6 Các câu trả lời

Base on experience. Sa parents ko ganyan ang situation pero kaonti lang ang sobra sa income. 3 lang kami Pero dahil hindi marunong mother ko maghandle ng finances nabaon kami sa utang. Ganyan din, ayaw ng "tinitipid", inuuna yung wants before needs and bills, hindi practical, pasosyal, feeling mayaman. Kaya mapapayo ko kaso maging mahigpit ka sa pera, wag mo bigyan ng kahit na anong responsibility wife mo esp kung pera, bigyan mo siya ng allowance pero lahat ng needs na gastos sa bahay ikaw na mag budget. Ikaw na rin mag plano ng mga ocassions. Pero sa totoo lang kung katulad ka sa father ko na hindi makatanggi, mahihirapan ka. Lalo kung mabunganga ang wife, lagi kayo magaaway. Kasi sa nawitness ko, kahit walang-wala na father ko napapautang na lang para matahimik. Ngayon pa lang set boundaries.

Ano specific question mo po? kung about po sa hindi praktikal si misis, ipaintindi mo pa rin sa kanya. Wala po siyang work before kayo ikasal? Nagfull time housewife po ba siya? Baka doon na nalilibang si misis sa order at gastos. Kung sakaling sabihin nating ganun talaga dati pa before marriage ay set ka na lang ng boundaries, maganda sana kung magkakaroon ng work si misis kahit diyan sa negosyo mo. Kung sakaling ayaw pa din or same pa din sa hindi pagiging praktikal,ikaw na mismo ang mag adjust,bigyan mo na lang siya specific budget per month. Turuan mo siyang magbudget as in siya lahat magbayad, ung sobra un ung wants niya. Gawin mong challenge sa kanya un kasi tama ka doon sa part na mahirap ang buhay hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari at maganda po ung nakakaipon kayo.

value it now before its gone.. naging ganyan ako ganda ng income ng lip ko abroad, masyado akong naging masaya at kampante kasi na spoiled nya din ako, kami ng mga anak ko nag iipon ako at nag invest din sa mga gold pero aminin ko marami akong gastos na treat sa mga relatives ko, ang galante ko magbigay sa mga byenan ko at hipag kasi gusto ko masaya din sila to the point na inutangan na nila ako ng walang bayad bayad. until family problem comes, dikona i memention pero na parang biglang naglaho lahat, pati savings. mga gold nalang ang naiwan sakin 💔. ung iba naremata na din. kaya advice mo si misis mo na wag masyadong pakampante sa income, kasi lahat pwede mag bago, at pwede din maglaho.

awww :( good job sayo at sa business mo. i hope marealize ng asawa mo yung value of what she has and learn to be appreciative and content dahil many other women only dream of the comfortable life na meron sya l. i suggest you have a finance meeting with your wife and give a number na para sa savings, para sa negosyo, para sa needs at para sa luho. that way maging solid ang expectations and malessen ang misunderstanding and disagreements. paalala mo lang dn na hindi laging nasa taas ang business. kailangan always prepared for any crisis. kaya importante mag save.

set a budget, google sheets, boundaries at communications. lumalala ang inflation at sobrang taas na ng bilihin. yung kinikita nyong malaki ngayon in the future barya nlang yan. ipaintindi mo na hindi napupulot ang pera. praktikal na ngayon dapat wlang masamang lumabas labas umorder dapat in moderation lang.

haha, ask lng puh, galing puh ba sa sa mayamang pamilya yang asawa nyo?bka hndi sanay sa hirap kea puro luho lang, di marunong magpahalaga sa pera ,haha

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan