mommy to an angel

I am now a mommy to an angel. Oct 6 nung wala nako magawa kundi ilabas sya. At 4months, nagkaron na daw ng infection ang placenta ko. Kahit anong gawin kong ingat at pagaalaga sa kanya talaga sigurong di sya para saken. Wala ng mas sasakit pa kundi ang mawalan ng anak. The whole time na nasa tyan ko sya lage kong binubulong na 'kapit ka lang baby ha, si mama na bahala'pero nung moment na yun na sinabi ng doctor na open cervix nako at papalabas na sya wala nako nagawa. Sinabi ni doc na lalabas na sya ng kusa pero inabot ng 3hrs di pa din lumalabas. May heartbeat pa din sya until i totally give up. I told him ' sige na baby, ok na let go na tayo.' Then he suddenly passed out. Nakinig sya saken na kapit lang saken pero kelangan na namen bumitaw. Naramdaman ko pa na gumagalaw sya. Hanggang unti unti na syang hindi kumilos. Nagalit ako sa Dyos, baket kelangan humantong sa ganito. Ano ba naging kasalanan ko para maranasan ang sakit na to. I avoided social medias at dinelete ko din ang app na to dahil nung naka bed rest ako etong app lang na to ang libangan ko. Now is the 40h day nung nawala sya. As a catholic may paniniwala tayo na eto yung moment na tuluyan nang aalis sa mundo ang mga mahal nateng yumao na. Eto ako iyak na naman ng iyak, inaalala ang last moment na kasama ko pa sya. Hinahawakan ko pa din tyan ko, namimiss ko sya. Gusto ko sya mapanaginipan, ano kaya naging itsura nya, kamuka ko kaya sya, malambing kaya sya.. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Pero kelangan ko ng mag let go. I love you my little angel.. Please help mama to heal..

mommy to an angel
70 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Condolence po. Sending virtual hugs sis. And kapit lang tayo kay Lord may plano xa for us. Ako di naman ako nakunan pero akala ko tatanda akong mag-isa pero ito ngaun may baby girl na and may bonus pang LIP and family nya. So God is good talaga.

naiyak ako mommy 😢ganyan po siguro talaga may time na mamimiss mo pag galaw niya sa tummy mo..pakatatag ka lang po para pag bumalik na si baby malakas kna..

Condolence po mommy . be brave lng po , tsaka baka tlgang hndi para senyu si baby .. try n try , Bbigyan den kayu ni god ng panibagong blessing soon

May God give you strength and comfort mommy. Pakatatag ka po.. God has reasons and better plan po kung bkit nangyari. Be strong mommy. 🙏🙏🙏

Be strong mommy everything’s gonna be alright hindi man basta bastahihilom lahat ng sakit pero onti ontiin ni God ung sakit na nararamdaman mo .

Thành viên VIP

Pakatatag sis. Nakakalungkot pero may plan si Jesus. May angel ka na na lagi magbabantay sayo. 🙏 sending my virtual hugs

Be strong po. Your little angel will guide you at palagi pa rin sya puso at tabi mo ❤️

Kaya mo yan.. Pakatatag. Babantayan ka ng baby mo khit nsa piling na sya ng dyos.

Be strong sis....lahat naman ng nangyayari may dahilan...pakatatag ka lang...

Condolence sis.. pray lang po, be strong.. babantayan ka ng angel mo sis