31 Các câu trả lời

napakatatag mo po at hinahangaan kita sa ginawa mo bilang isa ring magiging ina na nagparaya pansamantala upang asikasuhin ang kanyang anak. .. ansakit lang po ano?😢 ramdam ko po kahit wala ako sa sitwasyon mo ngayon parang di ko kakayanin😢😢🥺 Siguro ito lang po mapapayo ko sa iyo Itaas mo po sa Panginoon lahat ng sakit at hirap emotionally alam po ni God yan at alam ko po lahat ng nangyayari may mga dahilan di man natin maintindihan sa ngayon time will come we will po. Babalik po ang asawa nyo at sana sa kanyang pagbabalik ay naayos na niya lahat ng kamalian niyang nagawa at hindi na muling gagawa pa ng kamalian sa inyo. Hayaan mo po siyang magpaka ama sa kanyang anak sa ngayon pero wag mo pong hayaan na tuluyan ka ng mawalan ng parte sa buhay niya bilang asawa at ama ng magiging anak nyo ang hirap hirap hindi ganun kadaling gawin at tanggapin pero ang buti po ng puso nyo mommy. make sure po na para lang sa bata ang ginagawa ng asawa myo sa nabuntis niya at wag mo po hayaan na maulit muli dahil kung talagang mahal ka at nakagawa na na siya ng mali sayo wag na dapat niyang ulitin pa. Bilang respeto at pagmamahal sayo. Pray lang mommy... makikita ng asawa mo ang kabutihan ng puso mo at nawa'y iyon ang kanyang tingnan para gawin ang tama at wag ng ulitin pa ang pagkakamali.

we are in the same situation mommy, ganyan din yung ngyari sa akin,sobra yung stress ko ng una, pero i surrender everything to god everyday , pray lng ako ng pray.na malalampasan ko yung pain, years past.. hinayaan ko lng mga pangyayari ,pero priority ko time na yun. is yung bata sa tyan ko at self ko, pinapili ko sya. kung saan gusto nya mamuhay ,kung sino gusto nya makasama, sa ngayon tahimik na buhay namin. napatawad ko na sila, financially supported yung baby nya dun , nahihiram naman namin. pag gusto namin. lumalaki ang magkapatid na mag kakakilala. sa ngayon. wla ng stress, mapapatawad mo din sila. gagaan di yung pain na nararamdaman. mo. magtiwala ka sa panginoon. di ka nya pababayaan. linisin mo paunti unti yung puso mo mommy, tanggalin mo yung hate kahit in pain. darating ang araw magiging masaya ka ulit. with your baby, bless you mommy

God bless you more Momshie

Mommy virtual hugs for you!! You have a good heart. ❤️ Tama lang din ang pinakita mong kabutihan mommy, pero po mag asawa po kayo and dapat po kayo ang magkasama instead po dun sa ex niya. Kayo rin po ay may dinadalang bata, so dapat ang concern niyo muna now is yung baby mo mommy.. let God handle the situation. Surrender everything to Him mommy. I suggest na magpa dna test kayo after manganak nung ex to be sure lang kung tamang si hubby nyo ang tatay. Then tsaka po kayo mag decide kung ano dapat ang gawin. But for now ang first priority niyo po is ang bagong blessing na baby, yan po ang pinaka importante sa ngayon kasi if stress po kayo, stress din si baby. 😥 Kapit lang mommy!! May mabuti kang puso hindi ka papabayaan ng Panginoon. ❤️🤗

Momsh, virtual huuug ╥﹏╥ I know sobrang sakit pinag dadaanan mo but still may God bless you kasi inisip mo yung baby before sa sarili mo. You are a strong woman and I hope maging strong ka pa para sa baby mo, isipin mo baby mo lalo na at 9 weeks palang. Kaya mo yan sis, kaya nyo yan ni baby. Hindi ko masasabi sayo na wag ka pa stress kasi ang dali sabihin pero ang hirap gawin, like pano? huhu pero sge lang sis, do something na makakapag libang sayo na mawala sa isip mo yun para d ka mastress I know iiyak ka minsan minsan pero sge lang yan, basta wag lagi. Pakatatag ikaw! love loveee

hinahangaan ko po kau kase mas inisip nio po Yung kalagayan ng bata hindi kau naging makasarili... ang importante po ng my tiwala kau sa asawa nio... alam nio po same po yung sitwasyon ntin n buntis at my na una satin pag kaiba lng hindi po ako pinanagutan... sa halip n panagutan pinag dududahan p n hindi sakanya yung baby ko... mahirap po n walang suporta ng ama kahit n apilyedo lng pinag kait p sa bata.. kaya po hinahangaan ko kau n mas inisip nio ang kalagayan ng bata kaysa maging makasarili... hindi n po natin maiwasan ang masaktan mag tiwala at mg pray lng po tau.. god bless...

same situation tayo momsh kahit na hindi sure kung sa mister ko yung bata dahil may ibang bf yung babae, ipinipilit lang na sa kanya. para wala masabi at magawa niya yung part niya kahit walang kasiguraduhan na kanya. pinapunta ko pa rin sya nong manganganak na yung babae. and we're planning na ipa DNA yung bata para sa peace of mind ng lahat at pra malaman na rin ang totoo. pero sobrang sakit hayaan at isipin na andon sya habang ako rin buntis... until now, napaka sakit. buong pregnancy ko yon iniisip ko. sobrang hirap.

Hi Mommy, what you did was absolutely right. In fact you’re selfless. Sana lang panagutan ka rin nya after nya bigyan ng tulong yung ex nya which is unang manganganak. I know mahirap yang situation mo but please don’t stressed out yourself kase si baby ang mag ssuffer nyan remember. Lakasan mo loob mo and at the same time tulungan mo ang sarili mo. Tsaka mo na intindihin yun problem with your husband and his ex. I know mahirap pero Mommy kayanin mo para kay baby. 🙏🏻

Virtual hugs mami! Mahirap malagay sa ganyang sitwasyon pero nakakaproud ka! Lagi mo lang isipin na tama ang ginawa at naging desisyon mo. Pwede sya magpakaama sa bata pero di naman siguro katanggap tanggap kung magpakaasawa din sya dun sa nanay ng bata. Wag ka din masyado pakastress mami. Nasa critical stage ka ng pagbubuntis, isipin mo lagi si baby mo. Good communication lang with your hubby, mami! Im sure lahat naman masosolusyunan at madadaan sa magandang usapan. 🤗

Hello, mommy. Virtual hugs po! Sobrang hirap ng ginawa mo pero I salute you. Wala akong ibang masasabi kundi tatagan mo ang loob mo lalo buntis ka din po at 9 weeks pa. Critical stage po. Wag kang magpakastress (kahit ang hirap gawin). I will include you and your baby sa quiet time ko mamaya kahit naka anonymous :) Pakatatag ka! If kailangan mo maglabas ng sama ng loob, nandito lang kameng mga co-mommies mo :) God bless you!

VIP Member

you did the right thing mommy hayaan syang magpakaama sa bata, pero mommy kung kasal po kayo, hindi po pwedeng magpakaasawa po sya sa ex nya, mas okay din po kung magkasama kayo ng hubby nyo sa pagpunta dun, then after the baby is born ipaDNA nyo po para sure kayo na anak din yun ng hubby nyo.. for your own security po.. your husband can continuously support the child financially, if the DNA proves na anak nya talaga.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan