32 Các câu trả lời
ibang level po pag nanakit ang lalaki. hindi po tama yun at hindi na dapat nauulit pa. pag po hindi nagbago mas ok siguro hiwalayan na kesa lumala pa. o kaya lumayo ka muna para marealize nya ang pagkakamali nya. pero hindi po dapat tinotolerate yan. wlaang dahilan pra saktan ng isang lalake ang babae lalo’t partner nya, ina ng anak nia.
Kahit ano pa man yun reason bakit ka nya nasaktan, invalid pa rin kung bakit nya nagawa yun. There's something wrong in him. And sa tingin ko, its not healthy magpalaki ng bata pag ganyan ang environment kasi magsisink-in sa baby mo yan. I hope magdesisyon ka para sa kung ano ang dapat para sa inyong mag-ina
Reasons ng mga mommy is "nagtiis ako dahil sa anak ko" but growing up in that kind of environment. I wished sana hiniwalayan nlng ng mum ko yung dad ko. Nasasaktan din po kami at kami apektado pag nagtatalo sila. Don't let your kid grow in that kind of environment.
No to physical abuse mommy, baka mas malala pa magawa nya sayo in the future, pagusapan nyo po at ipangako nyang di na maulit. Pero pag di po nagbago hiwalayan nyo na po, wag mo po isipin ang sasabihin ng iba, do it for you at sa anak mo.
Kung gusto mo madeds ng maaga sa kakabugbog nya sayo, stay. Pero kung ang iniisip mo lang eh kinabukasan at kaligtasan ng anak mo eh di aalis ka at iiwan mo siya. Regardless kung attached ka sa kahit pa sa mga ninuno nya.
mahirap po pagnakikita ng anak nyo na sinasaktan ka ng papa nya. baka magrebelde po yung bata or maisip nyang ayos lang na sinasaktan ang babae .. kaya momsh mas okay po na makipaghiwalay kapag may ganyan ng involve.
iwanan m na sis mas importante p ba iba kasya sa sarili mo? if ng stay k dahil sa kid that is so wrong. pg napaano ka sno mg aalaga kay baby mo d ba? you have to be strong for your kid kaya ako ayoko mgpakasal eh
Wag po natin itolerate yun pananakit ni hubby. Kpag napagbuhatan ka ng kamay ng isang beses ibgsbhn maulit ng mauulit yun. Hndi tayo pinalaki at inaalagaan ng mga magulang natin para saktan lang.
Mommy, tama na inisip mo anak mo. Pero pano kung mawalan sya ng mommy dahil sa pagtitiis mo? O pano kung sya naman ang saktan? Kailangan mo magdesisyon at kumilos ngayon bago mahuli ang lahat
You dont deserve the love na binibigay ng asawa mo.. Wag ka manghinayang na hiwalayan mo siya habang maaga pa mag isip ka na.isipin mo kalagayan mo at anak mo get your child and go home