14 Các câu trả lời
Hindi po. Ayon po sa R.A. 9255 na kung ndi kasal ang magulang ay apelyido ng ina ang gagamitin ng bata. "8.1 As a rule, an illegitimate child not acknowledged by the father shall use the surname of the mother. 8.2 Illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of the mother if no AUSF Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF) is executed. 8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardian , in the absence of the mother , executes the AUSF. 8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence as attested by the mother or guardian . 8.5 Upon reaching the age of majority , an illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of his father provided that he executes an AUSF without need of any attestation ." Ang bata nasa custody talaga ng nanay unless mapatunayan ng DSWD na nagpabaya o may kapabayaan tsaka lang ibinigay sa IMMEDIATE relative para maging guardian ng bata. Punta po kayo sa Women and Children's Desk sa Bgy niyo po para ndi kayo bulabugin niyang ama at maobliga siya magbigay ng pinansyal n suporta. Please refer to R.A. 9262/Violence Against Women and their Children (VAWC) Act. Hindi lang po physical abuse ang tinutukoy at sakop ng batas na yan. Financial, psychological/mental and emotional abuse po ang sakop niyan. Pwede po yan gamitin pagharap sa bgy.
There is one way na pwede nyang makuha ang custody ng bata. Sabihin na nating oo hindi sya naka pirma sa birth certificate ng bata. Pwede syang magpa DNA test. Okay, so oo hindi pa rin yan enough kahit mapatunayan nyang sya nga ang biological father. Pero kung makagawa sya ng paraan na mapatunayan sa korte na wala kang kwentang nanay, na nae-endanger ang buhay at welfare ng bata sa puder mo (nagsusugal ka, manginginom, nananakit, may mental illness na nagiging sanhi kung bakit napapabayaan mo ang bata, etc) then yes pwede nyang makuha ang custody ng bata. Ang titingnan kasi ng DSWD jan e kung san mapapabuti ung bata. Kahit pa sabihin mong hindi naman ako ganun, hindi ko naman ginagawa ung ganun, e kung gago yang ex mo na obviously gago naman talaga, e baka magawan nya ng paraan.
Hi momshie... hindi nya makukuha custody ng baby mo... lalo nat hindi sakanya nakaapelyido at wala syang pirma sa birth cert. Same case yan sakin nung bata ako, gusto ako kunin ng tatay ko. Prob naman namin nun nakaapelyido ako sa tatay ko. Kaya pinabago nila apelyido ko. It took years bago mabago apelyido ko, ang alot of money... kaya good move yan momshie... na sayo mo inapelyido.
Hindi nya makukuha custody regardless ng age ni baby dahil hindi kayo kasal. Incase na kunwari (wag naman sana) sumakabilang buhay ka,ang custody ng baby mo ay sa parents mo or sa kapatid mo. Hindi parin sa tatay. Kahit pa sa kanya nakaapelyido yan wala sya laban sa rights mo, lalo pa ngayon na hindi nakaapelyido sa kanya.
Hindi. Hindi nya makukuha ang anak mo at hindi ka nya pwedeng ioverrule sa mga desisyon mo lalo na una, di kayo kasal. Pangalawa, hindi siya nakapirma meaning hindi nya inako o inacknowledge yung bata. Kung nagbabanta, sabihin mo pwede mo siyang kasuhan ng grave threat. Sabihin mo lahat to sa kanya.
So ibig sabhin... hindi sya pumirma sa birth cert ni baby dati? Meaning naipasa na sa PSA na wala sya pirma? Well kung ganon ang kaso.. sorry cya. Too late. Pano nya maililipat sa kanya yung surname ng bata? Dadaan pa cya sa korte? Wala sya laban dun. D nya makukuha custody ni baby.
Hindi nya makukuha ang custody ng anak mo sis kc wala naman sya pirma sa birth certificate ng bata.
Kahit pa nakapirma yung tatay wala sya right sa custody.
hindi po, kung hindi sya nakapirma sa birth certificate wala siyang habol sa anak mo..
Hindi momsh kasi di nman siya pumirma ng paternity form eh.
Kahit nga may pirma yung tatay e. Hindi nya parin makukuha custody. Immediate family lang meaning parents ni girl or kapatid nya.
NOPE. don't let that manipulator get his way.
Anonymous