share ko lang and siguro serve as a reminder to all pregnant momshies

I have a cousin who died very recently because of miscarriage that also caused multiple complications. Some sa mga relatives namin would say na tinago nya ung pagbubuntis nya. Nalaman ko lang sa auntie ko nung 3 mos na syang buntis. And nung 1st trimester ata un nagdadrive pa sya ng motor for more than 4 hours para bumyahe from city to province. Di ko alam kung anong pinupunta nya dun sa probinsya kasi nga umalis na din sya sa work nya nung time na yun as far as I know and di naman un ung probinsy namin. Umuwi sya sa province namin siguro 4 mos ung tyan nya. Sabi sabi ng mga kamag anak namin dun, di daw sya nagpapaprenatal and monthly check up dahil nga tinatago ung pagbubuntis nya. So after some time, she's 8 months pregnant nung 3 consecutive days mataas dugo nya. As in mataas 170 over 120. Tumakas lang pala sila ng partner nya para pumunta sa city by ferry which takes 14-16 hrs para nga magpacheck kasi nakakatakot ung highblood nya. Pero may plan na palang i-pa airlift kaso di nakahintay and walang budget. Di pa dumarating ung barko, nangingitim na daw sya, un pala patay na ung bata sa loob. Pagdating nila sa hospital,di pa naoperahan agad kasi may tubig sa baga nya. Dala daw ng pagmamanas na umabot na sa likod nya. 7 days saka pa natanggal ung baby kasi di maoperahan dahil dun nga and sobrang baba na din ng platelet count nya. Nung may time na gumising sya, hinanap nya agad ung baby. Kaso wala na e. Tho di naman sinabi sa kanya na wala na ung baby. Nagstay pa sya more than 2 weeks sa hospital until bumigay na katawan nya talaga. Twice a day syang dinadialysis and sobrang dami ng dugo naisalin pero nakakain lang ng white blood cell. Hanggang sa lahat na ng organs nya unti unti di nagfunction. Sobrang sakit. Pinahirapan muna sya. Kaya sa mga momshies jan, just a reminder lang itong shinare ko. Importante talag ang prenatal. Tho di ko rin sure how much of that is true, ung about sa di sya nagpapacheck. Pero if nagpapacheck kasi sya edi namomonitor ung BP and nakakapagtake sya ng vitamins. Hayys. Di nya man lang nakita ung baby nya kasi dinurog nalang para mailabas e. Di na kasi sya makaeri.

2 Các câu trả lời

VIP Member

Ang lungkot naman po yung nangyari sa cousin nyo. Pero tama po kayo, checkups are necessary talaga sa buntis.

so sad.. 😭 sana d nlng nia tinago. 😞 condolence po sa family nia 🙏

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan