I exclusively breastfed my baby for 1.5 months. On his Pedia's checkup, ang liit lang ng na-gain ni baby na weight and Pedia's advice is to mixed feed. Is it true na di nabubusog ang baby ko sa milk ko? Or talagang konti lang ang milk ko? Im taking natalac/mega malunggay, lagi naman kami nagsasabaw, natry ko na rin ang malunggay coffee/choco. Im scared na baka lalong humina since mixed feeding na sya. I feel somehow "guilty" na i cant produce enough for my baby. Sinasabi lagi ng lola ko na di nabubusog sakin si baby. Hindi sya satisfied and it hurts.? My LO is now 2 months old and I dont want to give up breastfeeding him. What should I do to increase my milk supply? Kapag night po sakin lang dumedede si baby. No formula at night time. Pag day time naman minsan after nya mag formula hinahanap pa rin nya ung pagdede sakin. Pls share your thoughts and advice mommies. Thank you. FTM here.