1 Các câu trả lời

Congrats on your pregnancy, sis! Ganyan din ako on my first trimester, may morning sickness (actually hindi lang sa morning eh, kaya I called it "all day sickness" 😁). Pero mga twice lang ako nagsuka talaga. Madalas 'yung feeling lang na naduduwal 'yung nararamdaman ko, saka walang ganang kumain. 'Yung wala kang interes sa kahit anong pagkain, ganern! Pero kailangan kumain sis ha? Pilitin mo for baby 🥰 Hindi rin ako mahilig talaga kumain kahit noong dalaga pa ako, at nadala ko 'yun sa first 3 months of my pregnancy. Nagagalit na nga asawa ko at nanay ko kasi hindi daw ako nagkakakain at hindi ako nag-ge-gain weight😅 Pero hopefully pagdating mo ng second trimester mawala na 'yang paglilihi mo, sis, like what happened to me. Ngayon naman grabe ang gutom ko 🤣

Oo sis minor discomfort lang 'yan compared sa happiness ng pagkakaroon ng baby 🥰

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan