Depende po sa establishment na panganganakan nyo. Kapag po lying in, mahal na po yung 15k. Kapag naman po sa hospital, minsan umaabot ng 80k, wala pang complications yun. Medyo nagmahalan na kasi ngayon sa hospital kasi madalas sa kanila, hindi na natanggap sa ward. Puro private or semi-private dahil sa virus at additional fees na rin para sa mga PPE na gagamitin kapag inassist ka na nila sa panganganak. Better to inquire directly po sa panganganakan nyo :)
Depende po sa hospital. Usually nagrerange ng 20-50k sa private hospital depende rin sa rooms, and other need niyo ni baby. Sa mga lying in naman nagrerange ng 4-8k. Makaka less ka rin kung may philhealth. Plus expect na mas mahal ngayon manganak sa private hospital kasi required magpatest, may bayad ang magagamit na N95 masks ng mga doctors and also PPE. 😊
Sarah Casiao