisip ko ang gastos at ang hirap kapag CS. Iyak na ako noon. Panay pa rin ang dasal namin. Na sana gabayan at samahan ako sa pag anak ko. Sabi ko nga, walang imposible kay God.. Ako ay nananalig pa rin na makakaanak ako ng normal.. Nakiusap kami na baka may ibang paraan,. Kinakalma ko ang sarili ko at pinapatatag. Kailangan ko maging matatag para kay baby. Then may pinabili sila kay husband. 2pm ng hapon nilagyan nila ng dextrose. Pagkakabit ng dextrose., biglang sumakit ang puson ko. As in sobrang sakit. Ito na ata yung labour na tinatawag. Grabe ang sakit. Hindi ko maexplain. Nakakaiyak!! After 1 hour, 4cm na ako. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, parang gusto ko na umayaw.. Yung feeling na gusto ko na matapos ang lahat.. Gusto ko na makaraos. Ang hirap at ang sakit palang maglabour. After an hour, chineck ulit nila ako, 6cm na... Susko!!! ilang cm pa, parang di ko na kaya ang sakit.. ( To be honest, sa sobrang sakit, parang gusto ko na hilingin na iCS na lang ako ) Before 6pm , chineck ulit ako, at yun nga, pandalas na ipinasok ako sa delivery room. Isip isip ko noon, yes, sa wakas aanak na ako!!! Pero hindi rin pala ganun kadali umire. Noong mga oras na yun, talagang ipinagkatiwala ko na kay God ang Lahat. 6:40 pm, lumabas rin sa wakas si baby. Tlagang mapapathanks God ka talaga. Sa wakas nakaraos na!! Salamat sa Diyos.. Malaking pasalamat ko rin sa mga midwife na nagpaanak sa akin. Sabi ng isang midwife, malaking bagay rin daw ang mga vitamins na ininom ko, at kinaya namin mag - ina. Sa hirap na dinanas ko, physical , mental at emotional, narealize ko na hindi madali maging isang ina. #1stimemom #firstbaby

2 Các câu trả lời

TapFluencer

Congrats po Mommy 😊 I'm currently 37 weeks and 6 days po. Any tips po mommy to have fast and safe delivery? close cervix parin po kasi ako pero mababa na daw po yung baby.

Walk every morning , eat pineapple fruit, drink plenty of water then most importantly. always pray lang po

VIP Member

Totoo mommy. Ang hirap talaga pero pagnakita mo na si baby, tanggal lahat ng pagod/ hirap mo. Congrats on your delivery! 😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan