I just wanna share what i am feeling right now mga momshies. Kaninang umaga lang naibalita sakin na patay na lola ko, lola's girl kasi ako. Nasa pangasinan siya at ako naman nandito sa bulacan. I am 36 weeks and 2 days pregnant na, kahit mahirap bumyahe or pinagbabawalan ako ay babyahe pa rin ako pauwi sa pangasinan kasama sila mama kasi lola ko yun eh. Sobrang lapit ko sa kaniya kasi lumaki ako sa kaniya eh, grabe talaga yung iyak ko kanina nung malaman kong wala na siya. Ni hindi ko man lang siya nakausap man lang bago siya mawala. Sayang at di na niya naabutan yung baby ko. Sobtrang lapit namin sa isat isa, yung kahit pagkain niya na lang nun ay ibibigay niya pa sakin. Kapag papaluin ako nun ng mama ko palagi siyang nandiyan para awatin si mama.Tabi kami matulog nun at sabay nanood ng mmk at wowowee noon. Mga favorite niyang palabas yang mga yan eh. Mahal na mahal ko lola ko❤️? pray niyo po sana kami ng baby ko at buong family ko po mga momsh. Thank you po?