52 Các câu trả lời
Ako nga e 18 y/o ako ngayon natatakot na since nung june pa ko di nagkakaroon pero nag pt na ko nung august before mag start ang pasukan since august start pasukan namin and malabo kasi yung isang line kaya panatag ako na wala yun rin sabi ng pinsan ko na baka tulad lang sakanya na 6months di nagkaroon so nagpaenrol parin ako and pumasok.Single mom si mama ofw siya for 5 years na wala si Mam and nalaman namin na di na muna siya pwede bumalik kasi may sakit siya sobrang hirap talaga binenta ko pa phone ko sa kagustuhang makatulong and tinutulungan rin ako ng mga tito and tita ko. Sept na wala parin akong dalaw di na rin maganda performance ko sa school di ko talaga inexpect na buntis na ko kasi namamayat ako dahil na rin sa di nakakakain ng maayos. Oct nag pt ulit ako positive siya di ko alam pano sasabihin so nagpacheck up ako kasi may gumagalaw na sa tummy ko 5months na si Baby ang unang sinabi sakin ng nurse "ituloy mo ha". Di ko tanggap kasi grade 12 na ko tapos first graduation ko sana na meron si Mama kaso ganito pa. Gusto nilang ituloy ko pag aaral pero alam kong dina kakayanin since privat school yun kaya nag stop na ko . Masasakit na salita natanggap kon, chismis dito chismis doon ang masakit kamag anak ko pa mismo araw - araw na puro iyak nakakulong lang ako sa kwarto and then after how many weeks bumabalik na lahat sa normal . Ngayon 6 months na tummy ko tanggap na nila lalo na si Mama sobrang swerte ko dahil never akong nakatanggap ng kung anong salita kay Mama she's the best mom. Kaya mo yan sis sabihin mo na sakanila ganyan talaga sa una natural lang na masaktan sila wag mong isipin mga tao sa paligid ang isipin mo yang blessings na binigay ni God di pa naman huli para makatapos e binigyan lang tayo ni God ng isa pang inspiration para mas maging matatag😘❤️
kaka 19 ko lang din nung nabuntis ako, may bday ko dinatnan pa ako nung month na yun, tapos sa June di na ako dinatnan, preggy na pala. Sobrang nakakakaba nung nag confess na ako, di pa ako nakapag pt nun pero feel na feel ko talaga na preggy ako, bukod kasi sa may nangyari nga samin ng bf ko nun (na husband ko na ngayon) , May nag iba talaga, weird na nag iba pangangamoy ko sa ibang bagay,. So ayun nag confess ako sa Mama ko muna, pero di ako makatingin ng diretso , sabi ko nalang na di ako dinatnan, pero di ko sinabi na baka buntis ako kasi nga di pa nag pt,. So ayun sabi nya may nangyari ba samin ni jowa, nag nod nalang ako, sabi ni mama Buntis daw ako. Hahahaa matic😅😅 Ganun lang reaksyon nya, di nagalit , pero alam ko deep inside nadidisappoint sya, lalo na c papa nung sinabi ni mama sa kanya, di galit yung reaksyon nila pero alam na alam ko disappointed talaga sila kasi bata pa ako. Pero wala naman daw magagawa kasi nandyan na, wala namang kasalanan yung bata., 17 lang din ako nung gumraduate ako ng Associate College. Nadidismaya din sila kasi mama ko 24 nung nabuntis, tapos mga ate ko mga 29 or 30 nung nag asawa at nabuntis. Ako lang yung lumiko,. 19 nga lang pero may magandang kinahinatnan naman, So ayun 1 yr & 8 mos. na baby ko, 21 na din ako. Accept sis, mag confess ka agad sa parents mo, nakakagaan ng loob yung masabi mo lalo na preggy ka, dapat di mabigat loob mo. Nasasagap yan ng baby sa loob . ,Oo nakakakaba pero nakakagaan pag nasabi mo na, Magalit man sila o hindi, Importante nasabi mo,. GoodLuck😊
Best solution sabihin sa parents. Kaka 20 ko lang last week kakaamin ko lang din before ako mag birthday. College student din ako magastos yung course ko tsaka mahirap kaya napaka big dissapointment at failure ko. Sobrang iyak ko lagi. Na dedepress ako kung ano ano pumapasok sa isip ko wala akong mapagsabihan. Strikto parents ko , expect na natin na magagalit sila normal reaction naman ng magulang yun. Nasa abroad pa mama ko tapos natatakot ako sa papa ko kasi nakakatakot sya magalit. Ayoko dapat sabihin . Pero in the end of the day umamin pa din ako. Humanap ako ng tyempo mama ko muna sinabihan ko. As expected kung ano anong masasakit narinig ko. After 3days tumawag yung tita ko sa abroad din , umamin daw mama ko sa kanya. Sinabihan nya ko ng be strong lang para sa baby nakausap ko na mama mo , okay na sya. Simula nun kinakausap na ko ni mama ng mahinahon. Tanggap na nya. After 2days umamin din ako sa papa ko. Tanggap naman na nya kasi tumawag na din tita ko sa kanya. Ang masakit pa nga ayaw nila sa tatay ng baby ko e. Gusto pa din nila kami paghiwalayin kahit may baby na kami. Pero as of now okay sya sa family ko. Pag may gut feeling ka na sabihin mo na. Face your fears, be prepared be strong for your baby. Kaya mo yan. The best way is malaman ng parents mo. Walang ibang tutulong sayo kundi sila. Tanggapin mo lang lahat ng sasabihin nila kasi alam mo namang nagkamali ka talaga. Pero anak ka pa din nila matatanggap at matatanggap ka nila. Be positive mommy! :)
Ganiyan din ako, 19 years old lang din kagaya mo since nalaman naming dalawa ng boyfriend ko na buntis ako. It's really hard at first especially kung paano ba namin sasabihin sa parents naming dalawa ng boyfriend ko lalo na sa Papa ko. It's really a tough fight for us especially for me, 'cause magse-second year pa lang ako since nalaman namin and mag-aaral pa lang ulit yung boyfriend ko for first year college (nag-stop kasi siya ng 1 year for financial problem). Sobrang hirap talaga lalo na nung una dahil itinatago-tago pa talaga namin. Lalo na, second year college na ako ngayon and already turned 20 last October 1, araw-araw akong pumapasok at araw-araw ko ding naeexperience ang mga mapanghusgang mata ng mga tao. Hehe. But then, I managed and survived kasi marami pa ring nagmamahal sa akin including my friends, family (kahit na sobrang na-dissapoint ko sila), and my boyfriend. 😊 You know what, some of my classmates admired me for being brave, dahil nakayanan ko daw pumasok sa school and it really feel so great. Kaya, laban lang. Makakaya natin 'to. Basta, don't forget to talk to HIM. He's always on our side. 😊😇 PS. Ngayon, malapit na akong manganak. Hehe. Thank God, nakayanan ko lahat dahil sa kaniya. Hehe. Sana ganun ka rin. God bless you! 😇
Ako po, 16 years old po ako nabuntis at 17 years ols ng mangank. Since pareho po kami d nakatapos ng boyfriend ko, naging supportive parents nman po mga magulang/lolo/lola/kuya/titos/titas ko. Father ko din po financially gumastos sa mga needs ko. Check up, vitamins, hosp. bill; sia po lahat nag bayad. Balak po sna nmin na center pa vaccine baby ko kasi wala nmn magandang trabaho boyfriend ko. Nag insist nmn sia na sa pedia nlng at sia rin po ang nagbabayad ng monthly vaccine ng baby ko. Ang contribution naman ng father ng anak ko, diaper, at vitamins since nag aaral po sia uli. In short po supportive nman sla kasi blessing pa dn ang baby. AND AT THE END OF THE DAY, SA PARENTS PA DIN NAMAN NATIN ANG BAGSAK NATIN. YES, NAGKAMALI TAYONG NABUNTIS TAYONG MAAGA, PERO KAHIT KELAN HINDI MAITUTURING NA MALI ANG RESULTA. AT HINDI PORKE NABUNTIS NG MAAGA, PARIWALA NA. KASI KAHIT MAY ANAK KA NA PWEDE MO PA DN TUMAPARIN NG MGA GOALS MO. ISIPIN MO NAGKAMALI KA PERO NIREGALUHAN KA PA NG DIYOS. Ps. Balak po sana namin ipalaglag dati dahil sa takot pero I realized na walang kasalanan ung baby. At blessing ito.. (My Father and his grandson–my son)
Ako kkagrad ko lang nung nbuntis ako luckily nakagraduate naman ako pero syempre wala pa akong stable na trabaho tpos may issue pa ako dun sa tatay kasi hiwalay kami. Takot na takot din ako non na umamin. Hanggang sa nilamon ako ng depression di ko na kaya inamin ko sa mama ko 2 months akong preggy nung june. Nasa manila ako sila nasa province kayaa umuwi ako agad kasi baka di ko kayanin depression ko kasi iniisip ko din na failure ako. Hanggang sa umabot nako sa almost 5 mos. Kami lang may alam ng mama ko kasi natatakot kami parehas aminin ky papa kasi matindi siya kung mgalit kaya pinbalik niya ako ng manila. Pero di na nakaya ni mama itago nasabe din niya at ang swerte ko kasi natanggap at naintindihan ni papa sitwasyon ko. Hindi mo talaga pwedeng sukatin pagmamahal ng magulang mo sayo. Siya pa mismo sumundo sakin from manila pauwi ng province. Nagpromise ako sa kanila na pagdating ng panahon makakabawi din ako sa kanila. Ngayon 34 weeks nako and alagang alaga nila ako first apo nila ako kasi panganay samin 😊
Hays pero napakasakit ng nangyare samin ng hubby ko🙁 hiwalay kami dahil nagsinungaling siya sakin may kinakasama pala siyang iba kaya minabuti ko na maghiwalay kami. Pero nalaman ng kinakasama niya na may baby narin kami kaya naghiwalay nadin sila. Currently nasa ibang bansa na si ex hubby pero di naman niya daw kami pababayaan at susuportahan padin. I still keep my distance kasi pakiramdam ko gusto niya makipag ayos na para kaming buong family pero I doubt na mangyayare yun lalo na pang Apat na panganay niya na pala to 😂😂😅 tingin ko talaga ganun na siya kaya mas better na hiwalay kami.
