5 Các câu trả lời
Pag okay ang mood nya, talk to him and encourage him to be a good boy always. Positive disciplining ang kailangan sa mga ganito para hindi lalong mgrebelde. You may do a simple reward system (not just by giving material things), like you praise him if he behaves well. You always let him feel that he is a good boy and you want him to be a good boy always because mama is happy when he is good. Simple things like that, para mafeel nya na may mabuting naidudulot ang pagiging good boy nya instead of scolding him which could lead to a more violent reaction.
Para sakin, ok lang ung parang bugoy sa ganyang age, Ung anak kong 3 years old, tinatawag din na bugoy ng dad nya kasi sobrang pampered kaya alam nyang mahal na mahal sya ng lahat. Pero never naman umabot sa point na nananakit talaga or parang nakikipag-away. Pag may mali sya, hindi pwede itolerate. Yun ang dapat ma instill sa utak ng mga bata. Lahat may limitations para hindi umabuso.
Ang 3 year olds ay nakakaintindi na at pwede ng pakiusapan at pagsabihin. Sa tingin ko, masinsinang usapan lang muna at make sure na walang ibang tao na nakakakita na pinagsasabihan mo sya para hindi lumabas sa kanya na napapahiya sya. Try mo lang muna i-pin point sa kanya na ang pananakit ay hindi mabuti at nakakasakit sa kapwa.
Huwag niyo pagbigyan pag medyo masama yung ugali niya. Masasanay siya na yung kakulitan ay ang nakakakuha ng gusto niya. Huwag niyo rin siyang tawaging "bad boy" o "makulit". Minsan kasi sinusunod nila yung pag-label natin. Parang "sabi naman ni mommy na makulit ako kaya ko 'to ginagawa"
Habang bata pa sya, try mo na sya i-disiplina ng malumanay mommy. Iwasan mo syang pagtaasan ng boses at sigawan. Mas nakikinig kasi ang mga bata kapag malumanay ang kumakausap. Kapag naman pasigaw ang approach natin sa kanila, ang tendency, lalong titigas ang ulo nila.
Thanks sa advice sister..God bless you po
Lynna Calilung