????

I need ur advice ndi q kc alam ang dapat qng gawin...i have 2 child n kkapanganak q lng last august.nlaman q naki one night stand ang asawa q s babaeng ngwwork s bar..the scenario is dat day ngpaalam xa inom pero uwi din mga 8pm.pero d thing is mga past 2am n xa nkauwi at mga 3am ng pumasok s haus.ask q san xa galing sbi npasobra dw inom nya at nkatulog s sasakyan.pero pagtanggal ng mga damit nya nkita q kismark s leeg at dib2 una todo deny p xa..inaway q xa pero sbi nya bhala dw aq s iicipin q.natulog xa at aq nghehele ng baby..d aq mpakali masama ung kutob q..pagkababa q ky baby check q cp at pants nya.at dun q nkita ung resibo ng hotel kng san nkaipit ung sukli..nanghina aq s nkita q at ng tgnan q xa ulit pati pala labi nya namamaga at parang namuo ng dugo..d q npigilan sarili q ginicing q xa at tinanong deny parin xa d dw skanya..until nagwala aq at sbi babasagin q cp at ask s ibang tao or s kasma nya uminom..dun n xa umamin..dahil dw s kalacingan nya kaya dw nya ngawa..kwento nya uminom dw sila s haus ng kawork nya at medyo tamado n rw cla pero imbes n dumireso uwi ay dumaan p cla ng bar at dun nga ngtable xa..(at ang sbi un dw ung pnka1st n ngtable xa)d dw nya maalala kng xa or ung babae nagyaya..pagpasok ng hotel pinag antay p nya ung kasma nya s labas at pagkatapos ay hinatid p ulit ung babae s bar bago cla umuwi..d thing is s klacingan dw eh d n dw nya alam ang knyang gingawa..d q alm kng paniniwalaan q b xa..posible po b ung kalacingan n rason nya kya d n nya alam gingawa nya..pero bkit nagawa p nyang mgdrive at pagantayin ung kasma nya s labas at ihatid ulit ung babae pabalik ng bar..pinapauwi q xa skanila pero ayw nya..d q xa kinakausap at after 5 days humingi xa ng tawad bgyan q raw xa ng chance n itama ung pgkakamali nya..i ask bkit ngaun lng sbi ala dw kc xang mukhang ihaharap s ginawa nya..pero un dw ung totoo lacing lng dw tlga xa at un ang pgkakamaling nagawa nya n humantong p s puntong ganun..as of now nguusap nmn n kmi pero d prin panatag ung loob q s cnbi nya..lagi aqng npaparanoid pg 6pm ala p xa haus lalo n pg gingabi xa s work..Gustong maniwala n ndi sknya mga mamshie..kc nga ung mga kissmark d nya alam n nilagyan xa tas un resibo nasa bulsa ng pants,iniicip q f alam nya bkit p paparesibo ung pgcheck in tas d p nya tinapon f ever..at un ung pinkaunang pgpasok nya ng bar n nagtable xa..ang d q lng kayang paniwalaan ung rason nyang kalacingan dhil kng tutuusin ay dati n xang nalalacing..at rason maxadong kapaguran dat day..hayyy d q tlaga alam iicipin q..kng d q nmn xa bgyan ng chance or mghiwalay kmi..pano mga bata ayaw qng lumaki cla n alang ama or broken family klalabasan..lumaki aqng kumpleto ang family tas paparanas q s mga anak q ang d kumpleto..???

