I wanna share my experience yesterday..
EDD via LMP: Sept. 25, 2020
SEDC: Sept. 23, 2020
DOB: Sept. 19, 2020
Yesterday, Sept. 19, 2020, 7:00 in the morning nagstart na ako ng daily routine ko, ang maglakad lakad para matagtag, 8:00 natapos ako maglakad lakad, then pahinga ako sa butaka, but may nararamdaman ako na masakit na puson ko, pero tolerable pa cia, wala pang mucus plug or brownish na lumabas sa akin, so sabi ko baka ndi pa ako naglelabor,. around 10am, pasakit na ng pasakit ung puson ko, so lakad ako ulit ng lakad, then tinawagan ko ung midwife na magpapaanak sa akin dto sa bahay, opo sa bahay lng po ako manganganak, then 1pm dumating na c midwife, IE nia agad ako, 5cm na daw ako, sabi nia bka mga gabi manganganak na ako, so umalis ulit cia, eh d ako naman lakad lang ulit ng lakad,. mga around 4pm pasakit na ng pasakit ang puson ko, pero lakad pa rin ako ng lakad hanggang 5:45pm tinawagan ko na midwife ko, sabi ko 2mins interval na lng ung pagsakit ng puson ko, tpos mga 6pm, dumating na cia, pinainom na nia agad ako ng gamot pangpahilab, umepekto agad un sa akin, take note, wala sa akin lumabas na mucus plug or brownish discharge or blood man lang,. 6:30 pumutok na panubigan ko, pero d sumabay c baby, dugo kc kakambal nia, so natagalan pa ako ng pagiire kc hirap ilabas ung dugo na buo buo at malagkit pa.. 7:00pm nailabas ko na ung nakaharang sa pwerta ko, so ako ire ako ng todo, pero dahil sa sobrang laki nia nahirapan akong ilabas siya, so ire pa rin ako ng ire, at 7:13pm aun sa wakas, lumabas na cia. thanks god kasi normal ko cia nailabas kahit dto sa bahay lng.
Goodluck sa mga mamshie na due date ngaung sept, lakasan lng ang loob, makakaraos dn po kau,.