52 Các câu trả lời
11 years ang hinintay namin bago kami nabiyayaan ng baby ni Lord. Matinding dasal at pananalig sa Diyos. Nung 2018 nagkaroon ako ng ovarian cyst, sobrang laki nya. Akala namin taba lang dahil mahilig kami uminom ng alak. Kaso bumagsak katawan ko, then lumaki tyan ko. Naoperahan ako, natanggalan ng right ovary at right fallopian tube. Sabi ng OB ko, 50% nalang ang chance na magkababy ako. Then sobrang hirap na rin. So kami ni hubby, kahit mahirap unti unti namin tinanggap na di na kami magkakababy. Pero yung pananalig kay Lord di nawala, dinadasal pa rin naman ang himala. Si hubby, namamanata kay Poong Nazareno since bata sya. Lagi nyang sinasampa yun. June 2021, nagkaroon ulit ako ng 3cm na cyst. September 2022, di ako dinatnan pero usual na sya sakin. Madalas din kami mag-inom at nagvavape pa ako. Napaka unhealthy ng lifestyle ko. Sa office suka ako ng suka at hilong hilo, paguwi ko ng bahay bumili kami ng hubby ko ng pt just to check. Then nag positive, 2x ko inulit. Then nagpunta agad kami sa OB, binigyan ako ng prenatal record then pinainom ng folic acid. Di talaga sya nagsisink in kasi naisip ko, imposible. At posible nga talaga ang imposible. Dahil sa ultrasound 6 weeks preggy na ko. All good din ang heartbeat ni baby. Nagbago na ko ng lifestyle, kain healthy foods, rest malala and iwas stress. I'm 13 weeks pregnant, with 9cm cyst. Na sana hindi malignant para isabay nalang sa panganganak ko, kasi CS ako. Praying for your baby dust too! Believe in Him 🙏🏻😇
Hi Mii naniniwala po talaga ako na kapag ready na kayo ibibigay na ni God yan ng kusa. Way back 2020 when we decided with my partner na magkababy pagkadating nya galing sampa ng barko but nung time na dumating sya we tried many times but hndi po binigay sa amin. fast forward po every dating nya po talaga pagkababa ineexpect namin na magkababy kami, na prepressure na din po ako masyado kasi baka may problema saken or sa kanya. Pero Nung 2021 nag try ulit kami pero hndi talaga binigay siguro dapat less expectation nlng talag until nga nung Feb 2022 nagdecide kami na e enjoy nlng pagsasama muna namin kahit walang baby bsta ang importante masaya kaming nagmamahalan. Until nga saktong pagkababa nya ng April 2022 eh syempre may mangyayari talaga pero we both wala ng pake kung magkaanak pa ba kami, dumating sya April 23 and then nung nag May 1st week delay na regla ko pero d ko pinansin kasi kada uwi nman talaga ng partner ko nadedelay talaga ako ng weeks or may nangyari pa ngang 1 month d ako dinatnan so ayun Di ko nlng pinansin. Until nagtanong na partner ko saken na niregla na ba daw ako, sabi ko hndi pa nga eh. Kaya ayun sabi nya mag PT na daw ako baka baby na, pero d ako sumunod sa kanya kasi ayoko na tlaga mag expect. Pero dumating nlng June d pa din ako dinatnan kaya ayun nag PT na ako at ayun nga at positive agad. Share ko lang experience ko mga mii hehe nag diet din po pala ako mga 2 months before ako na buntis po egg lang halos kinakain ko tsaka mga fruits and veggies.
almost 6 years kami nagpaalaga sa OB after wedding hoping na mabuntis agad. but when we decided last May na stop na ang monthly check up pero continues vitamins me for Policard and Lishou Coffee instead na mag metformin dahil my PCOS ako. and c hubby Restor F kaso mahal di na kaya ng budget pinalitan ko ng maxvit. sabay delete ko din ng mga monitoring apps ko mas nakakastress xe pag inaabangan qng kailan ovulation. theb hindi na namin inabangan ang monthly na sana mag positive na ako pero laging dinadatnan. for the 1st time last july delayed ako ng 2 weeks nagPT ako pero via blood serum test para accurate kaso negative. mas nagtiwala nalang kami sa dasal pero unlike dati na laging umaasa dahil nakadepende kami sa OB at apps or calendar method. tapos hindi ko akalain na August na pala ung last mens ko. tama nga ung sinasabi nila wag mo epressure sarili mo. enjoy lang sa everyday flow ng daily routine mo. magpapayat qng over weight. at basta wag kaligtaan mag vitamins now pregnant at 15w 🥰 for almost 6 years na alam na alam ko ang LMP ko dahil sa apps na gamit ko hoping na if ever mag positive mas accurate ang magiging due date. pero nung nag positive ako sa PT hindi ko alam ang LMP ko dahil hindi ko na tinatandaan qng kailan. 😅
hello, we did these, 3 months trying and sa biyaya ng Diyos malapit na pong mangank soon 1. prayers 2. consult to ob/magpaalaga 3. take folic acid (wife) and rogin e (husband) 4. both take vitamins 5. healthy lifestyle (avoid stress, mapuyat, junkfoods, coffee, softdrinks, etc); better to have a simple exercise even 15 mins walk daily is fine 6. eat healthy foods (veggies and fruits) 7. search about ur fertility window, youtube2 lang Po 8. search about love making positions na effective to conceive; try nyo Po panoorin ung vlog ni doc Willie Ong, Meron Po syang guest na ob Doon para mkakuha Po kau tips. dapat din Po enjoy Po Kayo when doing that, I mean you're both into it. Hindi nmn Po need daily, as much as possible Doon sa fertility window matapat tlga pra sure na may eggcell kse once a month lang Po tau nagkakaron nun (12 hours only) so need matimingan. 9. iwas Po Muna sa pag aalaga ng pusa, ung poops Po kse nila e may chemical yun na di pwede sa gustong mag conceive or buntis.
nice! haha magbalitaan na lng tau mie qng when manganak haha. so excited for us! 🥰
I was diagnosed with mild PCOS 2017 poh ( single pa ako that time and the OB said na mahirapan daw ako mgka. baby and will need professional help). After nun, ng. change lifestyle ako, iwas stress sa work, more healthy food kesa fast food na kain.. Last 2019, may nag. introduce sakin ng ifern products ( fern D, vitamin D3 ung first ko na try to help with my insomnia and irregular period).. while taking it daily poh, mas naging ok ung pakiramdam ko, and regular period na din po.. Feb 2021 poh ako married, and Sept 2021, preggy na poh ako, LDR din kami ni hubby and upon ultrasound nawala din ung pcos ko.. yes, we prayed for our baby, though hindi nman poh ng madali, we just trust the process, hindi din poh ako ngpa. check with OB prior ngka. baby.. Wag lang poh ma. pressure talaga, pray and have faith na in God's perfect time ibibigay c baby.. on the same way, take some actions na mka. help as well.
Ito din nag work for me and hubby, sis. 8 years na akong may bilateral PCOS. 6 years kaming nag try ni hubby. iFern Power Trio din tinry namin. :)
Prayers and ng prep n kmi ng asawa ko. Bago ako mbuntis ng take n ako ng prenatal vitamins at sya ganun din ng vitamins din sya. Ngayon 10weeks na c baby sa tyan ko 😊. Still praying kmi may history kc ako ng miscarriage nung una hindi na naabutan sa utz. Wala pang 6mos after that ay nabuntis ulit ako pero dhil mxdong pang fresh from miscarriage at ngka covid kc ako nun kea at 15 weeks nawala c baby. Bale 3rd pregnancy ko n to. My hope is in the Lord. We waited a year bgo ng try ulit. Prayers at hope tlga kay Lord. What kept me hopeful is Nging possible nung una kea i know He allowed ito ngayon because i know na God knows that's my body is now ready to carry to term. Faith. God's timing is perfect. Minsan ping wwait tayo to test our faith. Sa right and perfect time na c Lord din ang mg ttakda 😊
2yrs and 6months kami nagtry pero wala talaga iniyak ko ng sobra sobra yun ,lagi ko ring pinagdadasal☺️🤗. then one time bigla ko naisip na , total hindi naman ako nilala*asan after S*x why not magpala*as din ako? so ayun every after namin sa ganon hindi muna ako naghuhugas then nanunuod sa po*nh*b para ganahan at Alam niyo na yun .😅 you will find it weird pero i tried it, aminin na natin na some women Hindi talaga nilalabasan after S*x . you will also find it weird kasi ako sa kagustuhan kong mabuntis talaga , After ko rin Sa Ganern😅 Tinutulog ko na, Wala ng hugas hugas para hindi muna Lumabas yung Sp**m pinupunasan nalang Ng wet wipes Para hindi mangamoy😁 ayun After 3months lang na ganon , Buntis nako ngayon at malapit ng Manganak😍☺️ SHAREKOLANG🤗
Sa amin ng partner ko po, unang taon palang kmi nagpapacheck-up na kmi sa OB tapos nagpapatest pa, kahit anong Test sinunud po nmin, hnggang sa nalaman nmin na mahina ang sperm ng husband ko. Kaya hindi na ako aasa na mabubuntis ako, pero kahit ganun pinagpray padin namin na makabuo. Kaya ang ginagawa ko nalang routine sa araw2* nag exercised ako tapos kumakain ng prutas at gulay. Tapos yung partner ko nmn pinapakain ko rin ng prutas hanggang pinagkaloob sa amin ngyun ng Panginoon ang pagbubuntis ko😀. 9 weeks na po ngaun ang tyan ko🫶. Gawin nyu rin to Mommy malay mo effective din sa inyu.
Hi my. Currently carrying our miracle baby. We tried and tried po for 6 years, which was sobrang tricky kasi may bilateral PCOS ako, and low sperm count si hubby due to an autoimmune disease medication. pero sa awa ng Diyos po, after 6 years, may miracle baby na kami on the way. 10w1d today. Still praying parin po kami for the safety and healthy journey of our miracle baby. :) We took iFern Power Trio po for about a month, pero hindi religiously. Laking gulat nalang naman, nag positive yung PT. 8w3d na si baby nung nalaman namin. :) Pray lang ng pray at tiwala kay Lord, my. :)
kmi rin ni hubby ko gnyan, 1 bwan nlang mag 1 year ng wala pdin baby..last april lng kmi kinasal. then nitong march ayun, pgka pt ko positive na..🙏😊 ang gnwa lng nmin, aftr ko mgkamens nung march, halos araw2 kmi nagmamakelove.. kung kaya ng 2 or 3x aday gwin nyo..take ka ng vitamins na may folic. and pinka importante, dasal kay God.. 🙏🙏🙏 try mo mhie.. di kse sken effective ung apps na ngsasabi kung kelan ka fertile. mas sure kung araw2 kyo mag do pra dimo ma miss ung araw ng ovulation mo.. goodluck.. sana mkatulong.
Charity