Post Partum Depression
I just gave birth on August 21. At first, normal feeling of happiness kasi we've waited for so long na magkababy but as days pass by, nakakaramdam ako ng extreme sadness to the point na everyday and every night akong umiiyak. I'm paranoid of things around me sa mga nababasa ko sa facebook about sudden loss of people. Ayoko po ng tahimik sobrang lungkot ng nararamdaman ko mabuti hindi kami sa subdivision nakatira at medyo maingay sa labas namin. Lagi kong naiisip na ang bilis ng araw, na iiwan din ako ng mga tao around me o baka ako mangiwan sa kanila. Ganun ka paranoid. Tapos yung feeling na parang laging kinakabahan ako na baka family member ko naman magkasakit ganun. Super hirap po tapos ung baby ko iniisip ko ang bilis niya lang lalaki. Even my pets iniiyakan ko na baka iwan din ako at wala na kong time sa kanila. I'm also feeling self pity kasi di ako makapagbreastfeed kay baby. Ano pong magandang gawin? Lagi naman po akong kinocomfort ng husband ko, kinakausap niya ko, pinapatahan. Please help me sobrang nahihirapan na po ako.
Excited to become a mum