badly need advice
I have baby po, mag 2 na po sya ngayong 2019, yung daddy nya at ako ay di pa kasal. lagi kami nag aawayng daddy nya. mainitin kasi ulo. minsan sa pag aaway namin, nasasaktan nya ko. at isang beses pa nga sinuntok nya ko sa braso ko malakas, yung tipong 2weeks bago natanggal yung fist shape na pasa sa braso ko. sabi ng mga kaibigan ko hiwalayan ko na raw kasi di daw deserve ng babae ang saktan ng asawa. which is totoo naman. pero po kasi. iniisip ko pano po yung anak namin? pano po parents namin ? masyado pa naman attach ako sa parents nya saka mga kapatid nya. di din kasi nila alam ang mga away namin. pag nakikipaghiwalay po kasi ako sakanya ayaw naman nya po. nagugulohan na po ako.
Mamshie, first of all kahit anong mangyari wag na wag kang magpapakasal jan sa tatay ng anak mo. Kung di mo pa kaya humiwalay sa ngaun, make sure to act kapag sinaktan ka, wag mong itago. Especially sa mga magulang nyo. Ganyan din aq noon. Nagsimula sa pa isa isang suntok sa mga nde madaling makitang parts, braso, legs yung mga pasa. Hanggang sa naulit ng naulit at di na paisa isa, out of control na, kung saan nya nako mataaman, ulo, sa mukha, tyan.. kahit saan.. tiniis ko yun kasi sb ko pra sa anak ko.. tsaka yung mga abusers, they have the tendency na paniwalain ka na kasalanan mo kaya ka nila nasasaktan. Kahit kasalanan mo or hindi, wala silang karapatan bugbugin ka. Nung time na sobra na yung pananakit at di ko na matago mga pasa ko, sinabi ko n sa mga magulang ko, nagblotter kami, which is at first ayoko gawin kasi nga mahal ko yung guy, at baka lalo sya magalit s kin..pero it was the right thing to do! Noong nagreport nko, nde nya nko ulit sinaktan physically, pero emotional and psychological abuse nman nangyare.. ngaun annulled na kmi..save yourself girl! Kung d mo kayang hiwalayan ngaun, speak up! SAVE YOURSELF PARA SA ANAK MO! Yung ganyang relationship hindi yan sinasave, kasi toxic yan sa bata I swear. Nakita ko yung anak ko na naaapektuhan. tiniis ko yun 5 years..un ung naging breaking point ko..nagkakasakit, nattrauma everytime na nakikita nya nagaaway kami ng daddy nya.
Đọc thêmHi mommy. Yan po ang problem sa VAWC (violence against women and children) cases. Alm natin na mali na sinasaktan ang kapwa natin, mapa babae o lalaki man yan pero sa cases ng couples, laging iniisip ang anak. Kung totoong iniisip mo ang anak mo, hjndi mo hahayaang lumaki siya sa environment na magulo at normal ang pananakit sa kapwa. Kung gusto mong lumaking maayos ang anak mo, alisin mo siya sa ganyang environment. You have to be strong. And do not underestimate yourself. Common cases po kasi sa gnyan, most women think na kakayanin ko bang palakihjn mag isa ang anak ko?, which is wrong. Dahil kaya mo naman talaga. Kung decided kana na makipaghiwalay at ayaw niya o ginugulo pa kayong mag ina, yoh mag file protection orders. Para hjndi niya kayo malapitan o macontact. At kung gagawin mo mang makopaghiwalay, pakiexplain ng maayos sa anak mo without being bias sa inyong magpartner. Maiintindihan niya yan kahit bata pa siya. Kaya mo yan! 💪🤗 hugs from here.
Đọc thêmHuwag gawin dahilan ang Bata mommy. Hantayin mo pabang may mangyari din masama sa anak niyo? Puwede naman magkasundo kayo ng parents niya na ipakita mo sakanila ang bata kung ayaw mong ipadapo siya sa asawa mo. Sustento legal na paraan sa korte. Ate hindi ka tanga matalino kang babae at dapat mas maging matalino ka bilang ina. Wala ako sa pusisyon mo at hindi korin papalarin. Pero kapag ganiyan na ang nangyayari ultimo isang beses palang may kalalagyan yan sa hukuman sakin. Kung ayaw niya pumayag sa hiwalayan ninyo makipag areglo ka nalang sa pamilya nung lalaki at sakanila ka makipag-usap ng maayos. Kung ayaw din nila na iwan mo ang anak nila ikaw na ang umalis. Lahat ng nangyayari satin kagustuhan ng Diyos. Maaring dika natauhan sa matagalang pasa mo sakaniya sana sa mga payo namin maliwanagan kana. God bless us!