Nabutis ako, hind pa ako nakaka graduate noon at un din ung second chance ko sa papa ko na matatapos ko ung study ko kase nga dati huminto ako dahil nga TINAMAD ako At Ito nga na buntis ako, nag oojt ako non at hind ko sinabe sa parent ko kase nga ayoko nadisapoint sila.. ayoko na SA pangalawang pag kakataon mabroken sila .. Per believe me mas mahirap Kung idadamay mo ung baby mo sa araw araw na ginawa NG diyos ipipilit mo na paliitin ung tyan mo wag Lang nila mapuna .. Napa stressful girl pero Isa Lang na isip ko kawawa ung baby Kung idadamay ko siya .. just face it ginawa mo yan.. the more na pinapatagal mo the more na Ang daming mga evil idea Ang papasok sa utak mo .. at the end of the day anak ka at magulang ka they will understand you .. Oo masasaktan sila malulungkot pero Wala na tayong magagawa nandyan na ung angel mo, just pray na Sana kahit papano mabawasan ung sakit ng kalooban NG magulang mo Kaya mo yan .. ako nga na kaya ikaw pa Kaya :) GO GO Magiging okay Ang lahat :)
Ako namn girl nakatapos ako noon nakayanan ko .. masasabe ko talagang blessing Ang baby ko kase hind siya nagging makulit hind ako nakaranas ng morning sickness or kahit anong pag susuka, lagi ko siyang kinakausap non nong nag oojt ako na para sa amin to, na mag tulungan kame then ayon na kagradute ako noon April 26 2019 .. 6 months na nag tummy ko na hind Alam NG mga magulang ko .. actually 7 months na nalaman NG mga parents ko na buntis ako, grabe galing kase mag tago NG baby ko .. per ngayon apaka saya SA pakiramdam na Makita mo Kung gaano kamahal NG mga magulang at kapatid mo Ang baby mo to the point na parang kapatid mo na Lang ung anak mo kase ung love na binibigay sayo NG parents mo ganoon din sa baby mo. THANK YOU LORD GOD na Lang talaga masasabe mo :) :)
We're at the same situation sissy I got pregnant when I was 19 years old and I'm now 26 weeks pregnant. Syiempre at first tulad din ako sayo natatakot sabihin sa family ko that I am pregnant pero tinatagan ko loob ko na sabihin sakanila kahit na alam ko na I gave them too much disappointments. Hindi magka sundo ang bf at mom ko dahil sa mga na gawa ko in the past but in the end tinanggap padin ng mom ko ang pagbubuntis ko I know we've done mistakes but we need to try our best para maka bawe sa mga pagkakamali na nagawa natin. Tatagan mo lang ang loob mo para ma sabe mo ang problem mo sa mom mo cuz whatever happens sya ang nanjan para sayo through thick and thin. That baby is a blessing and just pray always, I hope I helped you by telling my story. God bless you sissy💕
hi, 19 ako nung nabuntis ako. kakagraduate ko lang ng 2 year course ko and nag aral ulit ako ng 4 year course kaso nagstop ako kasi nalaman ko na 12 weeks pregnant na pala ako, pero 16 weeks na nung sinabi namin ng bf ko sa parents namin. syempre nandon yung disappoinment ng parents ko pero wala na sila magagawa kasi nandiyan na eh. while pregnant ako alaga nila ako sa lahat, even yung ibang gamit ko pagkapanganak sila pa gumastos. and now 3 months na baby ko, tuwang tuwa sila. at the end of the day kahit magalit sayo parents mo at madisappoint mo sila still matatanggap ka nila. maging mabuting magulang ka nalang sa magiging anak mo para kahit papaano makita ng magulang mo na natuto ka sa maagang responsibilidad na dumating sayo ❤️
Alam ko yung feeling na yan. March galing palang akong Manila for my Laboratory subject. Tas nung april di na ako dinatnan. To think na sa june eh mag oojt ako sa isang Planta. Tapos yun nag PT ako. Nag positive. Mabuti nalang may partner ako na di ako pinabayaan harapin parents ko. Nung sinabi namin sa parents ko iba yung ineexpect ko sa naging reaction nila. Akala ko papatayin ako. Sasabunutan ako. Palalayasin ako. Pero NO. Tinanggap nila parin ako kahit na nag kamali ako. Though alam ko na na disappoint ko sila. Pero yung nanay ko talaga she make sure na di ko ma feel disappointment nila. Kasi ayaw niyang while I'm pregnant madami akong iisipin na makaka apekto sa baby.
Sana all❤
Anonymous