Fighting off a narcissist

I had this private relationship for over 2 years. Private kase working ako at graduating palang sya ng college. Oo alam ko may mali din ako, bakit ko pinatulan. May nauna na din syang anak sa pagkabinata. Tanggap ko naman yun simula umpisa, binibilhan ko pa ng regalo yung bata every birthday at special holidays. Pati yung bf ko nireregaluhan ko din during special occasions. Kahit wala akong natatanggap in return okay lang kase alam ko naman na yung anak nya ang priority nya. Fast forward January 2021, unexpectedly na terminate ako sa trabaho kase hindi ko natapos masters degree ko in time, kase finocus ko lahat ng oras ko sa kanya. Pagka graduate nya hatid sundo ko pa sya sa mga inaapplyan nyang mga agency, ako na din nagbabayad lahat kase nakikita ko naman na desidido sya na magsumikap, so ako bilang gf supportive. Pero nagtataka ako, bakit hanggang ngayon, matapos ko hintayin na makagraduate sya hindi pa rin nya ako maipakilala sa bahay nila. Pero kibit balikat na lang muna, priority ang makahanap ng work. February 2021, nastroke lolo namin, bed ridden na. Since ako yung walang work ako yung naging primary caregiver nya, magpapakain, magpapaligo, magpapalit ng diaper, lahat lahat. At the same time kung saan saan na ako sumusubok magapply, interview and all pero hindi pa rin pinapalad. Sa sobrang stress ko, sa ilalim ng bote ng san mig ko na lang nahahanap ang stress relief. March 2021 nagkawork na bf ko, 1 hour away sa amin. Pero ganunpaman ako pumupunta sa kanya kase madalang na lang kami magkita,, nagtataka din ako tuwing umuuwi sya dito sa lugar namin hindi man lang nagpapakita eh anlapit lapit ko na nga lang, hindi rin nagtetext or message, eh day off naman nya. Pero sige okay lang. Before the month end, nalaman ko na buntis na pala ako. I informed him pero ang masakit, kasalanan ko daw lahat. Bakit ko daw ginugulo buhay nya. Bakit ko daw sya pinipikot. Pinagmumura pa ako at hindi daw nya papanindigan itong dinadala ko. Nalaman ko na bumalik pala sya dun sa ex nya, iba pa yun dun sa unang nabuntis nya. Matapos lahat ng sakripisyo ko, lahat na lang binigay ko na, nakalimutan ko na nga sarili ko para sa kanya, ako pa ang may mali? Naglakas loob na ak9ng sabihin sa pamilya ko sitwasyun ko kase hindi ko kaya to ng magisa lalo at wala akong trabaho, wala din naman gusto maghire ng buntis. Ilang beses sinubukan ng pamilya ko na kausapin side nila in a diplomatic way, pero kupal tong demonyo, anlakas pa ng loob nya na hamunin ang tatay ko. Sa sobrang galit ng pamilya ko, tinulungan nila ako magfile ng criminal case sa kanya. VAWC psychological abuse, dahil na din sa mga pinagsasabi nya sa akin na hindi makatao. Naisampa na ang kaso. Inaantay na lang next move ng piskal office. Ginawa ko po ito para mabigyang katarungan mga pangaabuso na naranasan ko, ininsulto din nya ng harapan ang mga magulang ko, at para matigil na din sya sa pambibiktima pa ng ibang babae.. Aanakan nya tapos pag wala na syang mahuthut na pera saka nya iiwan. Aantayin pa ba natin na may pangatlo ata pang-apat pa na biktima? Hanggang ngayon yung unang anak nya hindi nya sinusustentuhan tapos kung makapagpost sya ng my day ang mamahal ng date nila nung asukal de mama nya, ni piso walang maibigay sa mga anak. Sana po makamit ang hustisya. Sana po hindi mabasura ang kaso. Tulungan nyo po ako ipagdasal mga momsh. Sana din po lumaki ng maayos ang anak ko. 3 months ang counting. #pleasehelp #advicepls #1stimemom

2 Các câu trả lời

TapFluencer

kaya mu yan sis pakatatag ka lng para sa anak mu wag ma stress dahil buntis ka may mga lalaki talagang ganyan manggagamit porket mahal natin sila inaabuso na haisst nakakagigil yang ganyan ,,,pray lng lage kai lord walang imposible sa kanya 🙏🙏🙏😊

praying for you momsh

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan