mommy to an angel

I am now a mommy to an angel. Oct 6 nung wala nako magawa kundi ilabas sya. At 4months, nagkaron na daw ng infection ang placenta ko. Kahit anong gawin kong ingat at pagaalaga sa kanya talaga sigurong di sya para saken. Wala ng mas sasakit pa kundi ang mawalan ng anak. The whole time na nasa tyan ko sya lage kong binubulong na 'kapit ka lang baby ha, si mama na bahala'pero nung moment na yun na sinabi ng doctor na open cervix nako at papalabas na sya wala nako nagawa. Sinabi ni doc na lalabas na sya ng kusa pero inabot ng 3hrs di pa din lumalabas. May heartbeat pa din sya until i totally give up. I told him ' sige na baby, ok na let go na tayo.' Then he suddenly passed out. Nakinig sya saken na kapit lang saken pero kelangan na namen bumitaw. Naramdaman ko pa na gumagalaw sya. Hanggang unti unti na syang hindi kumilos. Nagalit ako sa Dyos, baket kelangan humantong sa ganito. Ano ba naging kasalanan ko para maranasan ang sakit na to. I avoided social medias at dinelete ko din ang app na to dahil nung naka bed rest ako etong app lang na to ang libangan ko. Now is the 40h day nung nawala sya. As a catholic may paniniwala tayo na eto yung moment na tuluyan nang aalis sa mundo ang mga mahal nateng yumao na. Eto ako iyak na naman ng iyak, inaalala ang last moment na kasama ko pa sya. Hinahawakan ko pa din tyan ko, namimiss ko sya. Gusto ko sya mapanaginipan, ano kaya naging itsura nya, kamuka ko kaya sya, malambing kaya sya.. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Pero kelangan ko ng mag let go. I love you my little angel.. Please help mama to heal..

70 Các câu trả lời

I feel you momsh... Sobrang sakit at sobrang hirap tanggapin... Pero iniisip ko nalang na hindi namatay si baby... Umalis lang sya pero babalik din... Eto 20 weeks pregnant na... Wag ka mawawalan ng faith... May plano si God.. Baka hindi palang eto yung right time... Pero alam ko sooner or later babalik si baby mo... Pray lang tayo momsh... In God nothing is impossible... Huggggggsssssss

Thank you po.

I'm sorry to hear that momshie. I can totally relate, same case happened to me with my first baby he was already 6 months at that time, 26 weeks to be exact. Then the same unexpected thing happened. Sobrang saket nyan. Sending virtual hugs. Pray lng po. May dadating pa po. Right now I'm 7 months preggy with my second child. Wish you all the best. God bless you momshie.

Be strong mommy.it happens for a reason.I know its hard but keep in mind that he's now an angel and with our creator..nothings comes easy but time will heal you eventually.. Lord never say no to our prayers He will give our desires just be patient. Sometimes we question God why it happened. But trust God in all ways he will give you the desire of your heart..

Literal na hindi ko napigilan luha ko habang binabasa ko post nato. It so heart breaking na naramdaman ko bigat sa damdamin ng mga bawat words. Napakabigat. Pero as always. Still be thankful in all circumstances whatever happens. Darating ang time na masasagot ni lord ang sagot kung bakit nangyari ito inyo, sayo at kay baby. Pakatatag. Hugs.

Dont loose hope sis, kase ako 3 times nakunan year 2014,2016,2017 at ou sobra hirap pero wag kang mawalan ng tiwala kay god, kase in gods perpect time ipagkakaloob nya din sayo yung baby na hinihintay mo sabi nga baka hindi pa talaga sya para sa atin kaya sila nawawala pero, kaya pray lang tayo lagi 😇going 5months pregnant na ko😊,

Goodluck to your rainbow baby sis.. Prayers for you and your 👶..

Naiyak ako mommy while reading your post. last year nawalan ako ng mga anak yes dlawa sila twins po. oct. 26 namatay yung isang baby ko then nitong feb 24 sumunod yung kuya niya. pinanganak ko silang premture sobrang sakit mawalan ng anak mommy i feel your pain. 😢😢 Pray lang tayo kay god hindi niya tayo papabyaan. 🙏❤️

🙏🙏🙏 Feels like forever ang pain mam. Sana maka move forward na tayo na kasama ang mga pain na to.

No words can make you feel better pero be strong for your family and yourself. Your little angel is watching over you and praying for you to feel alright soon. Ayaw nya rin malayo sayo pero who are we to judge what God has decided upon us. Always pray and know that God loves us beyond measure. My condolences.

Hugssss Mommy. Nadaanan ko rin yan. 3 times akong nawalan ng anak. Pray ka lang, ask His guidance and protection. Mas maganda sa prayers mo ask ni Lord kung pwede mo makita at ma hug si baby sa panaginip. Kasi sa akin nangyari at unti unti kong na intindihan ang plan ni Lord.

Same here Momsh, praying na healthy si baby pagkalabas on dec 3. will include you in my prayers Momsh. Ingat ka palagi. Iba kasi plan ni Lord sa atin.

VIP Member

Condolence, sis. Now natatakot na din ako after ko mabasa itong post mo, kasi mababa ang acenta ko at sinabihan din ako ng doctor na pwede mapasukan ng bacteria at pumutok ang panubigan, nag bleeding ako nung saturday. Thank god kasi safe naman ang baby ko. Pray lang, sis. 🙏

Nagbleeding po ako nung 3mos due to low lying placenta. Naging ok naman after a month kaso nagka vaginal infection ako at uti. Then nagbleed ulit ako. 🙁 Ingat ka po..

Condolence to you mommy, nakakaiyak at nakakalungkot tong nangyari sayo but like what you said he's /she's already your angel now. Keep the FAITH. Isaiah 60:22 " When the time is right, I, the Lord, will make it happen" God bless us. 🤗

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan