24 Các câu trả lời

More water. Kung pwede po kahit san ka magpunta may tubig ka na dala. Yakult po nakakatulong din. Papaya na hinog. Ako nung 1st and 2nd tri ko yan talaga problema ko. Umiiyak ako sa sakit. Ang ginagawa ko naglalakad ako mula bahay hanggang palengke, medyo malapit na malayo. hahaha. kasi nararamdaman ko yung poop ko nasa pwet ko lang eh. pag naglakad ako pag uwi ko matatae na ako. mahina ako sa water noon kaya sabi ko iinom na ko more water. nung patapos na 2nd tri ko until now, normal na pagpoop ko. nalalabas ko na sya agad na walang sakit. madaming tubig lang iniinom ko at yakult everyday

VIP Member

sakin pahirap din yan lalo na nung 1st trimester ko ung tipong naiyak na ako sa cr kasi di ko talaga malabas hanggang sa nag ka hemorrhoids na ako. Buti ngaun ok na. Eto lang ginawa ko po: *More water intake *Yakult once a day(maganda din sya sa UTI and kung may mga discharge) *Pinalitan ni OB ung ferrous sulfate ko na meds kasi nalaman ko ung meds ko na iniinom nakakapg constipate talaga sya😔 Thank God ok na ako🙂 everyday na din ako nag poop☺️ i hope maka help❤️

Yes pwede din po papaya na hinog🙂

Before nung first trimester big deal yan sakin. Nasstress ako kapag hindi ako makapupu. pro now 6 months na ko, hindi ko na masyado iniisip. Lalabas din sya, you don't have to force it. As long as you eat healthy and you drink plenty of water, it will happen. Stress is a big factor napansin ko, when I am stressed dun ako constipated.

haha true! ganyan din iniisip ko nun kaya stressed na stressed ako nun pag ayaw hehe

pag ganyan ang naramdaman ko na parang alam ko natatae ako tlga inom ng inom ng tubig ako at Yakult tapos mamaya maya niyan ayon na haha un nga lang tlaga matigas sga lalo pa kung nag karne kami hayss hirap. 😆kaya iwas na ako sa baboy na karne maliban sa mahal na din 😆😆😆

simula nung nag 2nd trimester ako lalong lumala constipation ko din, dati pinipilit kong ilabas. Ngayon, kahit 3days bago me mgpoop hinahayaan ko na na kusa syang lumabas at mapagod. Dagdag sabaw, less meat, more fruits and H2O na lang.

more water intake and mga gulay po kasi rich sa fiber.ako po pagkapanganak ko naiiyak ako kapag nagbabawas kasi sobrang sakit then every meal kumakain ako ng steamed na okra partner ko sa ulam ko.naging okay na yung pagbabawas ko.

Ako simula nung nag take ako ng Ferrous sulfate saka Folic acid mabilis nalang lumabas poop ko. Naranasan ko na din mataranta kasi may dugo sa toilet bowl huhuhu buti ngayon ayos na. Iwasan ang soda, mag buko at tubig.

Umiinom ka ba ng calcium tab? Kasi nung sinabi ko sa ob ko yun, Pinalitan niya ung brand ng calcium ko. Umiinom din ako ng warm water upon waking up everyday. 🙂

VIP Member

Inom ka po ng yakult and yogurt din if hindi pa po tell your OB para maresetahan ka nya ng pangpalambot ng poop ganyan ako before ang ending nagkaalmuranas ako

Nangyare nadin sakin yan nagdugo na pwet ko kc hirap tumae. Binigyan ako gamot ng ob ko tapos bawas daw po muna sa oily foods and more water.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan