Condolence sis😭😭
totoo hindi biro ang preeclampsia..
same case tayo, na preeclampsia din ako sa panganay ko, actually normal lahat sakin kht sa simula palang ng pagbubuntis ko...
one day 38 weeks and 6 days na tummy ko may discharge ako na parang tubig pero no pain...
3pm non, saglit na saglit lang sya hindi sya tuloy tuloy na buhos... after nun 5pm nagpadala na ko sa hospital no pain pa din, pag dating ko ng hospital pinagalitan ako ng nag asist sakin na kesyo tuyo na daw panubigan ko, na delikado na ang baby ko, na surely CS ako g na g tlga sya sakin that time, pinalipat nya kami sa provincial hospital dahil hindi daw nila kaya case ko... buong byahe iyak ako ng iyak, kasi sino ba namang hindi matatakot kpag sinabihan ka na delikado na ang baby mo dahil sayo....
pagdating namin sa ospital inasist agad kami mabait yung oby na nag check up sakin sabi nya hindi pa daw ako manganganak buong buo pa daw yung panubigan ko, pero iinduce na nika ko dahil tumaas ang bp ko at mild preeclamsia na nga din ang case ko... sobrang daming hirap na dinanas ko ang daming tusok dahil na din sa taas baba ang bp ko, binigyan nila ko 24 hrs para maglabor at mainormal si baby...
8pm nasa labor room na ko, at dahil public hospital ang daming mommy na nanganganak... as in live akong nanonood... nung nagstart na ko maglabor nun ko naranasan yung sakit nakakaiyak wala kang kasamang kakilala ikaw lang may masusungit na nurse at doctor... 10:30am nun na lumabas si baby, akala ko mamamatay na tlga ko that time sobrang swerte ko kasi nilabas ko ng sobrang healthy si baby, exact 39weeks sya that day... 4kgs normal delivery...
pero hindi pa din kami nilabas ng Er dahil dinudugo ako at under observation 24 hrs akong walang tulog walang tubig walang kain... ang daming injections every 2hrs sa pigi, naka catheter malaki din tahi ko hangang sa butas ng pwet palaging iE kht nakalabas na si baby...
don ko tlga na realize na ang hirap ng case ko pero thankfull ako ok baby ko... ako nalang mag hirap wag lang sya... may 5, 8pm nung huli akong nakita ng asawa ko, may 6 10:30am ko naipanganak si baby... 12am may 7 nung nilabas ako at dinala ng ward at nun lang kami nakita ni hubby...
hindi tlga biro ang preeclampsia before and after manganak yung hirap kasi after ko manganak continues pa din yung napakasakit na injection sa pigi every 2 or 3 hrs...
sobrang swerte ko nalang din kasi full term na si baby that time...
ngayon 4yrs old na si baby boy ko...
at buntis ako sa 2nd baby ko 37 weeks and 4days, natuto na ko kaya sinigurado ko na yung pag papaanakan ko... hindi na din ako nag pacheck up pa sa center(sila yung nagdala sakin at nagrekomenda sa unang ospital na pinuntahan ko)
jonalyn macasiray