I feel sad. And I am losing confidence on myself. Minsan naiisip ko nalang, kung pwede lang ako bumalik hindi ko hahayaan na mabuntis ako agad. Nagnenegative ako. On the other side, iniisip ko nalang na God has reason kung bat nya to binigay. A blessing. Maswerte pa den ako na d ako dinudugo or sobrang selan ng pagbubuntis na kelangan total bedrest talaga tas mas napapagastos dahil anytime pede malalaglag yung bata. Kelangan ingatan. Makapit sa baby. Kaso kapag buntis talaga d maiwasan yung di magaganda na naiisip at emosyonal. Maraming sana, na ginawa at d ko dapat ginawa. This is consequence of our past actions. Nagsosorry ako kay baby kase d pa kame handa ng tatay nya. Sana kung ready kame mas mabibigay namen yung needs nya. At kung nakaplano to sana hindi kame nahihirapan ng ganito. Wala namn ako magawa. Gusto ko magwork pero wala naman tatanggap basta dito saten lalo kung buntis. At pag lumabas na tong bata na to d pa den naman agad pwede magtrabaho kase kelangan alagaan at walang iba magaalaga. Wla na den yung ipon ko naubos na. Regrets. Sensya na gusto ko lang ilabas. Mahirap talaga pag kinakain nan negative at wala kang masabihan o walang makausap at walang nadamay sayo. Having a baby is difficult yet at the same time fulfilling. I hope malampasan namen lahat to.