I gave birth last June 18 via ECS. Check up ko lang sana nung June 17. I was diagnosed with gestational hypertension nung 7months ang tyan ko. Pero ayaw ng ob ko ics ako kahit sinuggest na ng mommy ko kase di mamaintain bp ko. Kaya ko daw inormal. Nung araw mismo ng check up sabi nya iadmit na daw ako para ibaba bp then induce labor if okay na. Umokay ako excited pa nga kase gusto ko na talaga makita si baby at magwoworry na din ako sa bp ko. Nung nasa ER na ininjectan ako ng MgSO4 at kung anu ano pa plus catheter. Grabe sobrang sakit pero sabi ko kaya ko to. After naman magiging okay na. Tiis tiis ako. Inadmit ako sa labor room for monitoring. Nung gabi nafeel ko parang may lumabas sakin sabi ko sa nurse icheck nila pumutok na pala panubigan ko tapos tanggal pa catheter. Nung umaga na for induce labor na ako saksak dito saksak dun ng pampahilab. Kaya ko yung pain kaso may dugo daw ihi ko. Bumibigay na daw kidney ko. Need na daw ako ics kase baka di ko kayanin if ipipilit na inormal. 4pm for cs ako. 4:31pm nailabas na si baby. Normal lahat sa awa ng dyos. 😍 Kahit gaano kahirap pinagdaanan ko sobrang worth it nung nakita ko na si baby.