87 Các câu trả lời

Dear, umamin na nga. No reason for you to say na “gusto momg maniwala pero dahil sa kissmark blahblahah”. Wake up! I asked my dad and my husband about yang mga rason ng mga lalaki an nalasing lang sobra kaya nakagawa ng mali, hindi daw totoo yan. And me ako ive experienced lasing to the highest leve eto lang sinabi ng father ko and husband ko, that is a bullshit reasom necause hindi yan totoo. Oo nalasing at nadala sa alak pero yunf consciousness nila to do whats right and wrong meron parin yan and hindi yan nawawala. Pano sya nakapag drive pauwi? Kung dala lng ng sobrang lasing paano pa nya naisipan pumunta ng hotel and mkipagsex sa ibang babae? Kasi kung wasted na talaga sya dapat di na mya naisip andg mga yan. The fact na nakapag deny pa sya sayo at first, edi ibig sabihin nasa katinoan sya nung time na yun. Ang mga lalaki na ginagamit ang alak as reason for their mistakes, are manloloko. Plain and simple. Hindi ako bitter because never naman ginawa sakin ng husband ko yan but based on what my father and husband told me, its not true. So give him a big lesson. Kung gusto mo sya patawarin sure but pahirapan mo bcs if papatawarin mo agad, he will think ah okay madali lgn pala magpatawad si partner kahit tumikim ako ng ibang babae.

Truth .. and also ok lang magpatawad pero iwan mo na hiwalayan mo na . Kasi nagcheat na siya sis. ano ba yan . Wag mo na pahirapan sarili mo .

malabo yan! nagloloko na siguro yan ngayon mulang nahuli, ako nalalasing din mommy sa sobrang lasing ko ako pa nagyaya sa bf ko mag check in noon, first time ko magyaya tandang tanda ko yung mga sinabi ko tanda ko padin kung paano kami naka punta at nakapasok, hiyang hiya ako kinabukasan non dahil pag pasok namin alam kong humiga lang ako pag gising ko umaga na, kahit anung lasing mo alam muyon, alam mo lahat ng nangyayari wala kalang control kasi may alak ka sa katawan kumbaga lahat ng maisip mo at gusto mong gawin magagawa mo kasi may tapang ka may alak ka sa katawan. kasinungalingan yan na sobrang lasing, by the way asawa ko na bf ko noon hahaha! pinalusot kuyan sa kanya noon sabe ko Hindi ko alam nangyare, hanggang ngayon kapag nag aasarin kami sinasabi nya padin yung nangyari😁😁 nagtatawanan lang kami kasi totoo naman talaga, maniwala ka sakin mommy kapag lasing ka kahit sobrang waisted mo pa kahit gumapang kana lang jan sa kalsada alam mo yun wala kana lang control, anyway kung iniisip mo naman yung pamilya nyo mommy give him a chance malay mo sa susunod tipsy nalang sha hindi na lasing n lasing hehe🤦 pero tingin ko jan matagal na nyang kilala yung girl nayun

Ang sakit naman non Momsh 😔 Kahit naman ano gawin mo mahirap na magtiwala I've been there... Kahit gano sya kalasing maaalala nya yon. Naranasan ko na magpaka sasa sa alak at magpakalasing babae ako pero naalala ko nangyayari, lutang ako na inaantok pero alam ko ginagawa ko choice ko na di ako magpalandi at magpadala kasi may bf ako non pero yung bf ko pala niloloko ako 😂 Naghiwalay kami non pero until now sa Hubby ko hirap pa din ako magtiwala although eto malabo mambabae takot pa din ako.. Di na nawala takot ko naging trauma na sya kasi di lang isang beses ginawa sakin ng past ko eh. Pray ka lang Sis pakatatag ka para sa Anak mo.. At makikita mo rin kung sincere yung Asawa mo sa Sorry nya sya mismo magaupdate sayo nasan sya di mo need tanong ng tanong.. Ako kasi cold treatment ako eh dun nagbago ex ko pero wala na kasi ako gana sa kanya hanggang sa tinigilan na nya ko hinabol pa nya ko. Pero di ko pa naman Asawa kasi non kaya hinyaan ko na 6 years nya ko niloloko eh iba ibang babae pa 😂. It's up to you kung ano desisyon mo Sis kasi kahit sino mag advice sayo ikaw pa din masusunod kung san ka magiging masaya.... God Bless Momsh!

this is just my opinion, tama cnsbe ng mga nkakatanda na ndi biro mag asawa at lalong mli na pag napaso iluluwa nlng... lahat ng klase ng problema, ka immaturan, pagiging selfish, family and un trust lht un ma eencounter ng mag asawa. b4 may trust issue dn kmi ng husband ko.. that tym na sobrang nwalan aq ng gana sa family nmn, sa kids nmn ayw n ayw ko umuwi ng bhy.. ayw ko mkita sya sobra! paulit ulit ko sya pinagpapaliwanag hanggng sa ma satisfy aq sa sagot nya, actually wla nmn aq nahuli pero ksi lht ng babae may gift na kinukutuban at un ang meron aq then nahuli kpa sya nagcnungalng.. bsta magulo kmi. ndi ko alm kng pano ko sya npatawad pero na fefeel ko na nagsisisi sya at gnawa nmn nya lht pra mbalik un trust ko sknya... mhrap pero ndi kkyanin un kng mag isa klng na kikilos pra mbalik kau uli sa dti kailngan pareho kau mgwork pra mgng maayos kau. for me, mdali mgsabe hiwalayn mo, pero pg nandyan kna ndi gnn kdali gawin un... bsta dpt sis gawin nya lht pra mbalik un trust mo sknya kng nid mo mna space fir the meantime gawin mo...

if deserve nya nmn ang 2nd chance why not po .. pero sa part ntin bawas na ang trust 😥 . at yung unang pangamba ntin is yung mga anak ntin .. kung ayaw mo ng broken family the good thing is bgyan mo ng chance si hubby mo .. masakit pero my mga anak kse tyo na iniisip .. observe mo nlng po si hubby mo sis .. pakatatag ka lng pra sa mga anak mo .. Sa part ko kase if ever gnyan mngyari sken pipiliin kopa den bgyan ng chance asawa ko . pero doubt ko andun pden .. pero thankful ako kase yung asawa ko dting lasenggero at ngbabar nung kabataan nya pro di sya ng.check in ng babae sa bar hanggang table lng sya .. ( kase asawa ko produkto ng broken family ) kaya alam nya mga consequences at possibilities if ever magloko sya .. Buti ang nahinto na ngayon ang bisyo ng asawa ko simula ngsama kame at magkaroon ng anak .. pagdating sa alak moderate lng sya at alam nya limit nya lalo na kapag kasama ang barkada nya uuwe agad sa pinag.usapang oras nmen .. mas better na mga kapatid ko nlng kainuman nya kesa barkada nya ..

My cousins in law experience also na nagcheat ang partner nila pero up until now sila pa din. My cousins even have children dun sa kabit nila. Its really hard to forgive. Its a very long process. Pero sa lahat ng nangyari, yung mga inlaws ko pa din ang napiling uwian. Buo pa din ang pamilya nila. May lamat na, oo. Pero makikita mo kasi yung forgiveness and love. Di man katulad ng dati yung samahan nila, because it happened many years ago but up until now, they still paying the price of their cheating. Its your decision naman momsh if makikisama ka pa or not. I ask my inlaws bakit yun naging desisyon nila, na kumapit pa. They said, when you love someone and have devoted yourself to that person youve decided you wanna be with, it means that you also giving that person lifetime chances to make it up to you. But make sure in every mistakes, they will learn the consequences of their actions. At the end of the day, your relationship will grow imperfectly perfect.

