I need sincere advice Mga momshie me and my partner we've been together for more than 3years.. pero Ang pagsasama namin Ng matagal is 2months because I've been working abroad before.. pero nung mabuntis ako nagsasama na kmi umuuwi Lang ako sa parents ko at sya din naman pag Wala syang work.. Ang problema ko Po Yung pag iinom nya okay Lang naman pa minsan2 Ang nangyayari Po Kasi pag nsa manila ako dun Po Kasi sya nagboboard Kasi dun work nya . Lumuluwas Lang ako pag schedule Ng pre natal Kasi sa manila ako nagpapa check up.nag stay ako sa manila sa kanya Ng 4-5 days Lang esp. bagong Sahod sya.. balik na ko sa min Ang complain ko Po minsan Lang ako lumuwas pag nagyaya katrabaho nya mag inom samahan nya agad Wala syang pake Kung naghihintay ako kinausap ko sya Sabi ko ndi ko naman sya pinagbabawalan sa kin Lang mag paalam oo DW ndi na mauulit. After 3-4days ganun pa din ilang beses na ginagawa nya. Dumating sa point na umalis ako umuwi ako sa min sa sobrang galit ko. Pa ulit2 na ganun halos umiyak na ko kinausap ko sya ndi ko na Alam Kung anong paliwanag gagawin ko bakit nya ko ginaganito magsosorry Lang sya tapos okay na. Itong last na incident medyo nag lilow ako sa Kanya NSA manila ako nun Kasi sched Ng pre natal when it comes to my needs ndi Naman sya nag kulang Ang pag iinom Lang talaga nya inabot sya hanggang madaling araw.gumising ako Ng 7am para mamalengke Kasi Alam ko out nya Ng 6am at pagod sya duty sya Kasi Ng 24hours his a nurse. magka text at chat pa kmi nun nag luto ako so i was expecting dating sya Ng 8-9am. Ndi sya dumating panay na tawag ko at text sa kanya wala talaga. 10am sinagot nya nka silent DW phone nya Kung ano2 reason na sinasabi pauwi na DW sya pero Ang boses nya naka inom na.nagalit na ako Kasi heto na Naman kmi same scenario hanggang sa sumakit puson ko buti na Lang Yung pinsan nya NSA bahay nila tinulungan nila ako China chat na sya ndi ko na din sya makontak pero Ang Sabi nya pauwi na sya hanggang sa inabot na Ng 1pm nagpa hinga Lang ako at uminom Ng nireseta ni doc pang pakapit 2pm umuwi ako sa min ndi ko na sya inisturbo. Block ko number nya chat sya sa kin bakit DW ako umuwi 10pm na Yun NASA bahay na DW sya can u imagine nag hintay ako Ng 7am hanggang 2pm umuwi sya 10pm. Pinaliwanag ko Sa kanya galit na galit ako. Sabi ba naman nya sa kin Kung Hindi ko DW Kaya Yung mga ginagawa nya Wala na dw SYANG magagawa ndi Naman DW nya kasalanan na mayayaya sya sa inuman Ng mga senior nya at ndi Naman DW sya pabaya sa magiging baby namin financially Ang sakit nun para sa kin mga momshie. Ang nsabi ko na Lang okay salamat hwag mo Na kming isturbuhin Ng anak mo. Sabi nya hwag mo akong takutin Kung Yan Ang gusto mo walang problema. Hanggang ngayon Po ndi ko na sya kinakausap pero nag chat syang mga emoji na kiss heart tapos kinakamusta kmi pero ndi na Po ako nagrereply... Mga momshie ano Po gagawin ko stress na stress na Po ako sa kanya Sana Po may maka advice sa kin.. maraming salamat po

23 Các câu trả lời

Panahon na para mag-adjust siya sa mga nakagawian niya nung buhay binata siya at ngayong may pananagutan na siya. Mag-usap kayo ng masinsinan, kung ano yung gusto mo versus kung ano ang gusto niya. Magcompromise. Kung sa tingin mo ay hindi siya magbabago at hindi ka magiging masaya, i suggest panahon na siguro para maghiwalay kayo. Priority ang bata above else. Pag-isipang mabuti ang magiging desisyon, maging wais. Magdasal. Wag na wag magsstay para sa baby, hindi rin magiging healthy ang pagsasama niyo at kawawa ang bata.

Tama yan mommy. Palamig ka muna from him, kasi baka mastress ka, mawala pa si baby. Nag away din kami ng partner ko, hindi din kami nagsasama. Ang sabi ko sakanya, ang pagiging tatay hindi sa financial nababase, kasi kung financial lang yan, kayang kaya nating mga babae kumayod para sa pangangailangan ng anak natin. Naku mamsh, ipakita niya muna na magbago siya bago mo tanggapin ha. Malamang alam naman niya bahay mo, kaya kung gusto niya talaga ayusin yan, hindi niya idadaan sa chat. Pupuntahan ka niya ng personal.

ang hirap pag ganyan ang partner mo. mas maganda nga na cut muna kayo ng communications. minsan kasi tinatake advantage tayo ng mga yan. palibhasa alam nila na mahal natin sila or ayaw natin na hindi kompleto ang pamilya ng mga anak natin. pero ang hirap naman na lumalaki ang anak mo tapos ganyan ang nakikita sa ama nya. hayaan mo muna sya. hayaan mong maisip nya kung tama ba yung ginagawa nya.

ganyan din ang asawa ko dati nung bago pa lng kmi ngsasama at isa p lng anak namin...halos araw araw ang pagiinom,minsan nga sa beerhouse pa eh!, nkakabadtrip tlga....dapat sa mga ganyan dinadala pra matauhan....wag mo muna kausapin magcut communication ka sa kanya tingnan mo kung hanggang saan sya dadalhin ng pride nya...sabi nga habang may buhay may pagasa kaya laban lang!!!!

VIP Member

sis wala ka ba pde makasama sa bahay nyo nanay mo or kapatid para tumulong sayo kasi baka mapaanak ka ng di oras wag mo na asahan bf mo feeling binata pa ata kaya ganyan yung asawa ko minsan gnyan din hnhnayaan ko lang. And pano pala baby mo pag nanganak ka pabantay mo muna sa kamag anak mo .

tama lang po n hayaan mo muna sya..my mga gnun tao hindi nila alam ano meron sila hanggat di nppansin un absence..isa pa, nurse p man din tapos gnyn k pabayaan? hindi sapat n suportahan lng financially, mas importante ang moral/emotional support pati "physical presence".

VIP Member

for me tama ginagawa mo, palamig kana muna sis. hayaan mo lang sya baka at the end mapag isip isip din nya yung ginagawa nya. hindi na sya binata, so dapat mag adjust sya sa nakasanayan nya. saka hindi naman masama tumanggi kapag may nag aaya e.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-138589)

tama yang ginagawa mo mommy. yes, responsible syang daddy pero hindi perfect na responsible husband esp. buntis ka pa mandin. palamigin mo po muna ang situation, and let him learn a lesson mommy.

Wag padala sa mga emoji na yan. First, pray ka na magbago siya. Kung ganyan siya ng ganyan at di kayang baguhin attitude niya, Then, decide kung ano ikabubuti niyo mag-ina.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan