PT share ko lang experience ko...?

I Just wanna share.. ung monthly ka nag aabang kung magkakamenst ka pa ba o hindi.. tapos magtry ka mag pt ang result negative ???.. ung gustong gusto nio ng magkababy pero wala..ung matagal na kayo nagsasama pero di kayo magkaanak.. nabiyayaan ka ng isang beses pero nakunan ka ung pagdating sa hospital sasabihin ni doc sorry wala na.. parang nagunaw ung mundo nmin mag asawa. nasa point na ko na nadedepressed na ko.. ung hubby ko monthly nagaantay ng result.. may times pa na hihimas himasin ung tummy mo khit wala nmang laman.. may moment din na pag nag grocery kami..dumadaan si hubby sa diaper section tapos magbibiro na kunwari kukuha sya ng diaper tapos tatawa na lang kmi pero deep inside masakit kasi wala naman kaming baby.. going to 34 na si hubby ako nman going to 29 this year. May minsan pa na nangangarap sya na ung anak nmin kasama na nmin sa kotse tuwing aalis kmi... tanging shitzu na lang ung naging baby nmin.. masaya nman kaming nagsasama pero alam nmin na may kulang samin.. Kaya sa mga girls jan na nabibiyayaan mag kaanak alagaan nio po..wag nio po ipaabort o ipaampon.. di lahat kasing swerte nio na mabibigyan ng anak.. I know God has a purpose.. By the way nag PT ulit ako today morning when i wake up..and still negative..??

PT share ko lang experience ko...?
144 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

pray hard lang sis,darating din kayo dun.mag install ka ng apps na magtatrack ng fertile time mo tapos everytime na mg make love kayo need after nun taas mo legs mo sa wall tapos pray kayo sabay ni mr mo at hawak kayo both sa puson mo na sana makabuo na kayo ng baby.

5y trước

Thanks sa advice sis..

Tiwala lang po mag kaka baby din po kayo ako nga dn tagal dn ako nag antay mg ka baby, nag expect ako ng nag expect hanggang sa akala ko baog ako at hnd na ako umasa mg ka baby pero di ko ina asahan na darating sya sa buhay ko tiwala lang pi mamsh. :) all is well

5y trước

Thanks mamsh.. oo nga po pray nlng tlga

Ganyan din kmi dati ng asawa ko. Nag vitamins kmi pareho ng E. Ako nag myra E tas un hubby ko nag rogin E. Tpos d kmi mshado nagpakastress hinayaan nlng nmin kung mbubuntis ako. Ayon po bgla nlng ako nagbuntis. Antay lng po kayo ipagkakaloob dn s inyo yan.

5y trước

Thank you sis

Yes tama po sila. The more na pressured po tayo, lalo lang po tayo mastress :) Make yourself busy po. As in wag nyo muna isipin parehas. Ienjoy nyo po married life. Dadating po yan sa time na hindi nyo po inaasahan :) God bless po sa inyo!

5y trước

Thank you..

Ganyan din kami ng hubby ko sis, dasal at tiwala lang kay God,tsaka nagtake kami ng Fern D,at Fern active kay hubby,tapos pinahilot ko matres ko after 1month,ayun lumabas na positive😊😊😊 3years kami nag antay..

Be strong..at wag lagi isipin na mabubuntis ka kasi na iistress lang kayong dalawa..dapat stay happy and relax lg while doing it kasi mas makakabuo kayo pag walng stress..have faith in God evrything happens for a reason..

Dont lose hope. Napaiyak ako sa story kasi parang ako yung nagsulat. Magkaiba lang e yung age natin. Wag susuko and try lang ng try. Mahirap kasi talaga daw magconceive lalo na kung irregular ang period e. Have faith. God has a plan.

5y trước

Thank you sis...

Momsy same Tayo. Ganan din .ako tagal ko narin nagaantay .but I know God has a plan for us na welling mag ka baby and I always hope soon I can be a mommy again keep on praying I know na ibibigay din satin ni God .🙏😔😇

5y trước

Thanks sis.. sana nga biyayaan na tayo.. pero di na ko nageexpect ngaun tsaka na hirap ngaun kasi nga may covid .. in gods will.. pray lang tayo sis

Sis wag mawalan ng pag asa. God has perfect timing for everything. Just DECLARE WHAT YOU BELIEVE. Nawalan din ako ng baby last year and trying to conceive ulit this month. Better to ask your OB para matulungan kayong mag asawa.

5y trước

Nga pala,pinag vitamins (conzace) kami ng ng ob ko. At pinagfollic din husband ko this month para sure na maganda pagkakabuo. Pinag leave din kami ng 4 days sinakto sa fertility/ovulation ko. Kaya lang nataon na naglock down na kaya di na kami kinailangan na magleave. Magwait kami ng 2 weeks now to check kung nakabuo nga kami. Day 1 palang kami ngayon. Haha. Habang nag aantay nanonood ako sa YouTube at nagbabasa ano mga dapat gawin during implantation period. Para di din ako mainip at makakuha ng tips. Kung di man makabuo try pa rin namin next month. God's plan is perfect. Naniniwala ako dun. Naisip ko na wag muna kaya dahil nga sa health crisis ngayon,pero kung ibibigay ni God meaning ito yung perfect timing nya for us. Kaya sis laban lang. Di ka nag iisa.

Try mo po yung ovulation app kasi noong nag hhntay din kami ng second baby namin n akala namin d na mabubuo awa ng diyos saktong ovulation day ko try nmin ayun buntis na ako 3months na heheh. Pray lng din bbgy ni god yun

5y trước

P tracker app. Sis. Try mo na para makabuo kana or count mo sa mag start ng mens mo until maging 14days ovulation day mo yun :)