Medyo mahaba kelangan ko mag vent out ng inis

I have 1month old baby premature sya 35weeks. sabi ng pedia nya max of 3oz lang in evry 2hrs. Ang problema ko kasi MIL ko, wala naman ako masabi kasi sobrang bait at maalaga. ang akin lang kasi kawawa baby ko pag anjan sya, konting iyak lng nya sasabihin dede daw kahit kakagatas lng. Sabi ko tingnan ang diaper pinipilit nya dede. tapos iiyak pa rin ung bata gusto ulit templahan ko. Sabi ko tingnan mo na diaper ayun nakapoop nga. Syempre dahil nilalaro nya nagising na diwa ng bata iyak na ng iyak. Gusto nya ulit templahan pag diko sinunod parinig sya na gutom pa daw si baby kunwari kakausapin ung bata sasabihin ayaw pa ni mommy templahan ka gaganun sya. lahat ng iyak ni baby kahit nahikab lang porket bumuka bibig sasabihin gutom. nung nkaraang gabi naka9oz kaya inis na inis ako di rin naman nya kaya ipaburp ang bata kukunin sknya ayaw ibigay. ayoko naman masabihan na bastos pag sinuway ko. hubby ko nga pag pinagsabihan mama nya sagot ng mama nya alam daw nya ginagawa nya bat daw tinuturuan eh mali nga ginagawa. sa 4oz nga pinagsabihan na kmi ng pedia nya paano pag nalaman na in just 3hrs naka9oz nung nakaraan. naawa daw sya pag naiyak ang bata pero sila din naman dhilan kasi imbes ihele para matulog eh nilalaro malamang iiyak tlga. antok tapos pipilitin mong laruin. patulog na kakausapin mo pa rin? sasabog na ako sa inis!! pag asa bahay kami mama ko never nagexceed sa 4oz. napapatulog agad kasi d nya kakausaoin para d mgising diwa ng bata. minsanan lang mkabigay ng 4oz. pero pag andito kami sa bhay nila hubby. pinakamababa na ang 5oz sakanila. kaya ayoko natutulog dito eh! tuturuan mo ng technique kasi ako lagi nakakasama ng bata pero prang wala sila nariring. nagiging bingi sya pag tuturuan mo.

23 Các câu trả lời

Grabe nakakarelate ako sa mga nagkkwento hahaha ako naman danas ko sa lola ng partner ko,mabait naman din kaso pagdating kay baby,kaloka kahit anong sabi di rin nakikinig,yung tipong naaasar na ko pero sinasabihan ko in a sweet voice pdin kaso ung kanya padin ang pinipilit .About din sa pagpapadede ang prob ko minsan like umiyak si baby,kukunin nya sakin tas papadedeen ng nakahiga kahit sinasabihan na namin na bawal daw ang ganun sabi ni pedia tsaka nalungad sya ,sge pdin paulit ulit nya gngawa,di na ko nakikipag away naman gawa ng matanda na, tas minsan iiyak si baby , pag nasaktuhan nya at may nakita syang bote, isusubo kay baby kahit walang laman huhuhu e di kinakabag ang baby,tas minsan pag may kausap sya dto na kapitbahay may linya akong naririnig minsab na wala naman daw atang nadedede sa suso ko kaya sge daw iyak ng anak ko minsan, kahit meron nadin naman ngaun,noon kasi wala at kakarampot, at sinasanay ko dn daw sa buhat,kesyo noon daw sya nd nya ginanun mga anak nya, masakit nga talaga marinig un pakiramdam ko nanlilit ako bilang mommy.

kaya nga po. parang hindi nya ako binibigyan ng karapatan maging ina sa anak ko kasi gusto sya nasusunod. minsan pag napasyal sya sa bahay lumalayo ako kasi pag umiyak panihurado d ako tatantanan patemplahin. nung sinabihan ng asawa ko wsabi wag mo nga ako tinuturuan sabi nya. kala mo naman makakasama sa bata yung mga sinasabi namin eh di nya napapansin yang ginagawa nya mas lalo napapasama ang bata. si mama ko nga sabi saken hindi tiwala pag mil ko lang nag aalaga sa bata kasi kawawa tlga sya sabi.

