Nawala mama ko July 2021tapos nabuntis po ako october 2021. 4 months na ako nun nung namatay din papa ko last feb 2022 lang. Napakahirap po talaga ng walang guide ng mga magulang, maswerte padin ako kasi may mga kapatid ako na tanggap ang pagbubuntis ko, kahit na di kami kasal ng partner ko. (Kasal kasi partner ko sa unang asawa pero hiwalay, may 2 silang anak) Maswerte din ako sa partner ko kasi kinausap nya yung mga kapatid ko despite of our situation. Thankful padin ako sis kasi tinutulungan naman ako ng mga kapatid ko, tsaka support na din mga friends ang co workers.