"Baby blues" story

How do you handle baby blues mommies? The constant mood changes, crying spells and hard to sleep. Pa share ako mga mommy. Kakaexperience ko lang nito kagabe after namin ma discharge ni baby from hospital. More than 1 week kasi kami nag stay ni baby dahil naka antibiotic siya. Kasama namin ng husband ko ang mama ko sa hospital. Umuwi kami sa bahay ng in laws ko at umuwi na rin si mama sa bahay. Naglilinis si hubby ng room namin at kalong ko si baby sa sala naghihintay at medjo fussy na rin siya kasi nag popo at di ko rin siya mapalitan kasi di pa na empake yung gamit namin at di rin ako pwede magkikilos kasi CS din ako. Nung sa kwarto na kami at nalinisan ko na rin si baby at pinatulog sige pa kami sa pageempake lalo na't di pa din naayos yung mga damit ni baby.Salit salitan din kami ni hubby lumabas ng kwarto dahil di pwede maiwan si baby na mag-isa. Nagpalinis din ako ng tahi ko sa kanya at saktong nagising din si baby kung saan kaka open lang ni hubby ng gauze. Grabeng iyak ni baby at di ko alam anu uunahin ko same sa hubby ko, binuhat niya at linagay sa tabi ko kaso di rin ako makakilos ng maayos kaya linagay ulit ni hubby sa kuna kahit iyak ng iyak yung baby namin. Mabilisang linis lang ginawa ni hubby at kinuha ko din agad si baby at pina dede at natulog na din agad. Pinauna kong kumain si hubby at ako muna naiwan ky baby. Nang nag aayos ako bigla na lang akong humagulgol, di ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Naisip ko na mahirap pala maging nanay, yung worries mo sa baby mo kahit katabi mo lang. Kahit pa sabihin nila na magpahinga ka kami na bahala di pa rin talaga nawawala yung worries mo at di ka pa rin talaga makakatulog ng maayos lalo na at nagbebreastfeed ako. Ito yung sinasabi nila na, "You can't feel it not unless you experience it". Mabuhay tayong mga nanay 😊 #firsttimemom #firstbaby #TeamNovember2022 #BabyBoy

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hugs sis. Mahirap tlaga sis maging nanay from pregnancy to breastfeeding at paglaki mahirap tlaga at maiiyak ka na lang tlaga. Pero alam mo isipin mo sis lalaki din si baby.. hnd habang buhay magpapadede ka,mag aalaga kasi lalaki din sila at magkakaroon ng pamilya. Kaya sulitin sis habang kailangan pa nila tayo kasi mabilis lang ang panahon sis. Maya tiis lang sis, wag ka din mahiya na mag ask ng help sa pamilya mo lalo of hirap ka na. Kaya mo yan, matapang at matatag tayong mga nanay. Hnd owd sumuko kasi may anak tayong kailangan tayo.

Đọc thêm
2y trước

thanks sis.. Parang nabigla kasi ako sa responsibility nung umuwi ako at di na namin kasama si mama at kami na lang mag asawa. Ang laking tulong din kasi ni mama nung nasa hospital pa kami. Dun rin nag sink in sakin na ganito pala yung feeling pag my pamilya ka na and yung mga sakripisyo na gagawin ng nanay sa anak. Naiyak din ako nun dahil naalala ko yung hirap ng mama namin samin noon. Yung kahit anong research mo iba talaga kapag nandun ka na mismo sa sitwasyon.