Physical and verbal abuse

Hello. I have an 8-year-old daughter sa ex ko and now may bago na akong partner and we have 1 child na din. Recently nahuli ko at nagsabi na sa akin ang panganay ko na sinasaktan daw siya physically and verbally ng partner ko. Tinuturuan daw siya magsecret sa ginagawa at sinasabi sa kanya. Nag-usap kami ng partner ko but dine-deny niya lahat kahit nakita ko na. Hindi daw totoo. I feel so trapped, confused and scared for my daughter. I am willing to give my partner a chance pero natatakot ako na baka mga anak ko naman magsuffer. Thoughts please? Update: I've talked to my partner po. Not saying this para itake ang side niya. He was brought up sa ganung environment - palo and hindi magagandang salita na napakamali kasi inaapply niya sa anak ko na lumaki with gentle parenting style. His words were mean and hindi niya ineexplain sa anak ko after kaya iba ang interpretation ng bata. Kinausap ko na siya and stood my ground po. Mas sobra pa sa triple ang pagbantay ko and I'm doing my best na magheal ang daughter ko with what happened. I also plan to have my family intervene para sure. My daughter felt a whole lot better kasi I am aware of what happened and mas secure na siya magsabi sa akin. Thank you po sa lahat ng comments mommies.

35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Babae ang anak ko, hindi ako hiwalay sa ama ng anak ko pero lahat ng lalaking hahawak sa anak ko pinagdududuhan ko dahil sa mga sexual abuse na nababasa at napapanood ko. I learned that our child may not be safe even with our own family. If this happened to me I would be furious, makakatikim talaga sakin yung nananakit sa anak ko, knowing na tinuruan pang mag sikreto yung anak ko.

Đọc thêm

tandaan mo di naten kailangan ng lalake sa buhay kung hiwalay na sa daddy ng anak or asawa... d na dapat tayo maghanap ng iba pang lalake. focus ka nalang sa anak mo!!!!! dapat d mo na tnatanong yan. Dapat mas matimbang ung anak mo kesa sa partner mo na d mo naman asawa. focus ka nalang sa anak, babae pa naman yan. wag mo hntayin na magsisi ka pa.

Đọc thêm

Lagi pong tatandaan na mas mahalaga ang anak.lalo at hindi nya tunay na tatay..hindi nya kadugo ung bata kaya mas may lakas ng loob yan saktan ang anak mo sa ex mo..bka mamaya nyan hindi lang physical abuse ang ginagawa sa anak mo..wag mo na hintayin mamsh na humantong sa sitwasyon na yun(pero wag naman sana)pero sana unahin mo palagi ang anak mo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

mommy, makakahanap ka pa ng ibang partner. pag may ginawang masama yan sa anak mo baka hindi mo kayanin ang consequences dahil kung hindi ka tatayo para sa anak mo, ibig sabihin pinayagan mo ung partner mo na gawin ung gusto nya sa anak mo. that's on you. pagisipan mo mommy ha, remember your priorities.

Đọc thêm
Influencer của TAP

sa age po ng bata, di pa sya mulat sa mga scenarios na di dapat sya involved, if you get what i mean? inosente pa sya masyado to tell you lies about this. use your motherly instincts mommy. yan din ang kinakatakot ko para sa pamangkin ko single mom kasi ang kapatid ko. babae pa man din po sya.

wag mo na patagalin base on my experience kahit sarili kong tatay, physically, mentally abusive , nagkaroon na ng pang hihipo nung nagdalaga na ako 😢 sa hipo na yon , ako na nag adjust lumayo na ako sa kanya kasi hindi na rin maganda lalo't wla si mama sa bahay hindi safe :(

Hi mommy, please take note that your daughter will not lie to you at that young age. Nakakatakot yan kasi babae pa yung anak mo pagkaingatan mo kasi yung partner mapapalitan mo pero ang anak mo hindi. yung future ng anak mo yung nakasalalay, be vigilant and responsible.

Nako nako. Huwag mo hayaan na pati anak mo sayo magalit. Hindi na dapat binibigyan ng chance yan, unless nakalakihan mo din yang ganyang household. If youre really scared for your DAUGHTER. (babae pa man din.) Hindi ka na dapat nagkakaron ng second thoughts

Ikaw na mismo nakakita at alam mo din na ang mga bata hindi yan nagsisinungaling.. Alam mo na ang dapat mo gawin mi. Sinasaktan panganay mo babae pa naman😢 ang tunay na nagmamahal sayo mahal din dapat ang anak mo na parang anak na din niya kahit hindi niya kadugo.

Naku mii ilayo nyo na po yung anak nyo sa parner nyo hindi mo alam kung physical abuse nga lang ba yung ginagawa nya sa anak mo mas maganda hanggat maaga pa ilayo mo na agad yung anak mo sa mga hindi magandang pwedeng mangyare sa kanya na pagsisisihan mo.