Physical and verbal abuse
Hello. I have an 8-year-old daughter sa ex ko and now may bago na akong partner and we have 1 child na din. Recently nahuli ko at nagsabi na sa akin ang panganay ko na sinasaktan daw siya physically and verbally ng partner ko. Tinuturuan daw siya magsecret sa ginagawa at sinasabi sa kanya. Nag-usap kami ng partner ko but dine-deny niya lahat kahit nakita ko na. Hindi daw totoo. I feel so trapped, confused and scared for my daughter. I am willing to give my partner a chance pero natatakot ako na baka mga anak ko naman magsuffer. Thoughts please? Update: I've talked to my partner po. Not saying this para itake ang side niya. He was brought up sa ganung environment - palo and hindi magagandang salita na napakamali kasi inaapply niya sa anak ko na lumaki with gentle parenting style. His words were mean and hindi niya ineexplain sa anak ko after kaya iba ang interpretation ng bata. Kinausap ko na siya and stood my ground po. Mas sobra pa sa triple ang pagbantay ko and I'm doing my best na magheal ang daughter ko with what happened. I also plan to have my family intervene para sure. My daughter felt a whole lot better kasi I am aware of what happened and mas secure na siya magsabi sa akin. Thank you po sa lahat ng comments mommies.
base on my experience nagkaron ako ng step father 7years old. ok sya nong una sobrang caring nong unti unti na ako nagdadalagita napapansin ko naging mahigpit na sya sakin galit na galit pag kausap ko classmates kung lalaki pero that time iniisip ko protective lang cguro sya pero nong nag 13 years old na ako don an gumuho mundo ko nagising ako na hinihipo nya hita ko and ramdam ko hininga nya sa bandang leeg ko nong nagising ako sumigaw ako nagsumbong sa mama ko pero ang dahilan nya inaayos lang nya ung kumot pero alam kung hnd totoo sinasabi nya umiiyak na ako then kinuha nya kutsilyo binibigay nya kay mama sabi nya saksakin nalang daw sya so inamin nya din. ang masakit don walang ginawa ang mama ko sa lalaki pinalagpas nya ang ginawa nya lang dinala ako sa kamag anak ng lalaki kinausap ako na wag daw ako magsusumbong kahit kanino.. lumayo ako nagtrabaho bilang katulong nong 17years old na ako nasa manila ako ngtatrabaho tumatawag ang stepfather ko sinasabi nya kami nalang daw mag asawa iiwan daw nya mama ko. un ang unang beses na nagtanim ako ng galit sa lalaking un at hanggang ngaun hnd ko parin sya kayang patawarin ni mukha o pangalan nya ayokong isipin lalo nat makita.... kaya mommy pag isipan nyo po ng maiigi isipin nyo po anak mo babae po yan at magdadalaga sya po ang kadugo mo.. sana magbigay aral ang nangyare sakin
Đọc thêmOo mamshie don't give him a chance mahirap na what more,, if mas malala pa gawin sa anak mo,, babae pa nman,. Ako meron din unang anak hubby ko and babae sya at na saken,, dalagang dalaga na hubog nya at ayaw na ayaw ko tlga sya umuuwi sa biological mother nya lalo nandun ung kinakasama ni mother nya,, buti sana kung lalake eh kahit ipagkatiwala ko ng matagal,, kaso mahirap na, lalo lumaki na saken tong dlaga ko,, kahit medyo pasaway minsan eh understood nman kc highschool na,, atleast alam ko saken safe kesa naman dun diko alam kung ok b or what khit panay parin chat ko, and mas gusto ni hubby dito tlaga sya hanggang makatpos ng kolehiyo, pag nasa tamang edad na, pwede naman sya magDecide para sa sarili pero syempre need to guide parin..Naiisip ko nga din sabi ko bka pagnakatpos kna maEtshapwera na ko life mo,, dipo mami kayo po ngAlaga saken lalong lalo ng nung lagi akong may sakit at kinuha ko ni papa ky mama,, halos cguro buong buhay ko sila lng nga mga siblings nya saken, ung naging buhay ko,, kaya khit anong mngyari di ako magiging pabayang ina sa knila at poprotektahan ko sila.
Đọc thêmmommy, mas masakit ang mom guilt na dadalhin mo habang buhay kaysa ang mawalan ng lalaki or partner. think about your possible regret pag di mo pinrioritize ang anak mo. think about also na pag lumaki anak mo, babalikan niya yang moment na yan na umamin siya sayo. Mananatili sa isip at puso niya ang magiging response mo sa situation na yan at dadalhin niya yun sa pag laki niya. kaya choose wisely. masakit yun para sa kanya kapag naramdaman niya na di siya naprotektahan o naipagtanggol. besides mommy, illegal na yang ginagawa ng partner mo. what if may mapagsabihan ang anak mo outside your family or other people and malaman ang naging response mo? alam namin mahirap yan para sayo lalo na may younger child ka pa... weigh the consequences, but always remember that your decision may break or build something in your child. I will pray for you, mommy.