Hmm. Masakit yung ginawa ng husband mo sis pero need mo mag isip ng mabuti at tama lalo na may anak kayo. Pag nalalasing ang tao, lalo na pag sobra na sa alak, kahit alam nya ginagawa nya, di nya mapipigilan. PERO di pa din valid excuse yun. Sinasabi ko lang na ganon talaga pag lasing. Gawin mo sis, mag usap kayo ng maayos. Focus ka sa kung bakit nagawa ng asawa mo yun. Baka sabik sa sex gawa ng kakapanganak mo plng. PERO di pa rin valid reason. You just have to hear him out. Para magkaintindihan kayo. Tapos sabihin mo din side mo. Okay din na may mamagitan sa inyong matured couple. Yun ang trabaho ng mga ninong at ninang. Hingi kayo advice. Wag mo isipin agad na makipaghiwalay. Kasi kung mag hiwalay kayo, sasaya ka ba? Yung mga bata, paano? Yung sa vow, for better or for worst, di naman sinabi yun para wala lang. Mahirap talaga buhay may asawa. Pwede kayo magpacounseling. For me, di solusyon ang paghihiwalay.

I understand you mommy..ikaw naman nakakakilala sa asawa mo..kung yan yung first time nya na ginawa..you can forgive him..nd mdaling gawin pero for the sake ng mga anak mo sabi mo nga nd mo gustong lumaki sila sa broken family mggawa mong patawarin at bigyan ng 2nd chance ang asawa mo..intention man o nd..pero once na inulit nya..ibang usapan na yun...I am saying this because I already experienced na mgkarun ng prob sa other girl...katulad ng sinabi mo lumaki ako sa buong pamilya kya bkit ko ibbgay k sa ank k yung broken family?tsaka ayoko dumating sa time na sisihin ako mg ank k nd ko pinglaban pmilya nmin and besides ayokong magwagi si girl na mcra ang pmilya nmin..kya eto 16yrs n kmi happily married nd nman naulit..🙂 ang pag-aasawa madaming pagsubok na dadating ksama sa nd maiiwasan ang other woman 🙂 nd lang yan mommy..magpakatatag ka at maging matibay pra sa pamilya nyo..pero wag dn nmn magpakamartir ng sobra

Di totoo na walang naaalala lol. I experienced getting drunk as in todo to the point na umiiyak kana sa kalasingan AHAAHHAAHA pero still, naaalala ko pa rin yung scene na yun at mga sinabi ko that time considering na babae pa ko at di rin naman sobrang lakas ng tolerance ko sa alak. What more pa asawa mo? And tbh sis if inisip ka nya at mga anak nyo, di sa papasok sa ganyang gulo. Before mo gawin ang isang bagay marami ka pang chance na mag back out dyan on the process. Yung pagpasok sa bar palang pwede na siyang mag back out, yung pag table pwede na nya tanggihan tapos on the way to the hotel, he could have changed his mind pero still ginawa nya. It was his choice, di dahil sa kalasingan yan. Mahirap na kapag ganyan, mahirap i-gain back ang trust. Sa totoo lang, mawawalan ka ng peace of mind dyan.

When my mom caught my dad cheating she left him right away.. No more second chances.. minsan ngayon mas matatag pa ang broken family kaysa buong pamilya... nung together pa mami at dadi ko lagi away, lagi sumbatan, lagi wala sa bahay, lagi wala pera dadi ko, nung naghiwalay sila aba lagi nanunuyo dadi ko, lagi mahinahon, hnd na lumalaban sa mami ko, lagi pa sya nabisita sa bahay, at lagi pa sya nagbbgay ng pera... Kaya mas minabuti ng mom ko na hiwalay nalang.. Kasi minsan ang tao saka lang malalaman halaga kapag nawala na... Sorry misis ha pero kht lasing asawa mo kung mahal ka talaga nyan magigising ulirat nyan pra iwasan ung pokpok na baka may HIV.. So ganun nalang pag naparami ulit inom ng mister mo may ikakama na naman sya? Saka balahura rin mga kasama ng asawa mo eh walang respeto sa pamilya...

Pro mami...hinahanap ba ng anak mo ang daddy ni?pag hinahanap nia ano ung sinasabi mo..?honest ans.po?kc ako ngiisip ako kung ilelet go ko na o hnd pa kc magkaka baby n kmi..kso kc kaka turn off din tlga

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan