Thank God nakaraos na kami ni baby

I just wanna share my expirience :)) EDD: Oct. 22, 2019 Gave Birth: Oct. 19, 2019 39 weeks na ko nun mga mamsh pero no sign of labor talaga kaya nung Oct. 17 ng hapon nag lakad lakad kami ng LIP ko mga 30mins. then pag uwi nung bago kami matulog nag squat naman ako at bago matulog din nag lagay ako ng tatlong eveprimrose sa pwerta tsaka uminom ng isa pang eveprimrose, then maya maya nakaramdam ako ng sakit sa puson pero tolerable pero parang di na ko mapakali at yun na nga tinulog ko na lang. mga bandang 1am onwards para na kong dinedisminoriya di ako nakatulog ng maayos. kina-umagahan check up ko sa hospital Oct. 18 nung pag IE saken 2cm na daw ako so pinag NST yata tawag dun haha basta yun and ultrasound asap daw tapos balik ko daw agad sa kanila mga 3pm nabalik ko na yung ultrasound sa kanila then inadvice nung ob na iadmit na ko jusko kaloka di ako prepared nun kasi kala ko talaga check up lang so umuwi kami saglit para kunin mga gamit, bumalik kami ng 7pm sa hospital pag IE saken 3cm na inadmit na ko tuloy tuloy na yun hanggang sa pag labor, tinanong ako ni ob kung mag papa-painless ako sabi ko pag kaya ko po hindi na so stanby lang si epidural kung sakali, 5cm kaya pa 6cm kaya pa hanggang sa 7cm pataas para na kong sinasapian sa sakit, nanginginig na buong katawan ko diko na alam gagawin kong pwesto hahah, hanggang sabi ko sa ob ko tusukan na ko ng painless mga 2am nila ko tinurukan sa buto nung painless, hanggang sa medyo nakakaidlip ako pero every 5mins nagigising ako para akong nag dedelihiryo sa saket ramdam pa din, pero malaking tulong na rin sya nag ease yung pain, mga 4am pinutok na panubigan ko, sila na nag putok, then mga 5:30 pinunta na ko sa delivery room sobrang hinang hina na ko tska tuyong tuyo, irihan time na Go push kahit hinang hina na, kada push ko bumabalik lang si baby sa loob hahha langya kaya yung isang nurse dun dinaganan na tyan ko jusko ! ang sakit ! puro pasa tuloy tyan ko pero salamat sa kanya sobrang laking tulong 5:57 am baby's out ! awa ng Diyos ! Worth it lahat makita ko anak ko :')) kayang kaya ko ibuwis buhay ko para sa kanya nung nakita ko na sya :')) So ayun mga mamsh, wag kalimutan mag pray, buong pag le-labor ko nag dadasal ako

Thank God nakaraos na kami ni baby
157 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Congrats momsh, habang binabasa ko post mo nrecall ko dn nung panganganak ko last Oct 31, grabeng sakit pero worth it pagnakita n c baby.

Wow congrats mommy! Mataas pa po ba tummy nyo? Akin kasi di pa msyadong bumababa. Gsto ko try ung mag insert ng eveprim sa pwerta

Naiiyak ako while reading this.. Naiimagine ko na. Pang 39 weeks ko na this thursday. Congrats sayo..,😍

5y trước

Goodluck po! lakasan mo loob mo tsaka pray lang talaga super effective

Congrats po! ❤️ Question lang nakapag pa breast feed po ba kayo agad even if binigyan kayo ng epidural? Thank you!

5y trước

yes po nung dinala ako sa recovery room mga after 2hrs. yata pina dede na saken si baby, buti nga mas gatas na ko nun kahit papano

Hala, natawa ako na.kinabahan. hahahaha! Mommy, panong.dagan ginawa? 🤣 shocks. Huwag sana ako pahirapan ni baby.

5y trước

Parang tutukudan nila yun ng buong braso. Fundal push ata tawag. Ginawa din sakin yun pero hindi naman masakit. Siguro depende sa nag push sa labas. Pag tulak isang beses nung nag assist sa midwife, labas agad si baby ko eh. Ftm po ako. Hahahahaha

congrats sana mkaraos nadin ako 38 weeks,,, gustong gusto na nmin makita si baby,

Pwede po ba makabili sa Mercury Drug ng Evening PrimRose kahit walang reseta?

Congrats po sa pinaka da bes na biyayacsa inui galing sa Diyos 🙏😊😘

Mom, yung 3 evening primrose na insert recommendation ni ob? At inom pa ng isa?

5y trước

Ilang araw po nyo inilalagay sa pwerta nung nanganak kayo

Wow kabirthday ko! Nako malakas appeal nyan mamsh paglaki😁❤