Nangyari sakin naman, yung ex ko after ko manganak chat din ng chat. May asawa at anak na siya. Sinabi ko din sa asawa ko na chat ng chat. Iniignore lang namin. E kaso makulit, nireplay-an ko na. Di naman talaga kami in good terms, kasi college palang kami, nalaman kong after namin magbreak gusto makipagbalikan, e kaso ginawa para lang sa pustahan. Gago e. Kaya talagang di kami okay, kaya iritang irita din ako nung message ng message. Tinanong ko talaga siya kung anong pakay niya, kasi ilang taon na di kami naguusap, at kako di naman kami okay. Para saan? Saka sinabihan ko, may asawa at anak ka, baka mamaya ako pa mapasama kung malaman ng asawa mong chat ka ng chat. Isipin mo muna peedeng maramdaman ng asawa mo kung malaman niyang minimessage mo ko, lalot ibang account gamit gamit niya at hindi yung talagang fb niya. Nagpasalamat ako sa pangungumusta niya pero kako, wag na siya uli magchachat. Di na niya kailangan malaman kung kamusta kami ng baby ko. After nun binlock ko siya at di naman na uli nagparamdam. Minsan kailangan mo talagang prangkahin para tumigil.