Super Mum

mommy kwawa po si baby pag pinainom ng sobrang milk kasi pwede mapunta sa lungs ang sobrang gatas. Yan ang dniscuss namin ng hubby ko nung una kasi gusto nya every iyak salpak ng dede si baby kahit nagsusuka na sa sobrang busog at may time na sa sobrang pagpapadede ng daddy nya eh nagsuka lumabas sa ilong hanggang sa nag away kme kasi ang advice sa hospital is 2oz every 2 hrs daw eh ang pnapadede ng hubby ko 2oz every hour hanggang sa nagsusuka na si lo ko pag pnipigilan ko sya sinasabhan nya ako na ok lng yan para lagi syang busog.. until dmating ang time na mgpacheck up si baby tnanong ko sa pedia sa harap mismo ni hubby and yun nga wag na wag daw ipainom ng sobrang gatas dpat sundin ang oras ng inom since that time eh sumusnod na si mister sa sinasabi ko bowt sa pagpapadede kay lo. I think your mother in law should be aware of this kasi napakadelikado pa ng baby.

hehe actually sis mgstop n dn ako mlpit n ksi lumabas si baby

relate much ganyan na ganyan step mom at tiyahin ng hubby q khit busog na pipilitin pari pa dedehin tpos pg nag suka ako ung awang awa sasabihin nila normal lng dw tpos d pa pwede pkainin susubuan nila ng kong ano2 kya iyak aq ng iyak sa asawa q pinilit kong bumukod kmi dhil kong mg kasakit ang bata d nman cla natulong mg alaga..tpos ginagawa nilang laruan anak ko pinapadede nila sa knilang boobs kya lagi kinakabag anak ko nun ang dudugyot.. tpos ung tiyahin naninigarilyo tpos hahalik sa anak q kya cguro my hika anak q dhil sa ginagawa nila pg pinag sasabihan nmin magagalit kesyo npaka silan dw nming mg asawa jusko baby un mabilis kapitan ng sakit..buti nlang ngaun bumukod na kmi wala ng nangingialam na madtrasta..

tama ka jan hindi sila nag iisip matatanda na walang pinagkatandaan kaya ako nasasagot ko talaga eh di balu na masabihan ako bastos dgil ako nanay ako nakakaalam di ko ipapahamak anak ko kung kmi ngang mismong nanay di mahalikan anak nmen tpos dya nauna pa siya at lagi gngawa nag aaway pa kami ng asawa ko dahil nagagalit d ko daw pag sabihan eh kaso makulit tlga dko nlang pnapunta samin di bali ng magalit

hay monster in law tlga.. ako nga ung baby 2mos plang baby ko nun naiyak anak ko parang wla sila nariring mahimbing mga tulog nila pero kapag nsa mood anak ko kinukuha nila sken at nilalaro kpag naiyak ibabalik sken.. ang malupit pa nun kpag hindi ko mapatahan kasalanan ko p bkiy naiyak anak ko.. minsan naiyak baby ko dahil sa init kc summer un gusto nila magjacket baby ko baka daw nilalamig.. naiinisa na ako.. tapos panay parinig pa.. kpag sinagot mo ikaw pa bastos.. ako nanay alangan pabayaan ko o gumawa ako ng ikapapahamak ng anak ko.. kakagigil .

super agree ako jan sis! alangan ipahamak ko anak ko. tsaka ang ayaw ko din yung pag tulog ginigising para maglaro. syempre natural lang sa newborn ang tulog ng tulog kasi nagpapalaki pa yan. ending di natigil sa iyak tpos sasabihin gutom kaya dpt daw padedehin eh mas mabigat, ang fm kesa bm eh. tpos pag ang sarap ng mood ng bata tahimik gusto naman patulugin, alam mo gusto nila gawin sis? pagatasin para matulog. sino d maiirita nyan? ako pa sinabihan na dpt dW pag umiyak templahan na agad. in the first place hindi iiyak yan kung di nila inistorbo e

relate ganyan din ang mil ko, konting iyak gutom daw, pero sumasagot talaga ako kc di nman siya mahirapan pag naover fed ang baby and naranasan ko na parang fountain yung suka ng baby ko.. ang ginawa ko momsh sinama ko sya sa check up and harap harapan ask sa pedia time intervals ng feeding and ano magiging effect kapag sobra ang napadede kay baby, simula non di n nya sinasabi na gutom once naiyak.. nakakainis kc parang ang dating ginugutom ko un anak ko pag magsalita kaya para maniwala sya sinama ko sa check up ni baby..

naku sis waepek sya ganyan na ganyan ginawa ko. tinanong ko ilang oz pati interval. tapos nataon pa na nalungad sya. ayun galit na galit si pedia nya. yan ang nangyayare pag overfeed nag ooverflow na hindi lang bata ang nahihirapan pati kayo na din sabi nya tlgang ang lakas pa ng boses. pero wala pa din ginagawa pa din. 2mos na ngaun anak ko pero pag pinapatempla nya ako dko tlga ginagawa kasi nakabantay ako sa oras ng dede nya. tapos kakausapin ang bata ayaw ko daw kasi sya padedehin. inaalala ko pano pag lumaki ang bata tapos ganyan gawin? edi parang sinisiraan ako sa anak ko bwisit tlga. sorry na dko mapigil inis na inis tlga ako. kakagaling lang kasi nya dito ganun na naman kasi ginawa. di nya kasi icheck diaper nya puro gatas bukambibig. nung napalitan ko na tumigil naman. inaagaw kasi ung bata d naman alam patahanin.

