Am I thinking right or im just paranoid?

My husband has his long time bestfriend. Girl Bestfriend since High school. So bago ako, meron ng sila. I have already met this girl. Sobrang sweet nya, clingy, mabait at maaalalahanin. Naging close kami ni girl simula nung magboyfriend/girlfriend palang kami ni hubby. They're really close to each other. They even say iloveyou's, sending sweet messages something na kapag di mo sila kilala, magiisip ka na baka in a relationship sila. Bago pa ako, one call away na nya si husband. Nagpapasundo sya kahit na malayo, kapag lasing, kapag tinatamad bumyahe everything. Even pagpapabili ng pagkain kapag gutom sya in the middle of thw night (btw mejo malayo bahay nila samin pero may motor kase si husband) kapag miss nya si husband pinapapunta nya sakanila. Sinasama naman ako ni husband before nung di pa kami kasal at sumasama naman ako since close na nga kami pero after i got married, parang iba na pakiramdam ko. Nasasaktan na ako. Naiinggit na ako. Nagtatampo ako. Close kami ng babae pero naiinggit ako. Nagseselos ako. Bakit parang hindi sya makahindi sa bestfriend nya. Bakit lahat ng favor nasa bestfriend nya. Kapag malungkot sya, pinapapunta nya si hubby sa bahay nila just to talk kahit kakagaling lang ni husband sa work. Ayoko magisip ng di maganda pero nasasaktan ako. Naiinggit ako. At ngayon nga ayon, nagpasundo nanaman sya kase daw lasing sya. He asked me naman kung pwede nya sunduin pero sino ba naman ako para humindi diba? Sabi ko nalang bahala sya. What should i do :(

8 Các câu trả lời

May magagawa ka sis kasi asawa ka eh at kapag pamilyado kana automatically ang priority mo na dapat ay yung asawa at anak mo. Mas dapat nyang unahin yung nafe-feel mo kesa sa best friend nya. Tsaka wala bang ibang pwedeng matawag yang kaibigan nyang babae para yung asawa mo pa yung lagi nyang tatawagin kapag need nya? For me, napaka uncomfortable ng ganyang situation. Better na sabihin mo na agad yung nafe-feel mo kesa lumala pa. Buti natagalan mo yung ganyan sila ka-clingy sa isa't-isa, parang ako kasi nababastusan na ko sa ganon. Given na best friends pero pamilyado na nga e. Dpat may limitations din.

Kausapin mo sya moms, kaht sinu naman mg iicp ng d maganda..hubby ko nga Walang best friend o close friend n babae..kc alam.nyang ayaw ko.. Alam nya dn ang papel nya bilang asawa...anu pang silbi ng asawa nya kong my best friend sya n gnun trato nla sa isat isa.. Kausapn m ng masinsinan..na ganun na pkiramdam mo na iba ung nuon na bfgf plnv kau ngaun n mg asawa kau..dpt mas ikaw ang priority kysa sa best friend nya..lalo pg ngpapasundo ng lasing..bka my ng aaminan ng feelings na hnd mo po alam ..

Habang maaga pa po..kausapin m dbhn m ung mga ayaw mo tapos dpt alam ni hubby mo ang limitation nya kc pamilyado n sya..kaht pa best friend nya un..simula nung kinasal sya sau dpt ikaw lng ang best friend nya..wag m na po pahantungin sa hnd magandang mangyari..lalot madalas sla mgkasama

Kausapin mo sila both, need nila mag set ng boundaries lalo at mag-asawa na kayo. Dapat di lahat ng oras pagbibigyan siya ng husband mo. Ako kasi may long time best friend din ako na guy since HS. Pero di kami ganyan, pero paglalabas kami, wala kontra hubby ko. Kahit whole day pa yan. Basta alam niya yung lakad namin. Pero now, puro usap na lang kami since both kami may family na.

May karapatan ka na po sa kanya na pagbawalan sya... Please ayusin niyo po agad yan nararamdam niyo kasi pagmumulan yan ng misunderstading sa inyong magasawa. Worst baka magkahiwalayan pa dahil sa ganyang issue.

Masakit nga yang ganyan. Ganyan din ang hubby ko sa kanyang bestfriend /ex. One time sinabi ko sa kanya nararamdaman ko pero nag away lang kami. Kaya ngaun hinahyaan ko sya. Di ko nalang sya kinakausp pag ganun

VIP Member

Iba na pag me asawa sis, ako me boybestfriend din ako dati pero ng magkaasawa na me boundary na at limitations. Isa pa, dapat asawa na natin ang bestfriend natin.

VIP Member

Sana humindi ka po. Sabihin nyo po sa husband nya kung ano nafifeel nyo.

He should know his limitations na kase pamilyado na po.

Câu hỏi phổ biến