Đọc thêmKung sinasaktan kana physically, hiwalayan mo na. Kung nagawa na niya ng isang beses, masusundan pa yan ng ilang beses na pananakit. Kausapin mo rin na muna parents niya baka sakaling matauhan yung asawa mo kapag kinausap siya ng parents niya then regarding kay baby naman, ipaintindi mo sakanya maigi kung bat kayo naghiwalay ng papa niya and make it sure rin na hindi tatakbuhan ng asawa mo yung anak niyo kahit wala na kayo (kung sakali man) Habang bata pa si baby dapat pinapaliwanag mo na sakanya para kapag nakaisip na talaga siya, di siya magtatanim ng sama ng loob sainyo.
Đọc thêmPag sinasaktan ka na physically it means wala na pong respect sa'yo yang partner mo. Better get out of the relationship na while you can kasi for sure di lang yan yung aabutin mo sakanya and baka pati baby niyo masaktan din. Wag niyo po hayaan na umabot pa sa ganon. Now, if he wants you back like nagmamakaawa ganon then tell him to undergo counseling and pyschological therapy. If pumayag siya then maybe your relationship could still work since baka may anger management issues lang talaga siya. Pray for His guidance and enlightenment 🙏
Đọc thêmMas pipiliin mo yung tingin ng ibang tao? I mean ok lang sayo magtiis basta hindi ka lang mawala sa pamilya nya? And handa ka mag tiis para sa sinasabe nila buo pamilya? Hahayaan mo pa ba lumalala yung pambubugbug nya sayo? I think no hindi mo kaya yun...kaya kung ako sayo hiwalay na and pa blotter ka sa barangay if ever kase lumalala yung pananakit sayo may maipakita ka and nag pa medical ka...maawa ka sa sarili mo....di bale na walang buong pamilya kung kakalakihan naman ng bata yung ganyan
Đọc thêmhindi mo deserve ang masaktan sis..pero kung kaya mo pa sige lang,pero dapat kausapin mo si lip mo na kung di siya magtitino hihiwalayan mo na siya at ang sa parents niya dapat ipaalam mo sa kanila ang nangyayari sa inyo ng lip mo para kapag naghiwalay kayo hindi ka masisiraan sa side ni lip mo. sa bata naman ipaintindi mo sa kanya ang sitwasyon niyo ng lip mo para di siya magrebelde paglaki niya
Đọc thêmHindi maganda na saktan ang babae. Hindi din maganda na makikita yun ng anak niyo. Kausapin mo muna husband mo pero kung uulitin niya umalis ka na sa relationship. Don’t think about other people. Think about yourself at yung anak niyo. If I were you, iiwan ko na siya. Ayoko makita or maisip ng anak namin na okay lang manakit kapag galit. Ayoko isipin niya na ganun ang concept ng isang pamilya.
Đọc thêmhiwalayan muna sis ,relate much ako.. same tau ng situation dati 😔 umabot ako sa point na awang awa na ako sa sarili ko pero tiniis ko kc may anak kme ,tapos nasundan pa ng isa.Ayaw ko tlga ng broken family kc ang hirap nranasan ko din yan mismo sa family ko,pero wala eh hanggang dko na nkayanan pana2kit nya nagmakaawa nlng ako sa mama ko na kunin nya kme ng mga bata.
Đọc thêmDati nong namamanhikan ang fiancé ko, sabi ng parents ko sa kanya, kung sasaktan nya ko ibalik na lang nya ko sa kanila. Tatanggapin nila ako ng buo. If ever na mangyari yun, di na ako maghihintay na ibalik ako ng asawa ko, ako na mismo ang uuwi mag-isa sa amin. Huwag mo itolerate yan. Ang asawa dapat nirerespeto at minamahal, hindi sinasaktan.
Đọc thêm
Mama bear of 1 fun loving cub