relate much! nakaraan lang ganyan din ung tatay nung patner ko. pinapadede ko saken ung baby ko pero umiiyak paren. aba sabihan ba naman ako ng "wala naman ata nadede di nalang timplahan ng gatas" grabe sakit sa feelings nun hirap kaya magpabreastfeed tapos ganun. tsaka papadedehin ko ba saken kung wala nadede nakakainis. sinumbong ko nga sa patner ko ayun pinagsabihan nya. ung tatay kasi ng patner ko ung nabili ng gatas kaya gusto nya kada iyak timpla ng gatas di naman pwed un kailangan nya pareng dumede saken..

akala kasi cguro nila sis pinagdadamutan natin o tinitipid mga anak ntin. di nila maintindihan na d lang tlga pwede.

Hi! parehas tayo mamsh, Preemie un baby ko, buti inallow na kayo mg 3oz ng pedia nga.kasi sakin 2 oz plng in every 3hrs kasi grabe un GERD ng baby ko eh, dpa fully developed kasi...Educate mo din un MIL mo in a nice way kasi pra nmn kay baby eh, same lng kayo ng goal na mging okey si baby, iexplain mo maigi na iba un case ni baby, d dpt inooverfed at bka lumaki nmn ng lumaki un tyan lalo pg d napapaburp after feeding,si baby kawawa, preemie babies need yan extra special care mamsh.

ang hirap nga ng ganyan Mamsh, closed minded na byenan, basta stick ka lang sa kung ano mkakabuti kay baby.kapanganan muna nya mamsh kht mglt na satin ang byenan kasi d nmn sila gagastos at mamromroblema pg ngkasakit babies ntin eh.

Ganyan din po ako sender. Noong nandito yung mother in law ko sa amin pag umiiyak yung baby ko ng madaling araw sinasabihan ako na padedein mo kahit kakatapos lang.. Syempre as a mom alam mo kung ayaw na mag dede ng baby mo o gusto pa tapos pinipilit nya na padedehen mo kasi gutom yan kahit na minsan nasusuka nalang nya sa sobrang busog eyyn kaya inis na inis ako kasi puro lang sabi ng sabi wala nman ginagawa para mapatahan man lang ang apo nya 😖

kaya nga po eh. porket d alam mapatahan isasangga nya yung gatas para tumigil ang bata lungad naman ng lungad. sinama ko nga sa check up eh. pero useless dn pala kasi ginagawa pa din. pag umiyak natataranta na sila. pilit ng pilit templahan ko. dko tlga sinusunod. pero ayaw tlga tumigil sa kakapilit templahan ko. minsan tukoy sa hubby ko na nabubunton inis ko sa nanay nya. naiintindihan naman ni hubby pinaghuhugutan ko kasi maski sya inis sa gawa ng nanay nya, ilang beses na rin nya pinagsabihan pero walang epekto. minsan nga ako pa pinagsabihan sabi pag umiyak templahan ko daw agad. sinagot ko sya ng mahinahon na di nga pwede sabi ng pedia nya pero hala sige pa rin sa pilit kaya d na ako nagsalita.

kawawa nman po si lo naooverfed. Hnd lang nman gutom ang dhilan ng pagiyak ng baby. Minsan my kabag, minsan hnd comfortable, minsan my poops or basa ang lampen. Minsan ipapaburf. Sana po kausapin ng hubby mo si MIL. at maexplain na mali yon. And nagkakaron din po ng effect yung hnd nkakatulog kapag inaantok. Nauudlot ang paglaki.Sbhin nyo nlng po na hnd nman para sainyo yun para sa baby. Sbhin nyo nlng na pagmalaki na saka na po laruin ng husto.

kaya nga po. ilang beses na namin yun pinagsasabihan. pati na rin ate ng hubby ko wala pa din. kahit nga po pedia d pinakinggan kahit halos mabingi na kami sa galit ni pedia nung nalaman na ganun ginagawa eh. ayaw nya kasi tinuturuan

ganyan din experience ko mamsh pero di sa inlaws ko kundi sa mismong mama ko. ang ginawa ko since palagi na kaming nag babangayan ng mama ko kahit di pa ko ngka baby. pina prangkahan ko nalang siya. sa case mo kasi inlaws dapat yung husband mo talaga magpapa intindi, pero sabi mo ayaw naman makinig. ang gawin mo nalang taguin mo nalang ang dede para kung hihingi ang inlaw mo nasa sayo kung bibigyan mo o hindi hahahahaj

hindi ko tinatago sis pero hindi ko din tetemplahan. hahaha. bahala sila magngawa ng ngawa kahit rindi na ako dedma na lang. sasabihin ko lang d pwede ayaw ni pedia. pag nmilit pa rin. d ako magsasalita.😁

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan