Wonderin. 🤔
Hmm... Mga already mommies here! ganun po ba tlga or normal lng na wla akong kincrave n food usually db po pagngbubuntis matic maglilihi may food na gustong gusto. In my 9weeks, 1st time preggy, 38 yrs old wala naman akong paglilihi like gusto nito, ng gnyan na ganap or just b'coz 9weeks p lng kasi? (I dunno) malakas lng kumain, gusto ko lng kakain ako kapg ngutom ganyan lng po ang eksena ko.🤭☺️ Pero discipline po ako sa kinakain ko at nag iingat. Makanin lng minsan. Salamat 🙏🏽 #keepsafetoallofus #soontobemom 🤗
hindi po un automatic na pag buntis ay may cravings o paglilihian. iba iba kasi lahat ng pregnancies. Ako din wala kong pinaglihian.. 23weeks na ko now and hindi din ako dumanas ng pregnancy sickness.. Siguro kung naglihi man ako, sa mister ko siguro kasi gusto ko lagi kong nakikita, pero sa food, wala e.. Sobrang unique ang bawat pregnancies, maaaring ngaun, ganyan ka, pedeng sa next mong pregnancy, maselan ka or may paglihian ka.. ganun po sya 😘
Đọc thêmNormal lang po yan mamsh. Ako po sa unang 3 kong pagbubuntis,napaka arte at napakaselan ko,kakaiba cravings ko sa pagkain at kapag hindi ko nagustuhan ang amoy,talaga namang hilong hilo ako at sukang suka. Dito sa 4th pregnancy ko,medyo nanibago ako kasi no cravings, walang hilo hilo. As in walang paglilihi, btw yung una kong 3 anak lahat sila lalaki, currently 29 weeks ako now pero di parin makita gender. Ewan ko lang kung may kinalaman gender sa paglilihi.
Đọc thêmako naranasan ko maglihi nun 12-13weeks na ako pati morning sickness lumabas din madalas ako magsuka tuwing gabi pero sa umaga at hapon malakas ako kumain sa gabi lang halos hindi na ako makakain lahat sinusuka ko pero iniisip ko na un gusto ko kainin sa umaga..masyado pa maaga sayo baka lumabas din yan sa huling 1st trimester or sa 3rd trimester kaya enjoy ka lang habang hindi pa lumalabas un morning sickness mo kasi sobrang hirap pag naramdaman mo na.
Đọc thêmmas mabuti nga po yun Hindi naglilihi...Ang hirap pag naglilihi kagaya ko napakaselan 11weeks preggy nako....halos taga kain ko sinusuka ko lahat ,ayaw ko makaamoy ng mga mababaho at pabango nanghihina Ako palageh 😔🥺 Ang hirap pumili kung ng kakainin ko😔mapait pa panlasa ko🥺😔 nahihirapan talaga Ako 😔gusto ko nakahiga lang Ako palageh..... sobrang swerte mo na sis kung Hindi ka naglilihi wag mo pangarapin...
Đọc thêmswerte nga daw pag ganun kasi ako wala ding paglilihing naganap kahit ngayon na 2nd pregnancy ko, although minsan naiisip ko parang namissed ko ung part na yun ng pregnancy,yung di ako nakakarelate sa ibang moms pag nagkukuwentuhan sila about sa journey nila😁, 29 weeks na ako
Di tlga lahat tinatablan ng cravings sis. Swerte mo nga kung wala kang cravings at morning sickness eh,wag mo na hanapin yun kase di mo mgugustuhan ang pakiramdam😆basta kumain ka nlang pag nagugutom ka.
Ako sis, nung pinag buntis ko ang Baby girl ko. Ndi ako ng cacravings ng mga foods.. at ska di masilan nung nagbuntis ako.. pasalamat din ako kci ndi ko naranasaan yun. At ngaun 8mos na c LO ko. 🥰❣️
eto pong sa 1st baby ko wala din ako naging lihi...thankful nalang din kasi di ko napahirapan yung mga kasama ko sa bahay 🤣 kahit vomit wala...super chill lang hanggang sa manganak
ako sis, first pregnancy ko and 10 weeks now, no cravings, walang paglilihi, no morning sickness blessing nga kc wala ang husband ko sa tabi ko during this period of my pregnancy.
Ako sis, first pregnancy ko, di ako nag crave ng kahit ano. No morning sickness din. Swerte ang mga asawa natin, di sila mahihirapan maghanap ng cravings natin hahaha