Bet niyo bang mag-enjoy mag-shopping sa H&M mga mommies?
Manalo ng P3,000 worth gift card sa H&M when you join the giveaway link below! https://community.theasianparent.com/contest/mommy-glow-up/2314?lng=ph

Noon, nung wala pa akong,kaming anak,panay ang bili ko ng mga healthy products para sa akin, natakbo rin ako ng 3-5km tuwing weekends at kung maaga ang uwi galing sa trabaho,sa hapon. Sumasama ako kay mama sa pag zuzumba tuwing sabado at lagi akong masaya sa aking ginagawa. Simula nung nabuntis ako nabago lahat,totoo yung medyo tatamarin ka na maligo minsan, di ka na nakakapagsuklay, di mo na nagagawa yung mga bagay na nagagawa mo noon. Bilang FTM,talagang ang pokus ko,namin ng asawa ko ay si baby, mula sa pagkain,inumin sa galaw lahat sa kapakanan ni baby sa tiyan ko para maging healthy siya pagkalabas . Nung nanganak na ko at na cs sobrang hirap kumilos pero worth it naman. At habang dumadagdag ang weeks ni baby napapansin ko na iba na rin talaga ang katawan ko,hindi na maibabalik sa dati ika nga ng iba. Pero na realize ko na kaya ko pang ibalik kahit kaunti,kakayanin ko dahil lumalaki na si baby alam kong matututunan din niya pano mahalin ang sarili kung nakikita niya mismo sa akin o sa aming mga magulang niya. Bilang ina mahalaga na pangalagaan parin ang sarili at mahalin parin ang sarili dahil sa atin magsisimula ang ilaw, ang liwanag ng pamilya. Bigyan ng oras ang sarili,umiwas sa stress,kumain ng masusustansiyang pagkain, laging makipaglaro sa anak,makipag usap sa mga kaibigan,lumabas kasama ang pamilya,i enjoy ang journey ng pagkakaroon ng pamilya l,magtulungan ang mag-asawa at higit sa lahat punuin ng pagmamahal ang isa't isa.
Đọc thêm
Family is ❤ love