Đọc thêmMommy, be firm. Think of your child's welfare. Pag pinatagal mo pa yan, baka lumala pa at madamay ka pa sa sisi kung ito-tolerate mo yan. If talagang di mo pa kaya sa ngayon na iwan yung partner mo (di ko naman kasi alam yung entire set up nyo), make sure na kausapin si daughter to tell you right away if maulit yan at mas maganda na may TRUSTED family member, friend or even neighbor na may alam nyang situation nyo. Let your partner know na may nagbabantay sa mga kilos nya against sa anak mo. Let him know na child abuse ang haharapin nya pag di sya tumino. Para ma-conscious sya at mahiya sa pinag gagawa nya. Wag ka matakot. Maging matapang ka para sa daughter mo. Isipin mo ang ikabubuti nya. Take care po kayo ng kids mo.
Đọc thêmMommy for me anak mo unahin mo..lalo na babae . mahirap ng magtiwala ngayon kahit sabihin mo Mabait sya Hindi mo lubos na kakilala..may iba nga sariling anak ginagawan ng masama..ang bata pa ng anak mo.wag naman sanang masira ang buhay ng anak mo. Kung ayaw mong humiwalay sa lalaki.ilayo mo anak mo . Baka Pag tumagal mas malala pa magawa ng partner mo sa kanya..para sakin may anak din akong babae.never ko syang iniwan sa kahit kanino maliban na Lang sa daddy nya at mga relatives ko na pinagkakatiwalaan ko.mas mahalaga Kasi sakin safety nya. then ngayon buntis ako baby girl din .mas mahalaga ang mga anak ko kaysa sa sarili ko. Kaya Hindi ako nag work para mabantayn ko anak ko... God bless mommy .
Đọc thêmNung nabasa ko Mommy yung post mo I was furious. Our HOME should be the safest place for our kids and with the way your partner is treating your little girl? It's the other way around Mommy. 8 years old may physical at verbal abuse plus tinuturuang isikreto pinaggagagawa sakanya? That's MAJOR RED FLAG Mommy. Please listen to your little girl. Gaya ng sabi ng ibang Mommies dito, habang buhay na maaalala ng anak mo yung magiging action mo rito and always PRIORITIZE your kid's welfare lalo pa at babae. It's scary to even think yung takot ng anak mo and yung ibang possibilities.
Đọc thêmnaku day hiwalayan mo na yan. na basa ko pa lang post mo na takot na ko para sa anak mo baka di lang yan ang gawin nya sa anak mo! Bilang nanay priority natin kaligtasan at security ng mga anak natin pero kung may mga ganyang tao tayong kasama sa buhay or bahay better na ilayo na natin sila hanggat maaga pa,oo nandoon na yung mahirap mamuhay ng walang katuwang or single parent pero diba tayong mga nanay kaya nating tiisin lahat ng hirap wag lang yung mga junakis natin ang magdusa 😀 yun lang mommy .
Đọc thêmmomsh ikaw na nga nakakita, dapat ikaw din mag isip ano ba tamang gawin para di maulit kung mahal mo anak mo hindi ka magdadalawang isip mag isip ka kung anong worst na maaaring maging resulta pag pinatawad mo pa. ako walang second chance sakin pag sinaktan anak ko physically o verbally cut na sa buhay ko, di ko kayang saktan anak ko ibang tao pa kaya? nasa sayo yan yung desisyon mo yung ang makakaapekto sa anak mo kung maganda ba o hindi see mo comments dito tama mga payo nila...
Đọc thêmMajor RED FLAG Mommy! May anak din ako na babae. Mabait ang asawa ko pero kung ako ang nasa posisyon mo, lalayasan o hihiwalayan ko na agad 'yang partner mo. Hindi mauubos ang lalake sa mundo pero 'yang anak mo nag-iisa lang 'yan. Kung ngayon palang nakukuha na niyang turuan na magsekreto what more pa kaya kapag may mga ginagawa na siyang hindi maganda. NO TO SECOND CHANCE! Unahin mo momsh ang anak mo please lang po.
Đọc thêmMamshie for me dapat wag mo nang bigyan ng chance yung partner mo.. Baka pagdalaga ng anak mo hindi lang physical at verbal abuse gagawin dyan baka aabot pa sa sexual abuse... Kawawa naman po anak nyo.. May red flag na po yung partner nyo dapat nga mahal nya yung anak nyong panganay hindi yung ginaganyan nya...
Đọc thêm
Ahron Louis & Tom Lewis ? Breastfeed Advocate! ❤️