7 Các câu trả lời
Yung toddler ko po is 2years old, mag 3y/old sa August. Nag stop na rin siya mag diaper last year November. Bale ang ginagawa ko po ay maya't maya ko siya tinatanong kung wiwi ba siya or poop yung tipong pakikiramdaman ko talaga kilos niya. Tapos always ko sinasabi kapag nakaka wiwi siya sa short or nakakapag poop sa kapag wag mahiya sabihin na "mama poop, mama wiwi" tapos tinuturo ko rin yung ginagawa ng ate niya everytime nag poop. 5 year old yung ate niya, but nakakaligo na mag isa at nakakapag poop hugas mag Isa. chinecheck ko naman den kung maayos ba ligo/Pag hugas ng puwet hehe. At ngayon yung 2 y/old ko marunong na mag sabi or dumiretso sa Cr umupo sa bowl kapag mag poop at wiwi. Kapag tapos na sigaw na lang ng "Maaaaaaa, tapos na po" tyaga lang po talaga.
potty training po ba? set a routine po, patience and consistency ang kailangan. kapag mapoops or wiwi sya, sabihin nyo na "pupu" or "wiwi" yun (or kung ano man ang cues nyo). Huwag suotan ng diaper. Expect frequent accidents at first, be patient, huwag pagalitan and no shaming. Nagstart kami ng potty training mga 22months si lo. For poops, gawa namin is mga 10 or 15mins after eating, iuupo ko na sya sa potty to poop. Wait no more than 5mins, then try again later kami. By 2yo, lagi na sya nakakapagsabi kapag mapupu na sya. 2.5yo na sya ngayon and fully potty trained na sya during daytime. pagtulog sa gabi na lng sya nakadiaper for wiwi.
bilhan nyo po Ng potty trainer, pagka Umaga wag mo lagyan diaper panty/brief lang.sabihan mo pag wiwi or feel popo umupo sya sa potty.ganyan ginawa ko sa daughter namin. at first xmpre mahirap KC nakakalimotmag wiwi SA potty😅 pero everyday ko sya tinuturuan hangang sa natuto nalang, sya na kusa natakbo SA potty,🙂 pag Gabi nalng SA nag didiaper Incase mapa wiwi sa bed nya.
yung baby ko, hindi ko na nilagyan ng diaper nung 2y/0 na. after niya magdede sa gabi, pinapaihi ko na sa Cr tapos sa umaga pagging, papaihiin ko na naman, pagtatae, nireremind ko na pag masakit ang tyan "pupu" lang ang sasabihin. 😂 buti nalang madali kausap, kaso di talaga maiiwasan maihi siya sa gabi. tiis tiis nalang, laba uli kinabukasan 😂🤣
set a routine. halimbawa, after ng breakfast, pauupuin mo sya sa potty chair nya, then everymorning ganun gagawin nyo. kukusa yun na mamememorize ng katawan nya then eventually, magagwa nya every morning magpoop. wag mo g pilutin. kusa lang naman yan. basta ipakita mo lang sa kanya saan ang tamang upuan pag poop or wiwi.
Tinetrain pala dapat sila? Anak ko kasi kusang natuto at kusa naman natatae.
Ilang taon na? Kusa nman tumatae ang bata kase di nman po yan mapipigilan.